Bumuhos ang pagbati ng mga artista at personalidad para sa bagong kasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
Naganap ang secret wedding nina Sarah at Matteo sa Victory Church, Bonifacio Global City, Taguig, noong February 20, Huwebes.
Pribado ang nangyaring kasal na dinaluhan ng pamilya ni Matteo at mga kasamahan nila sa simbahan.
Sa appreciation post ni Matteo sa Instagram ngayong Miyerkules, February 26, nagsunud-sunod ang congratulatory messages at love advice ng mga celebrity sa comments section.
Kabilang sa mga bumati sa bagong kasal ay si Pasig City Mayor Vico Sotto, at ilang artista mula sa GMA-7 at ABS-CBN.

KAPUSO STARS CONGRATULATE ASHMATT
Bagamat parehong Kapamilya sina Sarah at Matteo, ilang Kapuso stars ang nagpaabot ng pagbati sa kanila.
Isa na rito si Iya Villania, na umaasang balang araw ay magkakaayos din ang mga taong nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan bunsod ng pag-iisang dibdib nina Sarah at Matteo.
Bahagi ng komento ng Kapuso actress-host: “can’t wait for the day when everything and everyone is at peace [praying emoji] enjoy life ever as Mr and Mrs! [heart emoji]”
Nabahiran ng kontrobersiya ang secret wedding nina Sarah at Matteo dahil sa diumano'y pagwawala ni Divine Geronimo, ina ng Popstar Royalty.
Nagkaroon din daw ng sagutan sa pagitan ni Mommy Divine at ng ama ni Matteo na si Gianluca Guidicelli.
Inakusahan pa ng close-in security ni Sarah na si Jerry Tamara si Matteo ng physical assault.
Ani Tamara, sinuntok umano siya ni Matteo. Pero itinanggi ito ng aktor.
Samantala, bumati rin ang Kapuso actor na si Rodjun Cruz sa kaibigang si Matteo.
Si Rodjun ay kapatid ni Rayver Cruz, dating boyfriend ni Sarah.
Nagpaabot din ng pagbati ang Kapuso actresses na sina Carla Abellana at Gladys Reyes.
Nakatrabaho ni Matteo si Carla sa 2014 movie na Somebody To Love.
“Mabuhay ang bagong kasal” komento naman ng Eat Bulaga! host na si Ryan Agoncillo.
Si Ryan at asawa nitong si Judy Ann Santos ay kilalang malapit na kaibigan nina Sarah at Matteo.





ABS-CBN stars CELEBRATE ASHMATT WEDDING
Bumuhos din ang pagbati mula sa Kapamilya stars na sina Judy Ann Santos, Anne Curtis, Angel Locsin, Ruffa Gutierrez, Bianca Gonzalez, Iza Calzado, at marami pang iba.
Ani Juday sa newlywed couple: “Prayers and love for you both.. [heart emojis] always and forever.”
Nitong weekend, naghanda ng isang private celebration sina Juday at Ryan para kina Sarah at Matteo.
Komento naman ni Angel: “Love you guys! Super happy for the both of you! Congratulations!”
Sabi naman ni Bianca: “Welcome to the married club it is the best”
Bumati rin sina Jolina Magdangal, Karla Estrada, Neri Miranda, Kaye Abad, Yam Concepcion, Nikki Gil, at Kris Aquino.
Emosyonal namang mensahe ni Ruffa: “This made me cry! CONGRATULATIONS to the ever so kind, super bait Sarah G and to you Matteo who fought for her. TRUE LOVE CONQUERS ALL! [heart emoji]”
Payo naman ni Marvin Agustin: “Walang madaling relasyon pero nagiging payapa at maayos ang pagsasama pag kayong dalawa ay mangangakong magkakampi hanggang dulo. Very very happy for you guys.”
Sabi naman ni Iza Calzado: “You both deserve to be happy!!! Love and Light, always!!! [heart emojis]”
May halong biro na payo ni Ryan Eigenmann: “Piece of advise that was given to me on my wedding… ‘Marriage is not a word, it’s a sentence… A LIFE sentence!”
Pa-joke din ang komento ni Nico Bolzico, na kaibigan ni Matteo.
“Welcome officially to the #BulliedHusbandsClub,” sabi ng asawa ni Solenn Heussaff.
Nagkomento rin sina Dimples Romana, Eric Tai, Darren Espanto, Gretchen Ho, Georgina Wilson, Tim Yap, Chie Filomeno, Serena Dalrymple, Bogart The Explorer, Richard Yap, Ylona Garcia, at celebrity photographer na si Mark Nicdao.










