Sunshine Cruz looks back on her showbiz journey

by Arniel C. Serato
Mar 2, 2020
Sunshine Cruz: "Hindi lahat ng artista nabibigyan ng another chance, but thank God I got mine."
PHOTO/S: Noel Orsal

Isang madamdaming post ang ibinahagi ni Sunshine Cruz sa Facebook kahapon, March 1, tungkol sa kanyang pinagdaanan sa showbiz industry.

Hindi pa rin kasi makapaniwala ang 42-year-old actress-singer na mula sa pipitsuging roles ay mabibigyan siya ng mga dekalibreng proyekto ngayon.

Panimula ni Sunshine sa kanyang post: “I left showbiz year 2000 to focus sa binubuong family.

“I would have short appearances once in a while.

“Dapat yung guest lang or mamamatay kaagad ang role (tears with joy emoji) but returned full time sa acting year 2013.”

Nakaapekto rin sa showbiz career ni Sunshine ang hindi magandang kinahantungan ng pagsasama nila ng estranged husband na si Cesar Montano.

Malaking bagay raw para kay Sunshine—na isang single mom—ang mga oportunidad na kanyang natatanggap dahil nakakatulong ito sa pagpapalaki niya sa tatlong anak: sina Angelina, Samantha, at Chesca

Patuloy niya, “Thankfully, I was given another chance in showbiz since then.

“I was able to provide for my little children (na ngayon ay malapit na akong abutan dahil ang lalaking bata! (grimacing face emoji).

Continue reading below ↓

“Nakakatuwang isipin na kung kelan ako nagka edad, syang pasok ng maraming opportunities and blessings.

“Kaya lubos-lubos ang aking pasasalamat.

"I am forever grateful to those who trust me still.

“I promise to always be a better version of myself.

"Always thankful sa tiwala, pagmamahal at pagtanggap sa akin ng buong-buo.

“Hindi lahat ng artista nabibigyan ng another chance but thank God I got mine [heart, praying hands emojis].”

Sa ngayon, abala si Sunshine sa teleserye ng ABS-CBN na Love Thy Woman at kabi-kabilang out-of-town shows at endorsements.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz: "Hindi lahat ng artista nabibigyan ng another chance, but thank God I got mine."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results