KC Concepcion's latest beach photos/videos get mixed reactions

by Bernie V. Franco
Mar 3, 2020
KC Concepcion's latest sexy photos on Instagram earned mixed reactions from netizens. Some praised the actress, but many were dismayed by her "suggestive poses."
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram

Umani ng sari-saring reaksiyon ang mga seksing larawan at video ni KC Concepcion, 34, na ipinost nito sa kanyang Instagram account.

Ang recent Instagram posts ni KC ay kuha sa beach sa Boracay Island.

Nitong weekend, nagtungo si KC sa kilalang tourist destination sa Aklan para sa beach wedding ng mga kaibigan niyang sina Jay-R at Mica Javier.

Sina Jay-R at Mica ay ikinasal nitong linggo, March 1.

Hindi naman pinalampas ni KC ang pagkakataong mag-enjoy sa dagat.

Kasabay nito ang pagpu-post niya ng mga larawan at video sa Instagram.

Nakaagaw ng pansin sa maraming netizens ang magandang hubog ng katawan ni KC, suot ang one-piece copper swimsuit.

Kuha ang mga ito habang nakasakay si KC sa isang bangka na nasa gitna ng dagat.

Continue reading below ↓

NETIZENS' REACTION

Sa comments section ng posts ni KC, sunud-sunod ang reaksiyon ng kanyang Instagram followers.

May ilang netizens na nagkomentong akala nila ay si Karla Estrada ang nasa larawan at video.

Pero positibo ang sagot ni KC dito.

Aniya, flattered siyang mapagkamalang si Karla dahil maganda ang ina ni Daniel Padilla.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Marami rin sa mga nagkomento ang bumatikos kay KC.

May mga nadismaya dahil masyado raw mapangahas ang mga larawang ipinost ni KC.

Tanong ng ilang netizens: ano ang gustong patunayan ni KC sa kanyang “suggestive & seductive poses and expressions”?

Marami rin sa kanila ang nagkomentong mas gusto nila ang dating simpleng KC.

Continue reading below ↓

Narito ang ilan sa mga komentong hindi pumapabor sa mga post ni KC na masyado raw sexy:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Pero marami ring netizens at tagahanga ni KC ang pumuri sa aktres.

Para sa kanila ay sexy at maganda raw si KC.

Narito ang ilan sa mga komento nila:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion's latest sexy photos on Instagram earned mixed reactions from netizens. Some praised the actress, but many were dismayed by her "suggestive poses."
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results