Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Vivian Velez apologizes to Angel Locsin over Top 100 ABS-CBN stockholders post

Feb 23, 2020
Film Academy of the Philippines Director-General Vivian Velez to Angel Locsin: "I do believe you have a good heart in helping others."
PHOTO/S: VIVIAN VELEZ / @therealangellocsin on Instagram

Humingi ng paumanhin si Vivian Velez kay Angel Locsin matapos magpahayag ng pagkadismaya si Angel sa pamamaraan kung paano ibinunyag ni Vivian ang pangalan ng ABS-CBN actress bilang isa sa top 100 stakeholders ng ABS-CBN.

Ipinaabot ni Vivian ang kanyang pahayag kay PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) lead correspondent Arniel Serato ngayong Linggo, February 23, 2020, via Facebook Messenger.

Sabi ng aktres, "Don't be so defensive, my Angel without wings.

"I do believe you have a good heart in helping others.

"Please try to you use this kind of passion objectively with the perspective of doing what is right for the whole nation.

"I apologize if you think I maligned you in my FB personal wall post but that was not my intention.

"I'm still a big fan of yours. Peace."

ANGEL REACTS TO VIVIAN'S POST

Matatandaang nitong nakaraang Biyernes, February 21, 2020, naglabas si Angel Locsin ng pahayag sa kanyang Instagram account laban sa Facebook post ni Vivian na nagpapakita ng Top 100 Stockholders List ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Inilabas ng 51 anyos na aktres at Film Academy of the Philippines (FAP) Director-General ang listahan sa kanyang Facebook account noong February 12, 2020.

Sa comments section nito, nag-iwan ng tila isang sarcastic na komento ang isang netizen.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Chinese-Filipinos or just Chinese? Oligarchs? Dummies?" ang sabi nito.

Sinagot naman siya ni Vivian (published as is), "And actors?... Angelica Colminares is Angel Locsin."

Continue reading below ↓

Hindi man niya deretsahang sinabi, matatantong pinapalabas ni Vivian na may "vested interest" si Angel sa kanyang pagpapakita ng simpatiya sa ABS-CBN franchise renewal issue dahil isa siya sa mga stakeholders ng network—na mariin namang kinontra ni Angel sa kanyang sagot.

Mahigit isang linggo ang nakalipas bago ito sinagot ni Angel gamit ang kanyang Instagram post na may screenshot ng Facebook post ni Vivian.

Nakalagay sa kanyang caption (published as is), "Just to clear things up, (1) I am not part of any political party, nor representing any politician, (2) I do not have an existing contract with ABS-CBN. Therefore, the company has no control on whatever I want to post, (3) Sorry to disappoint some people, but money is not everything.

"Hindi ko ho alam kung anong intention ni Ms. Vivian sa kanyang post, pero kung ito po ang gagamitin to discredit my name and what I stand for, hindi nyo po kailangang gawing issue.

Continue reading below ↓

"Kapag kumita po ang aking maliit na investment sa ABS-CBN, I WILL DONATE EVERYTHING TO CHARITY. Accounted."

Sabi rin ni Angel na ang kanyang stocks, na "payable in 5 years," ay hindi niya pa nababayaran nang buo kaya't hindi pa raw niya ito pagmamay-ari.

Dagdag rin niya, "Again, money is not everything...

"Nirerespeto ko ho ang opinyon ng lahat. Alam ko na magkakaiba man ng paraan, lahat naman tayo prayoridad ang kapakanan ng mga manggagawa. Yun naman po ang importante."

Continue reading below ↓

RESPECT FOR ANGEL

Ganunpaman, inamin ni Vivian na nananatili siyang fan ni Angel, na dati niyang nakatrabaho sa teleseryeng Immortal.

Nabanggit ni Vivian sa interbyu sa kanya ng PEP.ph sa presscon ng teleseryeng Immortal noong October 11, 2010 na hinahanggaan niya ang pagiging mapagkumbaba ng 34 anyos na aktres.

"Fan talaga ako ni Angel," ani Vivian.

"Kasi sa mga artista ngayon, she's so down to earth.

"'Tapos, I was not wrong kasi ngayong kasama ko siya, talagang mas na-appreciate ko siya.

"Ang bait-bait ng batang yun at saka talagang totoong tao siya."

Samantala, isinapubliko ng Lopez Holdings Corp. ang ABS-CBN Top 100 Stockholders List dahil sa posibilidad na ipasara ang broadcasting units ng kumpanya dahil sa problema nito sa legislative franchise.

Nakatakda sa February 24 ang ang pagdinig ng Senado sa counterpart bill para sa ABS-CBN franchise renewal habang nakatakdang mag-expire ang kanilang franchise sa March 30, 2020.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Film Academy of the Philippines Director-General Vivian Velez to Angel Locsin: "I do believe you have a good heart in helping others."
PHOTO/S: VIVIAN VELEZ / @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results