PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maine Mendoza, may first single na titled "Parang Kailan Lang"

Bored at curious lang si Maine Mendoza noon kaya pakanta-kanta. Akalain ba niyang magiging singer talaga siya?
by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Published Feb 29, 2020
Bored at curious lang si Maine Mendoza noon kaya pakanta-kanta. Akalain ba niyang magiging singer talaga siya?
PHOTO/S: @mainedcm instagram

Parang kailan lang, pa-dubsmash-dubsmash lang si Maine Mendoza.

Ngayon, may first single na siya.

Ang "Parang Kailan Lang" ang first official single ng TV host-actress at ngayo'y singer na si Maine.

Video: GMA News.

Nakapag-record na rin naman siya noon ng kanta para sa pelikula nila ni Alden Richards noon na Imagine You and Me nung 2016, pero ang "Parang Kailan Lang" ang official single niiya.

Sa interview kay Maine ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, inamin ng tinaguriang "Phenomenal Star" na kinakabahan siya sa bagong field na pinasok niya.

"Medyo kinakabahan ako, Sir Nelson. Kasi hindi ko alam kung magugustuhan ba ng mga fans. Siyempre, yun naman ang gusto kong mangyari, di ba?

"Sana po magustuhan nila. Yun lang ang hinihiling ko," asam pa ni Maine.

Katuwaan at out of boredom lang daw para kay Maine ang pagkanta. Aniya, nagre-record siya noon ng kanta sa isang app nung wala pa siya sa showbiz. Ito raw marahil ang nakita at nag-convince sa ilang taong nagma-manage ng kanyang career na gusto niya ring maging singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Akala nila, gusto ko talagang mag-singer. Pero ginagawa ko lang naman yun out of boredom and curiousity na din. So, sino bang mag-aakala na magkakatotoo talaga," natatawa pang pahayag ni Maine.

Naikuwento rin ni Maine sa interview na ito kung gaano siya ka-proud sa segment nila sa Eat Bulaga na "Bawal Judgmental."

Hindi raw talaga nila mapigilan sa show na maging emosyonal minsan sa kuwento at mga situwasyon ng mga taong naisasali nila sa segment.

Game naman daw si Maine kung magiging player siya rito.

"Nakakakaba. Saka intuition lang talaga ang susundin mo, e.

"Pero parang wala pa pong nagdya-judge sa mga host. Sana po, mabigyan ako ng chance," sabi pa ni Maine.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bored at curious lang si Maine Mendoza noon kaya pakanta-kanta. Akalain ba niyang magiging singer talaga siya?
PHOTO/S: @mainedcm instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results