Bogart the Explorer “lost a ton of blood and meat” in surfing accident

by Jet Hitosis
Mar 3, 2020
YouTube star Bogart the Explorer asks for prayers: "I was involved in freak surfing accident over the weekend. My surfboard's fin cut my right leg. I will be needing multiple operations of reconstructive surgery and skin grafting, blood transfusions and physical therapy to be able to walk again."
PHOTO/S: @bogart_theexplorer on Instagram

Sasailalim sa serye ng operasyon at physical therapy bago muling makalakad ang komedyante at YouTube star na si Bogart the Explorer.

Ito ay matapos siyang maaksidente habang nagse-surfing nitong weekend.

Si Bogart—Marco Antonio Ho ang tunay na pangalan—ay sumikat sa kanyang Australian accent bilang Pinoy version ng Australian TV personality-wildlife expert na si Steve Irwin.

Ginaya ng komedyante si Steve sa videos sa kanyang YouTube channel, ang PaperbugTV.

Mayroong 136,000 subscribers ang PaperbugTV.

Tubong Davao City, regular na mapapanood si Bogart sa TV shows na Bogart Case Files (CNN Philippines) at Lakbai (TV5).

Board member din ng Movies and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang komedyante.

BOGART ASKS FOR PRAYERS

Sa Instagram post ni Bogart ngayong Martes, March 3, makikita ang litrato niya habang nakahiga sa hospital bed at nababalot ng bandage ang binti.

Ayon kay Bogart, nabiyak ang kanang binti niya matapos itong tamaan ng fin ng surfboard.

Continue reading below ↓

Sa sobrang lakas ng pagtama nito sa kanyang binti, kumalas ang fin sa surfboard, ayon sa YouTube star.

Kuwento pa niya: “I lost a ton of blood and meat.

“The main vein in my right leg was cut but missed my main artery by 1cm.

“I will be needing multiple operations of reconstructive surgery and skin grafting, blood transfusions and physical therapy to be able to walk again.”

Continue reading below ↓

Tiniyak ni Bogart na maayos na ang kanyang lagay, at umapela siya ng dasal para sa agaran niyang paggaling.

“I am stable now and i ask that you pray for my recovery and I thank everyone's support especially those who've been critical to my survival at this point,” bahagi pa rin ng post ni Bogart.

Nagpasalamat din si Bogart sa mga doktor at nurse na naging maagap sa pagtulong sa kanya, gayundin sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan.

“To all my family and friends, thank you so very much.

“You give me strength to fight through this especially my loving wife Jeanette and daughter Music.

“I love you both so much.

“I am now in Davao awaiting for more operations.

“This too shall pass.”

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga nagpaabot ng get-well wishes kay Bogart sina Matteo Guidicelli, Iza Calzado, Nico Bolzico, Sam YG, Cheska Kramer, Gee Canlas, Marc Nelson, Mikey Bustos, at Joyce Pring.

Continue reading below ↓

SURFING HELPED BOGART'S WEIGHT LOSS

Isa ang surfing sa nakatulong kay Bogart upang makapagbawas ng timbang noong 2018.

Sa isa sa kanyang mga vlog noong November 2018, naikuwento ng komedyante kung paano siyang nakapagbawas ng 100 pounds sa loob ng siyam na buwan.

Sa vlog, sinabi ni Bogart na epektibong nakapagpapayat sa kanya ang kumbinasyon ng surfing, skating, at intermittent fasting.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
YouTube star Bogart the Explorer asks for prayers: "I was involved in freak surfing accident over the weekend. My surfboard's fin cut my right leg. I will be needing multiple operations of reconstructive surgery and skin grafting, blood transfusions and physical therapy to be able to walk again."
PHOTO/S: @bogart_theexplorer on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results