PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Guidicellis warmly welcome Sarah Geronimo to the family

Gianluca and Gianna Guidicelli like a post about Sarah-Matteo wedding.
by Bernie V. Franco
Published Feb 26, 2020
Glenna and Gianluca (right photo), parents of Matteo Guidicelli, liked a congratulatory post for newlyweds Matteo and Sarah Geronimo (left photo).
PHOTO/S: Photo taken from Twitter / @gguidicelli on Instagram

Ni-like ng mga magulang ni Matteo Guidicelli na sina Gianluca at Glenna Guidicelli ang isang congratulatory post tungkol sa pagpapakasal ng kanilang anak kay Sarah Geronimo.

Nitong February 25, Martes, ipinost ng ABS-CBN sports reporter na si Dyan Castillejo ang dalawang larawan kung saan kasama niya ang bagong kasal na sina Sarah at Matteo.

Naganap ang Christian wedding nina Sarah at Matteo sa Victory Church sa The Fort, Taguig City, noong February 20, 2020.

Sa caption ay binati ni Dyan ang dalawa.

Mensahe niya: “Congratulations Dear Sarah and Matteo!!!

"I’ve seen how happy you both are when you’re together. So happy you’re now For Life!! Woohoo!

“Your love has stood the test of time and challenges. Two beautiful people with golden.

"Excited for your new season of growing and loving with the Strength of the Lord Jesus!

“My love and prayers always!! Mr and Mrs Guidicelli”

Kabilang sa nag-like sa post na ito ni Dyan ang Italyanong ama ni Matteo na si Gianluca at Pilipinang ina na si Glenna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malinaw na ang simpleng pag-like ng mga magulang ni Matteo sa post ay pagsuporta sa bagong yugto sa buhay ng aktor.

Nag-like din sa post ang 13-anyos na kapatid ni Matteo na si Paolo Guidicelli.

Lumalabas na malapit na kaibigan ni Dyan ang pamilya Guidicelli.

Matutukoy na pina-follow ni Dyan sa Instagram ang aktor, pati ang kapatid nitong babae na si Giorgia, at ang mga magulang ng aktor.

Pina-follow naman ni Matteo at ng kanyang pamilya si Dyan sa Instagram.

May ilang posts din ang pamilya Guidicelli kasama si Dyan, na kagaya nila ay mahilig sa sports.

Dating professional tennis player si Dyan.

Samantala, walang recent posts ang pamilya Guidicelli tungkol sa naganap na kasal nina Matteo at Sarah.

Pero ang tiyak ay dumalo ang pamilya ni Matteo sa secret wedding at sa private wedding reception.

Kinumpirma ito ni Letty Fuentes, kaibigan at counselor nina Sarah at Matteo, na imbitado rin sa kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa counselor, naipaalam lang sa pamilya ni Matteo ang tungkol sa secret wedding isang araw bago ito ganapin.

Inilihim daw talaga ang kasal sa kanila.

“Akala ko magse-session kami, saka dinner,” lahad ni Fuentes sa panayam ni MJ Felipe na umere sa TV Patrol kagabi, February 25.

SARAH CLOSE TO MATTEO’S FAMILY

Kung pagbabasehan ang ilang Instagram posts ng pamilya ni Matteo, tanggap na tanggap nila si Sarah.

May mga post sina Gianluca, Glenna, at Giorgia na kasama si Sarah.

Nang ikasal si Giorgia noong December 2019, si Sarah ang tumayong maid of honor.

May post si Giorgia na ganito: “The most important people in my life #family”

Kalakip nito ay larawan nilang pamilya, at kasama rito si Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nakaraang Pasko, nag-post ng Christmas greeting ang ina ni Matteo kalakip ang family picture nila, at kasama rin dito si Sarah.

Nakasulat sa caption: "From our family to yours Have a Merry Christmas to all!!! God bless"

Kabaliktaran naman ang sitwasyon ni Sarah.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ng pamilya ng Popstar Royalty si Matteo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumalabas ding hindi imbitado sa kasal ang pamilya ni Sarah.

Kaya nang malaman ng ina ng singer-actress na si Divine Geronimo—mas kilala sa tawag na Mommy Divine—ang naganap na kasalan ay nagwala umano ito nang biglang dumating sa reception.

Sa panayam ni Fuentes, sinabi nitong matagal nang gustong magpakasal nina Sarah at Matteo, pero laging napupurnada dahil sa pagtutol ng pamilya ni Sarah.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glenna and Gianluca (right photo), parents of Matteo Guidicelli, liked a congratulatory post for newlyweds Matteo and Sarah Geronimo (left photo).
PHOTO/S: Photo taken from Twitter / @gguidicelli on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results