Janine Gutierrez says from being “anak ni Lotlot,” she is now known as “naiwan ng driver”

by Jet Hitosis
Mar 2, 2020
Janine Gutierrez tweets about not being called "anak ni Lotlot" anymore: “After years of ‘Uy anak ni Lotlot’ or whatever role, ‘Uy si Dragon Lady / si Elise’ OR the classic ‘Uy si ano!’ I've graduated to (yesterday in Starbucks) ‘Uy diba naiwan siya ng driver niya?’”
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram

Makalipas ang walong taon ni Janine Gutierrez sa showbiz, hindi na raw “anak ni Lotlot” ang pagkakakilala ng publiko sa kanya.

Pabirong sinabi ni Janine na kilala na siya ngayon bilang ang celebrity na “naiwan ng driver niya.”

Ito ang nakasaad sa tweet nitong Linggo, March 1, ng 30-anyos na aktres mula sa kilalang showbiz clan ng mga Gutierrez.

Si Janine ay panganay sa apat na anak ng beteranang aktres na si Lotlot de Leon sa dating asawang si Ramon Christopher “Monching” Gutierrez.

Sa side ng ama, apo si Janine nina Eddie Gutierrez at Pilita Corrales.

Sa side naman ni Lotlot, ang grandparents ni Janine ay sina Christopher de Leon at Nora Aunor.

Ang Twitter post ni Janine nitong Linggo ay base sa naging karanasan niya sa isang coffee shop nitong Sabado, February 29.

“ANAK NI LOTLOT” NO MORE

Kuwento ni Janine, sa nakalipas na mga taon ay nare-recognize siya ng mga tao bilang "anak ni Lotlot."

Continue reading below ↓

Minsan naman daw, tinatawag siya sa public place gamit ang mga character na ginampanan niya sa mga teleserye o pelikula.

Pero nitong Sabado, may bago nang pagkakakilala kay Janine ang naka-recognize sa kanya sa pinuntahang coffee shop.

Tweet ni Janine (published as is):

“After years of ‘Uy anak ni Lotlot’ or whatever role, ‘Uy si Dragon Lady / si Elise’ OR the classic ‘Uy si ano!’ I've graduated to (yesterday in Starbucks) ‘Uy diba naiwan siya ng driver niya?’”

Continue reading below ↓

Ang Dragon Lady ang teleserye sa GMA-7 na pinagbidahan ni Janine noong 2019.

Noong nakaraang taon din ipinalabas ang pelikula niyang Elise, kung saan nakatambal ng aktres si Enchong Dee.

Sa huling bahagi ng post, tinukoy ni Janine ang viral na “Lahat talaga iniiwan” tweets niya nitong Miyerkules.

Ito ay nang ikinuwento ng aktres kung paanong hindi sinasadyang maiwan siya ng kanyang driver.

VIRAL TWEETS

Binuksan daw ni Janine ang kanyang sasakyan upang kunin ang kanyang wallet at ilapag doon ang kanyang cell phone.

Pagkatapos, tumawid siya upang mag-withdraw sa ATM (automated teller machine), pero nang bumalik ay wala na ang kanyang kotse.

Continue reading below ↓

Sa isa pang tweet, ibinahagi ni Janine ang nakatatawang palitan ng text message ng amang si Monching sa driver ng aktres.

Patok na patok naman sa netizens ang magkasunod na tweets na ito ni Janine.

Ang “Lahat talaga iniiwan” tweet ng aktres ay may pinagsamang 140,200 reactions, 12,841 retweets, at 900 comments.

Continue reading below ↓

Ang bagong tweet ni Janine tungkol sa pagiging “anak ni Lotlot,” mayroon nang 111,000 likes at mahigit 9,200 retweets at press time.

Napuno ng “Hahahaha” tweets at laughing with tears at rolling on the floor laughing emojis ang comments section ng latest tweet ni Janine.

Ilang Twitter followers ng aktres ang naaliw na binalikan ang kuwento ng pagkakaiwan kay Janine ng kanyang driver.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May mga netizen namang pabirong nagkomento na mas pipiliin pa rin nilang tawagin si Janine bilang "anak ni Lotlot."Dr

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez tweets about not being called "anak ni Lotlot" anymore: “After years of ‘Uy anak ni Lotlot’ or whatever role, ‘Uy si Dragon Lady / si Elise’ OR the classic ‘Uy si ano!’ I've graduated to (yesterday in Starbucks) ‘Uy diba naiwan siya ng driver niya?’”
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results