Bianca Umali, Kyline Alcantara bond as friends almost two years after third-party issue

by Rachelle Siazon
Feb 26, 2020
Here's a proof of Bianca Umali (left) and Kyline Alcantara (right) being good friends despite controversy in 2018.
PHOTO/S: @bianxa / @barbaraforteza / @itskylinealcantara Instagram

Nalampasan na nina Bianca Umali, 19, at Kyline Alcantara, 17, ang napabalitang kontrobersiyal na alitan nila halos dalawang taon na ang nakararaan.

Sinasabing nagkaroon ng alitan noon ang dalawa nang magkatrabaho sila sa GMA-7 primetime series na Kambal Karibal.

Sangkot sa isyu si Miguel Tanfelix, ang noo'y rumored boyfriend ni Bianca at leading man sa Kambal Karibal.

Ngunit tila naayos na ang anumang gusot na namagitan sa kanila noon.

Nitong Martes ng gabi, February 25, masayang nag-bonding ang dalawa kasama ang mga dating kasamahan sa defunct Kapuso Sunday variety show na Sunday PinaSaya.

Naroon sina Barbie Forteza, Gladys Guevarra, at Leon Sumagui.

Tila naroon din ang rumored boyfriend ni Bianca na si Ruru Madrid, pero hindi ito kasama sa picture na ibinahagi ni Barbie sa Instagram.

Caption ni Barbie: "Spent the whole day pigging out and having the best time with this bunch [food and drink emojis] I really needed this. Thank you guys! @igladysguevarra @leonsumagui @bianxa @itskylinealcantara @rurumadrid8"

Continue reading below ↓

Sana raw "next time" ay naroon din sina Julie Anne San Jose, Ryzza Mae Dizon, at Jak Roberto para "kumpleto na tayo!"

BIANCA AND KYLINE REACT

Nagpahiwatig sina Bianca at Kyline na malapit sila sa isa't isa base sa comments section.

May comment si Bianca na "HAPPINESS" at sinundan ito ng heart emoji.

Sabi naman ni Kyline, "We all needed this day... Sa uultin, [blowing kiss emoji]!!!"

Sumagot din si Ruru ng prayer at heart emojis.

Humirit din si Julie Anne sa susunod na magkita-kita ang kanilang grupo ay sasama na ito.

THE THIRD-PARTY ISSUE

July 2018 nang maging tampok ng espekulasyon ang matatalinhagang tweets ni Bianca tungkol sa pinagdadaanang "hurt" feelings.

Continue reading below ↓

Sinasabing naghiwalay noon sina Bianca at Miguel, pero hindi kailanman umamin ang dalawa na naging magkarelasyon sila.

May tweet pa si Bianca na "sssss," na ayon sa netizens ay tunog umano ng ahas.

May kinalaman umano iyon kay Kyline.

Todo-tanggol naman ang fans nina Bianca at Kyline sa kanilang mga idolo.

Tila hindi naman nagpatinag si Kyline.

Nakitaan itong nag-hand gesture ng ahas sa isang August 2018 episode ng defunct GMA-7 Sunday variety show na Sunday PinaSaya.

Sinasabing patama raw ito sa netizens na nangdadawit sa kanya sa balitang hiwalayan noon nina Bianca at Miguel.

Sa panayam ng PEP.ph noong December 2018, mariing pinabulaanan ni Kyline na may ugnayan sila ni Miguel.

Gayundin si Miguel, na nagsabing "di totoo" ang ibinabatong alegasyon sa kanila ni Kyline.

CLOSE FRIENDS

Kung nagkaisyu man noon, tila hindi ito naging hadlang para maging magkaibigan sina Bianca at Kyline.

Sa PEP Live noong October 2019, sinabi ni Kyline na itinuturing niya si Bianca bilang isa sa mga malapit niyang kaibigan sa showbiz.

Continue reading below ↓

Sumang-ayon din siyang marami nang pinagdaanan ang pagkakaibigan nila ni Bianca.

"Stronger than ever," nakangiting komento pa ni Kyline.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Here's a proof of Bianca Umali (left) and Kyline Alcantara (right) being good friends despite controversy in 2018.
PHOTO/S: @bianxa / @barbaraforteza / @itskylinealcantara Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results