Sugar Mercado denies rumored affair with Willie Revillame

by Rommel Gonzales
Mar 2, 2020
Sugar Mercado on Willie Revillame: “Hindi ko ma-imagine na natsitsismis sa kanya. Para ko nang tatay iyon!”
PHOTO/S: Instagram

Hindi raw aware si Sugar Mercado, 33, na natsitsismis siya sa Wowowin host na si Willie Revillame, 59.

Sabi ng dancer-comedienne, “Hindi, kasi hindi ko ma-imagine na natsitsismis sa kanya.

"Para ko nang tatay iyon, para siyang tatay sa lahat, kuya siya ng lahat.

“So, mao-open mo sa kanya lahat, tsaka sobrang bait niya.

"Ako, kahit anong mangyari sa future or what, ipagdadasal ko siya lagi, araw-araw, na humaba pa yung buhay niya dahil sobrang ang dami pa niyang matutulungan na taong salat sa buhay tsaka gusto ng pag-asa.”

Ipinagdadasal din ba ni Sugar magka-love life na si Willie?

“Oo naman!” bulalas niya.

Meron na ba?

“Pagpe-pray natin iyan, siguro in time, may mga nakikilala… nami-meet naman siya siguro, hindi ko naman alam, e.

“Pero ako, ang alam ko lang talaga sa kanya as a boss, as a kaibigan, is focused siya sa mga taong gusto niyang tulungan.”

Ayaw muna ni Willie ng love life?

Continue reading below ↓

“Siguro, pero kung darating sa kanya… alam mo, wish naman nating lahat sa kanya, dahil sobrang buti ng puso niya, e, may isang taong magmamahal sa kanya nang totoo at mag-aalaga sa kanya in the future.

"Iyon lang iyung prayers ko sa kanya, at sana tayo ring lahat.”

Ano ang mensahe ni Sugar sa mga nagli-link sa kanila ni Willie?

“Ha! ha! ha! Nakakatawa, iyon po!

“Hindi… ihinto ninyo na iyan, kasi hindi talaga totoo.

"Mahal nating lahat si Kuya Wil kaya ipag-pray natin na tumagal pa yung show niya at yung buhay niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sugar sa birthday party ng entertainment editor na si Anna Pingol nitong Martes, February 25, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

RETURNING TO WOWOWIN

Apat na buwang nawala sa Wowowin si Sugar.

Kababalik lamang niya kamakailan sa game show ni Willie sa GMA-7.

Paliwanag ni Sugar, “Kasi, nag-focus ako sa kids ko. Kasi, medyo napabayaan…

Continue reading below ↓

"Hindi naman napabayaan, pero kailangan ko lang mag-focus sa kanila kasi sa school, ganyan, inayos ko muna lahat."

Nagpaalam siya kay Willie na magpo-focus muna sa dalawang anak niya na edad 7 at 5.

Hiwalay na si Sugar sa ama ng kanyang mga anak.

Mabuti at pinayagan siya ni Willie?

Tugon ng dancer-comedienne, “Mabait naman iyon, sobrang supportive niyang tao.

"Tsaka hindi lang naman ako talaga yung natutulungan niya, di ba?

“Marami pang tao yung handa siyang tumulong, hindi lang ako, mas tinutulungan niya pa yung mas nangangailangan.

"Ako lang, e, mas kilala niya, siyempre single mom ako."

Kinaklaro ni Sugar na hindi siya tinanggal sa Wowowin tulad ng iniisip ng iba.

“Ay, hindi! Nagpaalam ako nang maayos sa kanya.”

Bakit matapos ang apat na buwan ay nagdesisyon siyang bumalik sa show?

“Kasi siyempre, kailangan ko ng work, for my kids din.

"Naayos ko na naman lahat, at dahil mabuti ang puso ni Wil, e, pinabalik na ako.

Continue reading below ↓

“Lahat naman, ganun, e. Kahit naman yung mga ibang katrabaho niya before, pinababalik niya naman.”

Noong nagpaalam ba siya kay Willie ay sinabi niyang apat na buwan siyang mawawala?

“Hindi naman… aayusin ko muna iyung kids ko, tapos magtatayo ako ng maliit na business, yung online, iyung Sugar Closet sa Instagram.”

Ano ang nabibili sa Sugar Closet?

“Yung pang-kids na clothes, swimsuit, branded na clothes.

“Pambata, pandalaga, millennials, feelennials, ganyan, lahat.”

Nang nais na niyang bumalik sa Wowowin, ano ang sinabi ni Sugar kay Willie?

“Sabi ko kung puwede pa akong bumalik, kasi kailangan ko ring mag-work.

"E, si Wil naman, alam niya na single mom ako at hindi ko talaga kayang mag-isa.

"Kasi siyempre, wala akong katuwang sa life, ever since na nahiwalay ako, wala naman akong boyfriend.

“So, nag-focus talaga ako sa kids ko.

"Kaya siguro alam din niya yung pagmamahal ko sa mga anak ko, kaya ganoon din niya ako tinutulungan dahil din sa mga anak ko, tsaka sa pamilya ko.”

Continue reading below ↓

Tinanggap siya agad ni Willie?

“Oo, sobrang bait niya.”

NO ISSUE WITH HIPON GIRL

Totoo bang may issue ng insecurity sa pagitan nina Sugar at Hipon Girl?

“Ay, wala! We’re so close!” tanggi ni Sugar.

Chika sila?

“Oo, ‘no!”

Younger sister ang turing niya kay Hipon Girl, na ang tunay na pangalan ay Herlene Budol at isa rin sa female co-hosts ng Wowowin.

“Oo, pero mukha siyang matanda sa akin. Ha! Ha! Ha! Sinasabi naman niya iyon kasi matangkad siya.

“Pero sobrang close kami, mahal ko yun.

"At alam ninyo naman po, dumating na tayo diyan, napagdaanan natin iyan, kung sino yung umaangat, sino yung bongga ngayon, suportahan tayo diyan.

“Kasi, mas masarap yung nakikita natin yung tao na tumataas.

“Ako, ganoon lang ako. Basta may work, masaya ako, suporta ako sa mga taong sumisikat.

"Nag-iiba iyung takbo ng buhay, nagbabago yung buhay, kasi naranasan ko iyon, pinagdaanan ko iyon.”

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sugar Mercado on Willie Revillame: “Hindi ko ma-imagine na natsitsismis sa kanya. Para ko nang tatay iyon!”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results