Dasal at paalala ang ipinaabot ng ilang celebrities kaugnay ng hostage-taking situation sa Greenhills, San Juan City, ngayong Lunes, March 2.
Base sa mga report, armado ang hostage-taker na napag-alamang dating security guard sa Virra Mall.
Tinatayang humigit-kumulang 30 mall employees ang dinumano'y hawak ng hostage-taker.
Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy na nakikipagnegosasyon ang mga kinauukulan sa hostage-taker.
CELEBRITIES POST ON SOCIAL MEDIA
Ilan sa mga artistang nag-post sa social media tungkol sa hostage-taking ay sina Ogie Alcasid, Kylie Padilla, Candy Pangilinan, Edu Manzano, Paco Evangelista, film-TV director Jose Javier Reyes, at ang TV host na si James Deakin.
Nitong umaga ng Lunes, nag-tweet si Ogie nang nabalitaan ang tungkol sa insidente.
Nanawagan din siya sa publiko na mag-ingat; gayundin si Edu, na napatanong pa tungkol sa gunman.
Dalangin naman nina Kylie, Candy, at si Direk Joey na walang mapahamak sa insidente.
DO NOT POST VIDEOS, PHOTOS
Samantala, nagpahayag ng pangamba ang netizens sa nangyayaring hostage-taking, partikular ang pag-a-upload ng videos, photos, at mga detalye.
Kumalat sa social media ang ilang larawan na nagpapakita sa mga taong kinukunan ang mga pangyayari gamit ang kanilang mobile phones.
Kaya naman nanawagan si James Deakin sa kanyang Facebook account.
Post ni James: “Just a reminder: Be careful sharing news about the V-Mall shooting. General info is ok, especially to warn others to avoid the area, but avoid posting live videos or specific videos that can show the gunman the current situation as it could lead to more deaths.
“Remember the bus hostage crisis. Let's not make the same mistake please.”
Ang tinutukoy ni James ay ang hostage-taking sa Luneta Park, Manila noong 2010, kung saan na-monitor ng hostage-taker ang mga kaganapan dahil sa TV na nasa loob ng bus.
Ganito rin ang tweet ni Paco Evangelista, dating housemate sa Pinoy Big Brother Unlimited (2011-2012).
Matapang ang tweet ni Paco laban sa mga taong hindi nagiging responsable sa kanilang mga ipinu-post.
“Social media hostage. To be trapped in a world where everyone feels the need to be relevant, to be the first person to tell the world what is happening, to chronicle the tragedies of our lives as it unfolds. What have we become? Pigafetta much? #Greenhills”
Ipinaalala rin niya ang nangyaring hostage-taking sa Thailand, kung saan ang hostage-taker ay nag-live stream ng mga nangyayari.
“Just so you know, there was also a shooting spree and hostage taking incident that happened in Thailand.
"Guess what, the gunman was live-streaming the entire incident on social media and taking selfies in front of the crime scene. He took 12 lives. #Greenhills”