Daniel Padilla makes netizens fall for him more for being a protective brother

by Nikko Tuazon
Mar 1, 2020
If looks could kill: Daniel Padilla looking at younger sister Magui Ford Planas being hugged by YouTuber-singer Justin Vasquez during Magui's debut party on February 28, 2020.
PHOTO/S: @justinvasquez__ on Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang reaksiyon Daniel Padilla nang yakapin ng isang YouTuber at cover artist ang nakababatang kapatid ng aktor na si Magui Ford Planas sa 18th birthday celebration ng dalaga.

Ginanap ang engrandeng debut party ni Magui sa Blue Leaf Events Place, sa Bonifacio Global City, Taguig, noong Biyernes, February 28.

Sa kanyang debut party, sinorpresa si Magui ng paborito nitong YouTuber at Star Music talent na si Justin Vasquez.

Ang ina nina Daniel at Magui na si Karla Estrada ang personal na nag-imbita kay Justin para mag-perform sa birthday party ng debutante.

Sa videos na kumakalat sa social media, makikita ang pagiging protective brother ni Daniel nang maigi nitong matiyagan ang bawat kilos ni Justin habang kausap ang kanyang kapatid.

Ang video ay galing sa Instagram story ng hair and make-up artist na si Kristel Joy.

Continue reading below ↓

Sa isa pang video, makikita si Magui na lumapit kay Daniel upang tila pakalmahin.

Ngunit muling bumalik ang dalaga sa tabi ni Justin nang tawagin para sa isang picture-taking.

BANTAY-SARADO SI KUYA

Maraming netizens sa Twitter ang naaliw sa reaksiyon ni Daniel na "bantay-sarado" daw sa kanyang kapatid.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa isang Instagram post kahapon, February 29, ipinahayag ni Justin ang kanyang pasasalamat kina Magui at Karla sa pag-imbita ng mag-ina sa kanya.

Mensahe nito: "Thank you @magsford for having me on your special day! I hope you had a wonderful celebration! God bless po.

"Thank you din po kay Mam @karlaestrada1121 for inviting me to perform [heart]."

Kasama sa post ang litrato kung saan makikita ang reaksiyon ni Daniel habang kayakap ni Justin si Magui.

Mensahe naman ni Justin para kay Daniel: "Love your reaction Kuya @supremo_dp It’s all love and respect, brother."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
If looks could kill: Daniel Padilla looking at younger sister Magui Ford Planas being hugged by YouTuber-singer Justin Vasquez during Magui's debut party on February 28, 2020.
PHOTO/S: @justinvasquez__ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results