Lovi Poe explains why she does not delete photos of her ex-boyfriends on social media

Lovi Poe: “Wala na akong time at hindi ko na siya iniisip. It won’t bother me at all.”
by Rommel Gonzales
Mar 3, 2020
Lovi Poe on not deleting photos of her ex-boyfriends on social media: "I don’t delete, because I forget, parang I don’t have time to do that. Yeah, wala na akong time at saka hindi ko na siya iniisip. It won’t bother me at all.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Ibinigay raw ni Lovi Poe ang kanyang puso at kaluluwa sa paggawa ng pelikulang Hindi Tayo Pwede, na idinirek ni Joel Lamangan.

“Yung story pa lang na isinulat ni Mr. Ricky Lee, e, talaga namang noong binasa ko pa lang, umiiyak na ako,” lahad ni Lovi nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong February 29, Sabado, sa The Frazzled Cook sa Scout Gandia St., Quezon City.

“The fact that we were given the opportunity and the chance to be part of this movie is truly a blessing.

"So now, the fact na maipapakita na namin yung pinaghirapan namin, talagang I’m just so excited.”

Base ba sa tunay na buhay ang kuwento ng Hindi Tayo Pwede?

“No, it’s not based sa real story, but it’s just... I’m guessing, it’s based sa imagination ni Mr. Ricky Lee.

"And also it’s, like, siguro it’s one way of showing how some people actually hold on to the past.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Minsan ghost siya, minsan hindi. Kasi in reality, a lot of us hold on to things that we used to know.”

Si Lovi ay isang halimbawa ng tao na hindi basta kinakalimutan ang nakaraan.

“I’m very sentimental. I don’t really hold on to the past.

"But I have, like, this box, meron akong box na since grade six pa lang ako, na nandoon lahat ng letters ng classmates ko, graduation pictures nila na may mga pirma.

"Nandoon lahat, since elementary ako.”

Mayroon din bang laman ang naturang box na souvenirs mula sa ex-boyfriends ni Lovi?

“Honestly, I have no… hindi ko siya… wala akong itinatapon because hindi ko napapansin wala na siya sa house!” at tumawa si Lovi.

Hindi siya nagtatapon or nagsusunog ng mga alaala mula sa kanyang past loves?

“No, no, I don’t. I’m very… parang hindi ko na siya napapansin, they’re probably just at home na hindi ko na lang alam kung nasaan exactly.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Na hindi niya na binibigyan ng importansiya dahil may kalakip na sakit ang mga naturang mementos?

“Hindi naman hurt, wala, basta hindi ko na napapansin.

"Parang it’s just part of my day-to-day life na nandoon siguro siya sa bahay, tapos hindi ko na napapansin.

“It’s, like, holding on to photos on social media.

"I don’t delete, because I forget, parang I don’t have time to do that.

"Yeah, wala na akong time at saka hindi ko na siya iniisip.

“It won’t bother me at all.”

Dahil ayaw na niya sa tao?

“No naman, it’s just that things don’t bother me anymore.

"Parang, yeah, things just don’t bother me anymore.”

Appreciated ni Lovi ang anumang natanggap niyang regalo mula sa isang ex-boyfriend.

“Of course, these are memories and you appreciate those things.

“But it’s not, like… it’s not something that you think about anymore.

"Of course, it’s something you’re grateful for, di ba, at the end of the day.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga naging boyfriend ni Lovi ay sina Jolo Revilla, Jake Cuenca, Ronald Singson, Rocco Nacino, at Chris Johnson.

Kasalukuyan naman niyang karelasyon ang film producer at medical scientist na si Montgomery Blencowe.

DIFFERENT FROM GHOST MOVIE

Leading men ni Lovi sa Hindi Tayo Pwede sina Marco Gumabao at Tony Labrusca.

Sa istorya ay multo si Tony. May hawig ba ang pelikula nila sa 1990 blockbuster na Ghost nina Demi Moore at Patrick Swayze?

Ayon kay Lovi, “Malayo po yung story niya.

"Of course, dahil may ghost factor doon, e, baka maisip nila na baka it’s kinda the same.

"But the story is very different from Ghost.

“And, yeah, I guess hindi naman usually mo iisipin kung paano ginawa ng isang tao yung pag-arte, lalo na pag it’s a classic movie.

“So, it’s something na of, course, would inspire you, but of course you don’t wanna copy anything or anybody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At the end of the day, di ba, parang as an actor, you have to be able to show what you can give, you know.

“Kasi parang… kanya-kanya naman tayong personality, e, bawat tao.

"So, every actor would show, could show something different.”

Sa tunay na buhay ba ay nakakita o nakaramdam na siya ng multo?

“Wala naman po, pero siguro it’s just more of, like, alam moiyung pag pumasok ka sa isang bahay, tapos may pakiramdam ka, parang may ibang feeling?”

Parang kinikilabutan siya?

“Oo, yung may ganoon. Siguro, may ganoon, may malamig or parang, ‘Mabigat ‘to, ah!’

“Or parang, ‘Uy, maaliwalas siya!’ Yung ganung feeling.”

Premiere night ng Hindi Tayo Pwede ngayong Marso 3, Martes, sa SM Megamall Cinema 1.

Regular showing nito sa mga sinehan nationwide simula sa Marso 4, Miyerkules.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe on not deleting photos of her ex-boyfriends on social media: "I don’t delete, because I forget, parang I don’t have time to do that. Yeah, wala na akong time at saka hindi ko na siya iniisip. It won’t bother me at all.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results