PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Atienza's SUV bursts into flames; wife escapes unhurt

Kim Atienza thankful that his wife “wasn’t hurt on her birthday;” says goodbye to burnt SUV.
by Jet Hitosis
Published Feb 24, 2020
Kim Atienza's Range Rover was badly damaged by the fire after it suddenly burst into flames in Taguig City. The TV host's wife Felicia Atienza, who was inside the SUV at the time of the incident, escaped unharmed.
PHOTO/S: @kuyakim_atienza on Instagram

Nagliyab ang sasakyan ng TV host na si Kim Atienza, habang sakay doon ang kanyang misis at bumibiyahe sa Taguig City.

Sa Instagram post ng 53-anyos na Matanglawin host nitong Linggo, February 23, tiniyak niyang ligtas at hindi nasaktan ang asawa niyang si Felicia Hung Atienza, 50, sa insidente.

Sa post ni Kim, ibinahagi niya ang mga litrato ng tupok na tupok na unahang bahagi ng kanyang Range Rover, isang luxury sports utility vehicle (SUV).

May video rin sa post, kung saan makikitang nagliliyab ang unahang bahagi ng sasakyan.

Batay sa mga litrato, umabot ang pagliliyab hanggang sa driver’s seat at sa ibabaw nito.

Sa kanyang post, nagpasalamat si Kim na hindi nasaktan ang kanyang misis, na nagkataong nagdiriwang ng birthday nang mangyari ang aksidente.

Caption ni Kim: “Thank you Lord @feliciaatienza wasn't hurt on her birthday!”

Nagpaalam din ang TV Patrol weather anchor sa nasunog niyang SUV—na tinawag niyang Rangie—na matagal nang ginagamit ng kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Kim: “This car served us well. Bye bye Rangie.”

Nagbahagi pa si Kim ng Bible verse tungkol sa isang biyayang ipinagkaloob at binawi.

“Job 1:21 ‘The Lord gave, and the Lord has taken away; blessed be the name of the Lord.”

Sa comments section, nagpaabot ng pag-aalala ang ilang kapwa celebrities, kabilang sina Angel Locsin, Vhong Navarro, Kris Lawrence, at Senator Joel Villanueva, para sa misis ni Kim.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post naman ng panalangin ang singer-songwriter na si Gary Valenciano para kay Felicia.

Ang broadcast journalist na si Karen Davila, pinuri ang pagiging kalmado ng misis ni Kim sa gitna ng aksidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Thankful din ang Malaysian-Chinese actress-model na si Carmen Soo, ang anak ni dating Pangulong Gloria Arroyo na si Dato Arroyo, at ang businesswoman-car enthusiast na si Angie Mead King na hindi napahamak ang maybahay ng TV host.

Nagpasalamat din sa Diyos ang ABS-CBN broadcaster na si Niña Corpuz, ang aktres na si Candy Pangilinan, at ang model-TV host na si Marc Nelson na maayos ang lagay ni Felicia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2002 nang ikinasal si Kim kay Felicia, at mayroon silang tatlong anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza's Range Rover was badly damaged by the fire after it suddenly burst into flames in Taguig City. The TV host's wife Felicia Atienza, who was inside the SUV at the time of the incident, escaped unharmed.
PHOTO/S: @kuyakim_atienza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results