Matteo Guidicelli finally speaks about secret wedding to Sarah Geronimo

by Arniel C. Serato
Feb 26, 2020
Matteo Guidicelli on secret wedding to Sarah Geronimo: "That evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry I never 'punched' anyone. I will forever stand up and protect my wife just as how my father would protect my whole family."
PHOTO/S: Courtesy: @matteog on Instagram

Sa wakas ay nagsalita na si Matteo Guicielli, 29, tungkol sa secret wedding nila ni Sarah Geronimo, 31.

Ginanap ang Christian wedding nina Matteo at Sarah sa Victory Church, The Fort, Bonifacio Global City, Taguig, noong Huwebes ng gabi, February 20, 2020.

Ngayong umaga ng Miyerkules, February 26—o makalipas ang anim na araw—kinumpirma ni Matteo ang pag-iisang dibdib nila ni Sarah sa pamamagitan ng kanyang social media accounts (Instagram, Facebook, at Twitter).

Dito ay opisyal nang tinawag ni Matteo si Sarah bilang "Mrs. Guidicelli."

Panimulang pahayag ng Viva actor: "02 20 2020, A day full of pure love, honesty and genuine emotions.

"Yes, we got married. Mr and Mrs. Guidicelli."

Pitong taon na ang relasyon nina Matteo at Sarah bago sila lumagay sa tahimik.

Patuloy ni Matteo: "First and foremost, We would like to express the overwhelming joy, love and excitement we have in beginning our life together.

"We decided to keep everything as intimate as possible because of private matters.

Continue reading below ↓

"Each and everyone of you have been part of our love journey and we want to say, Thank you.

"Friends, family and everyone on 'social media' have been a source of inspiration, strength, and most importantly, of LOVE."

"I NEVER PUNCHED ANYONE."

Nalaman ng publiko ang tungkol sa secret wedding nina Sarah at Matteo nang magpa-blotter si Jerry Cortes Tamara, 31, bandang 3:27 a.m., noong Biyernes, February 21, tungkol sa diumano'y panununtok sa kanya ni Matteo.

Si Jerry ang personal bodyguard ni Sarah sa loob ng tatlo at kalahating taon.

Base sa blotter report, nagkaroon daw ng komosyon sa reception ng kasalan na ginanap sa isang private room sa Ministry of Crab, Shangri-La at The Fort, BGC.

Nagsimula ito nang biglang dumating ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo—mas kilala sa showbiz sa tawag na Mommy Divine.

Sa gitna ng komosyon ay sinuntok daw ni Matteo sa may lalamunan si Tamara, na pinagbintangan ng aktor na siyang nagsumbong kay Mommy Divine tungkol sa nangyaring secret wedding.

Continue reading below ↓

Pinabulaanan ito ni Matteo sa kanyang post ngayong araw.

Aniya, "That evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry I never 'punched' anyone.

"I will forever stand up and protect my wife just as how my father would protect my whole family."

Pinasalamatan naman ni Matteo ang kanyang pamilya sa pagmamahal na ibinibigay ng mga ito kay Sarah, bilang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

"I would like to say thank you to my family for loving Sarah like a daughter.

"Our family is growing and we are blessed.

"Papa and mama, thank you for deeply loving and welcoming Sarah into our family."

"EVERYTHING WILL HEAL..."

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, sinabi ni Matteo na umaasa siyang darating ang panahong magkakaayos ang magkabilang kampo.

Hindi kasi kaila sa apat na sulok ng showbiz na tutol si Mommy Divine sa relasyon nina Matteo at Sarah.

Ito rin ang dahilan kaya pinili ni Sarah na hindi ipaalam sa ina na ikakasal na siya noong February 20, na labis daw ikinagalit ni Mommy Divine.

Continue reading below ↓

Saad ni Matteo, "In time, with God’s grace and Love, everything will heal and fall into place.

"We are happy, we are blessed, and we are husband and wife!

"Let’s always celebrate life and love! Nothing will ever defeat pure honest LOVE.

"God bless everyone for your love and support!

"Again, from the deepest part of our hearts thank you!

"Sincerely,

"Mr and Mrs. Guidicelli

"#family #BLESSED #HappywifeHappyLife"

Continue reading below ↓

Sa ngayon, binabalak na raw ni Jerry magsampa ng reklamo laban kay Matteo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli on secret wedding to Sarah Geronimo: "That evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry I never 'punched' anyone. I will forever stand up and protect my wife just as how my father would protect my whole family."
PHOTO/S: Courtesy: @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results