Watch Now

President Rodrigo Duterte accepts ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak's apology

by Jet Hitosis
Feb 26, 2020
In an interview with Malacañang reporters on February 26, President Rodrigo Duterte (left) says he accepts ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak's apology over his unaired campaign ads during the 2016 presidential elections.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office, Carlo Katigbak on Facebook

“I accept the apology.”

Ito ang sagot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paghingi ng paumanhin sa kanya ni ABS-CBN Corporation President and Chief Executive Officer (CEO) Carlo Katigbak.

Binitiwan ng Presidente ang pahayag sa harap ng Malacañang reporters ngayong Miyerkules, February 26, ayon sa report ng CNN Philippines.

Nagpaabot ng paghingi ng paumanhin sa Presidente ang ABS-CBN top executive nang humarap ang huli sa Senate hearing para sa franchise renewal ng Kapamilya network nitong Lunes.

Nag-sorry si Katigbak sa paid presidential campaign ads ni Pangulong Duterte na hindi naiere ng network noong 2016.

Sa pagdinig, ipinakita ni Senator Christopher “Bong” Go, kilalang kaalyado ng Presidente, ang campaign ads na ayon sa senador ay nakasisira sa imahe ng dating Davao City mayor.

Ayon kay Go, sa halip na ang political ads ni Duterte ay ang naturang mapanirang ads ang ipinalabas ng ABS-CBN.

Ang campaign ads na itinampok sa presentation ni Go ay binayaran ni noo'y Senator Antonio Trillanes IV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito, ayon kay Go, ang ikinagagalit ni Pangulong Duterte sa network.

Sa mga naunang pahayag ng Pangulo, inakusahan niya ng swindling ang ABS-CBN dahil sa naturang atraso sa kanya.

Nagbanta rin ang Chief Executive na haharangin ang franchise renewal ng network.

Nakatakdang mag-expire sa May 4, 2020 ang legislative franchise ng ABS-CBN.

ABS-CBN APOLOGIZES

Pahayag ni Katigbak: “We’re sorry if we offended the President.

“That was not the intention of the network.

“We felt that we were just abiding by the laws and regulations that surround the airing of the political advertisements.

“Today, we want to make a categorical statement, together with our chairman Mark Lopez, that ABS-CBN does not and will not have its own political agenda.”

THE UNAIRED CAMPAIGN ADS

Kasunod nito, inamin ng ABS-CBN top honcho na umabot sa PHP7 million ang halaga ng political ads ni noon ay Davao City Mayor Duterte na hindi nila naipalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Katigbak, nagkaproblema sila sa local ads dahil limitado lang sa dalawang minuto ang airtime nito kada oras.

“In the case of local ads, the President placed an order of P65 million worth of spots, of which we failed to air P7 million worth,” sinabi ni Katigbak sa Senate panel.

Dagdag pa ng ABS-CBN president, first come, first served basis ang pag-place ng ads.

Hindi raw kaagad na nakapagpareserba ng slot ang kampo ni Pangulong Duterte, ayon kay Katigbak.

“Many of these spots were ordered [by Duterte] on May 3rd, and May 7 was the last day of the campaign period,” ani Katigbak.

Nilinaw din ni Katigbak na naibalik naman nila sa Presidente ang aabot sa PHP4 million sa naturang halaga.

Gayunman, aniya, hindi na tinanggap ng Pangulo ang natirang PHP2.6 million makaraang hindi agad ito ma-refund ng network.

Tungkol naman sa umereng political propaganda ni dating Senator Trillanes, iginiit ni Katigbak na “It did not violate any of our internal policies.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DONATE P2.6M TO CHARITY

May suggestion naman si Pangulong Duterte kung ano ang gagawin ng ABS-CBN sa PHP2.6 million.

Aniya, “Ibigay na lang nila sa any charitable institution of their choice.”

Kasabay nito, binigyang-diin ng Presidente na ang pagkakaloob ng panibagong 25-taong prangkisa sa ABS-CBN ay nakasalalay sa Kongreso.

Bagamat nasimulan na ng Senado ang pagdinig sa ABS-CBN franchise renewal bill, hindi pa natatalakay ng Kamara ang 11 counterpart bills nito.

Batay sa latest development, nahingan na ng House Committee on Legislative Franchises ng position papers ang mga miyembro nito kaugnay ng mga nakabimbing panukala.

Samantala, nang tanungin ng mga mamamahayag kung pipirmahan ba ng Presidente ang franchise renewal bill para sa Kapamilya network sakaling aprubahan na ito ng Kongreso, tumanggi siyang magbigay ng direktang sagot.

Pero tiniyak ni Pangulong Duterte na hindi siya makikialam sa congressional deliberation sa Senado at Kamara sa naturang pending bills.

PRESIDENT DUTERTE on THE QUO WARRANTO PETITION

Kasabay nito, muling itinanggi ng Presidente na may kinalaman siya sa quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) laban sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

February 10 nang hiniling ng OSG—bilang abogado ng gobyerno—sa Korte Suprema na makansela ang franchise ng network dahil sa ilan umanong paglabag sa batas.

Giit ng OSG, ilegal ang pay-per-view na Kapamilya Box Office (KBO) Channel sa ABS-CBN TV Plus.

Bukod dito, pinahihintulutan daw ng network ang foreign ownership sa kumpanya, saad sa petisyon ng OSG.

Paliwanag ni Pangulong Duterte, hindi direktang nagre-report sa kanya si Solicitor General Jose Calida dahil hindi naman ito miyembro ng kanyang gabinete.

“Ang problema nitong sa SolGen, once he makes an official statement that there is violation of law then I cannot just tell him to stop,” quoted ng CNN Philippines na sinabi ng Presidente.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an interview with Malacañang reporters on February 26, President Rodrigo Duterte (left) says he accepts ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak's apology over his unaired campaign ads during the 2016 presidential elections.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office, Carlo Katigbak on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results