Lovi Poe on British boyfriend Montgomery Blencowe: “He’s the great one!”

by Rose Garcia
Mar 4, 2020
Lovi Poe on boyfriend Montgomery Blencowe: "Well, siyempre, we’re always praying naman na the relationship goes well, di ba? This time, I guess, I’m just praying for the best. All I can say, he’s the good one."
PHOTO/S: Noel Orsal / Lovi Poe Instagram

Napakarami nanang gawang pelikula ni Lovi Poe, pero tila iba ang attachment niya sa bagong pelikula.

Bakit nga ba espesyal sa kanya ang Hindi Tayo Pwede?

Sagot ng 29-year-old Kapuso actress, “I guess siguro, I’ve done a lot of movies about falling out of love. Now, this is so true.

"Thanks for the question, I realized, oo nga, bakit ba attached ako sa movie na ‘to?

“I’ve done a lot of movies about falling out of love, about someone who ended up falling with someone else, having an affair.

“This is the movie about moving forward. It’s about moving forward because it’s beyond your control.

"Parang may mga bagay na hindi na natin kontrolado, kasi that’s what makes it, kaya siya nasasabihan na hindi tayo pwede.

“Hindi na natin kontrolado ang sitwasyon.

“When we fall out of love kasi, I feel that’s the choice that we make, e.”

Sa tunay na buhay, nangyari na sa kanya na hindi niya kontrolado ang situwasyon, ang relasyon niya?

Continue reading below ↓

“I feel like na most of the situation na napasok ko, kontrolado ko. It’s just that, I made a choice.

“Kaya nung ginagawa ko itong movie na ‘to, iba ang pain na nararamdaman ko watching it, doing it, I was in so much pain.

“Yung motivation ko during the scene, babanggitin ko after kapag napanood niyo na ‘to.”

Hindi ba siya natatakot kung dumating ang panahong hindi na siya ang “in-control” sa relasyon niya?

“Ayoko! Knock-on-wood,” natawang bulalas ni Lovi.

“Of course, that’s why love is such a scary thing especially if it’s true. I mean, there’s a difference about feeling excited, and excited and scared.

“Sometimes you’re just excited about something. When you’re scared about something, then you know, it’s a different kind of thing.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa pocket presscon niya noong Pebrero 29, Sabado, sa The Frazzled Cook restaurant, Quezon City.

THE ONE FOR LOVI?

Tila kinilig si Lovi nang diretsahan naming tanungin kung ngayon ba ay excited siya sa kanyang love life.

Continue reading below ↓

“Secret!” natatawa niyang sagot.

Dati kasi, parang may wall pa siya pagdating sa usaping kasal. Pero ngayon, parang mas open siya sa ideya ng kasal.

Ang boyfriend ba niya ngayong si Montgomery Blencowe na ba ang “he’s the one” para sa kanya?

“Well, siyempre, we’re always praying naman na the relationship goes well, di ba?

"This time, I guess, I’m just praying for the best.

“All I can say, he’s the good one,” tugon ni Lovi.

Continue reading below ↓

Ang British boyfriend ni Lovi na si Montgomery ay movie producer at medical scientist.

Bilang producer ng pelikula, pwedeng-pwede siya nitong gawing isa sa mga artista.

Pero ayon kay Lovi, “Well, that’s something I wanna keep separate siyempre. When it comes to my career, I wanna build my own.

“Of course, with his support, but emotional support. Nothing to do with movies.”

LOVI ON DOING DARUNG SCENES

Si Lovi ang isa sa mga aktres ngayon na hindi takot gumawa ng daring roles.

Kahit nasa movie business din ang kanyang boyfriend, wala ba itong reaksiyon katulad ngayong may love scenes siya sa dalawa niyang leading men sa Hindi Tayo Pwede na sina Joseph Marco at Tony Labrusca?

“Wala naman siyang reaction, he’s very secure,” nakangiting sabi ng aktres.

Wala pa raw napapanood na pelikula niya ang boyfriend.

“Pero parang binili niya yata sa Amazon yung Woke Up Like This [2017]. Kasi, gusto niyang makita yung comedy side ko.

Continue reading below ↓

“Minsan, nahihiya ako. Kasi, iba naman ang humor natin, di ba?

"At saka, iba naman ang gusto natin sa mga telenovela or everything.

“Pero yun nga, I’m so happy na he’s very supportive in such a way na he’s so happy kapag may mga naa-achieve ako or may bago akong pelikula.”

Sa love scenes niya, walang reaksiyon?

“Hindi siya nagsasalita!” natawang sabi ni Lovi.

Hindi rin daw siya humihingi ng permiso rito.

“He knows me naman as a person,” saad niya.

“The truth is, I’m just a shy person. My image is very different from who I am as person.

“Kumbaga, mahiyain talaga ko.

"Even if you’ll ask Tony and Marco, bago kami gumawa ng scene, mag-a-apologize muna ako, ‘Uy, sorry, mag-o-all-out ako kasi, Direk Joel ‘to.’

“Sorry ako nang sorry, sabi nga ni Tony, ‘Si Lovi, sorry nang sorry.’

"Because I’m so shy. As a person as Lovi, huh, eto na, pero kapag take na, eto na!”

Continue reading below ↓

Nagso-sorry rin ba ang dalawang leading men niya kapag naghuhubad na sa harapan niya?

“They have nothing to say sorry about!” natawang sabi niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe on boyfriend Montgomery Blencowe: "Well, siyempre, we’re always praying naman na the relationship goes well, di ba? This time, I guess, I’m just praying for the best. All I can say, he’s the good one."
PHOTO/S: Noel Orsal / Lovi Poe Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results