Edu Manzano calls out politicians who get offended if not addressed by their former titles

by Bernie V. Franco
Mar 2, 2020
Actor-politician Edu Manzano tweets about former government officials who were insulted when he addressed them by their first names.
PHOTO/S: Photo from PEP Talk

May patama si Edu Manzano, 64, sa dating government officials na gusto pa ring matawag sa dating hinawakang tungkulin sa gobyerno.

Nitong Sabado ng gabi, February 29, ikinuwento ng aktor sa Twitter ang insidenteng nangyari sa isang dinner kung saan na-offend daw sa kanya ang ilang pulitiko nang tawagin niya ang mga ito sa kanilang "first names."

Wala raw siyang nakikitang mali rito, pero nakarating sa kanyang hindi ito nagustuhan ng mga tinutukoy niyang tao.

Tweet ng aktor (published as is): “Just came from a dinner…

“Why should I call an ex-Mayor.. Mayor?

“Why should I call an ex-Cong.. Congressman?

“What is wrong with people calling each other by their first names?

“Then you find out out they were hurt!

“Have you forgotten I pay taxes and your salaries?”

Continue reading below ↓

Sinagot ni Edu ang ilang netizens na nag-react sa kanyang post.

Tweet ng isang netizen, ang public officials sa ibang bansa ay tinatawag sa kanilang first name.

Sabi pa ng netizen: “Ang Pinoy matakaw sa recognition they DON’T deserved. Some of them were elected thru fraudulent means, lies, and vote buying.. we know them!”

Pagsang-ayon dito ni Edu: “And to think elected officials tout themselves during campaigns as being one with the people.

Continue reading below ↓

Tinanong ng isang netizen si Edu kung sinabihan ba siya ng mga pulitikong tinutukoy niya na tawagin ang mga ito sa dati nilang hinawakang government positions.

Sagot ng aktor: “No one compelled me but I was told by the host after I left that they felt slighted.”

Sabi ng aktor, nangyari ang insidente sa isang inuman kaya hindi kinakailangang tawagin ang mga pulitiko sa dati nilang posisyon sa gobyerno.

Continue reading below ↓

Sinang-ayunan naman ni Edu ang isang netizen na nagsabing may mga pulitikong “gutom na gutom sa title at kailangan nakadikit na sa kanya habang buhay.”

Continue reading below ↓

Banat naman ng isang netizen, ang mga pulitiko ay gaya rin ng ibang artista na nasasaktan kapag hindi kinikilala.

Sagot dito ni Edu: “Maaring may iilan pero hindi lahat.

“You’ll be surprised how many artists are as normal as you and I. [smile emojis]”

Si Edu ay isa ring pulitiko.

Continue reading below ↓

Nagsilbi siyang vice mayor ng Makati noong 1998 hanggang 2001.

Naging chairman din siya ng Optical Media Board, mula 2004 hanggang 2009.

Tumakbo siya bilang vice president noong May 2010 presidential elections at sa pagka-senador noong 2016.

Pero hindi siya pinalad manalo sa parehong okasyon.

Read Next
Read More Stories About
Edu Manzano, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-politician Edu Manzano tweets about former government officials who were insulted when he addressed them by their first names.
PHOTO/S: Photo from PEP Talk
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results