Carlo Aquino wants to marry Trina Candaza on a mountaintop

by Rose Garcia
Feb 27, 2020
Carlo Aquino, 34, on his plans to settle down: "Oo, tama, siyempre nasa tamang edad na rin ako. Titingnan natin sa mga susunod na buwan, taon."
PHOTO/S: Rose Garcia

Umoo agad si Carlo Aquino nang tanungin kung natagpuan na niya ang babaeng pakakasalan sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza.

“Iba yung outlook siguro sa buhay. Mas magaan,” saad ng 34-year-old actor.

Naniniwala si Carlo na wala iyon sa tagal o ikli ng pagsasama.

Sila ni Trina ay isang taon at dalawang buwan pa lang magkasintahan.

Naiisip na ba niya ang magpakasal?

“Oo, tama, siyempre nasa tamang edad na rin ako. Titingnan natin sa mga susunod na buwan, taon,” sagot ni Carlo.

Magiging sikreto kaya ang kasal nila gaya nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli?

“Ano ang sabi ko sa ‘yo kanina? Hindi naman sinikret, hindi lang in-inform yung ibang tao,” paglilinaw niya tungkol sa kasal nina Sarah at Matteo.

May plano rin ba siyang hindi mag-inform sa ibang tao tungkol sa kanilang kasal?

“Oo!” natatawang pag-amin ni Carlo.

Hindi pa siya nagpo-propose sa girlfriend at hindi pa niya masabi kung kailan niya ito gagawin.

Continue reading below ↓

May ideal age ba siya para magpakasal?

“Wala, e, sa pakiramdam yun ng isang tao. Wala namang tamang edad.

"Unless sa tamang tao at sa tamang pakiramdam,” sabay ngiti ni Carlo.

Natagpuan na niya ang tamang tao, wala pa lang sa pakiramdam.

Mabilis muling sumagot si Carlo nang tanungin kung mangyayari na ba ito “soon”?

“Puwede,” seryoso niyang sabi.

Kumpara sa church, beach o garden wedding, iba ang trip ni Carlo sakaling ikakasal siya.

“Maganda sana, sa mountaintop!” bulalas niya.

“Kasi, simple lang naman ako, hindi naman ako ganoon kagarbo.

“Mahilig kasi ako sa nature. Umaakyat ako sa bundok.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang media si Carlo sa presscon ng Beautederm nitong Pebrero 25, Martes, sa Relish Restaurant, Quezon City.

CIVIL WITH HIS EX-GIRLFRIEND

Ang president at CEO ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan ay nag-volunteer na maging ninang sa kasal nina Carlo at Trina. Willing si Rhea na sagutin ang wedding reception.

Continue reading below ↓

Nabanggit ni Rhea na naging tagahanga siya ng CarGel love team nina Carlo at Angelica Panganiban, at kung posible ay plano ni Rhea na kuning endorser ang aktres.

Kung sakali, papayag ba ang ABS-CBN actor?

“Hindi naman ako ang may-ari,” sagot ni Carlo.

“At saka, wala yun sa akin, hindi ako ang magde-decide, e. At saka, work is work.

“Wala akong karapatang pigilan yun kung kukunin niya si Angge.”

Angge ang palayaw ni Angelica.

Simula nang magkaisyu sa pagitan nilang dalawa, hindi pa raw sila nagkakaroon ng pagkakataong magkausap.

Nagkita na sila sa ilang events at civil daw sila.

May nararamdaman pa ba siyang sama ng loob o akwardness?

“Wala, wala. Sa akin, sa side ko, wala naman.

"Kasi, matagal na rin kaming magkakilala, so, okay lang naman."

Kung pagsasamahin muli sila sa pelikula o teleserye, okay lang ba kay Carlo?

“Hindi ko pa alam kung gugustuhin nila yun or may mga violent reaction.

Continue reading below ↓

"Sa tingin ko, okay lang naman, pero hindi pa lang siguro sa ngayon.”

Inamin ni Carlo na nanghinayang siya sa friendship sana nila ni Angelica.

Kung sakali, gusto rin niyang mabalik pa rin ang pagiging magkaibigan nila.

“Sayang, e, kasi, totoong tao rin naman si Angge. Mabait. Kahit yung friendship,” saad niya.

Nagsisi ba siya na nang magsama silang muli sa pelikulang Exes Baggage, parang naging daan pa yun na nasira lang yung pagiging magkaibigan na nila sana?

“Wala, no regret,” pakli ni Carlo.

“Kasi, noong ginagawa naman namin yun, okay naman kami.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino, 34, on his plans to settle down: "Oo, tama, siyempre nasa tamang edad na rin ako. Titingnan natin sa mga susunod na buwan, taon."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results