Van carrying Kim Chiu shot in Quezon City

by Jet Hitosis
Mar 4, 2020
Two unidentified men shot the van carrying Kim Chiu along Katipunan Avenue in Quezon City on Wednesday morning, March 4.
PHOTO/S: Noel Orsal

Pinagbabaril ang van na sinasakyan ng aktres na si Kim Chiu habang bumibiyahe sa Quezon City, ngayong Miyerkules ng umaga, March 4.

Batay sa pahayag ng driver ni Kim na si Wilfredo Taperla sa ABS-CBN News, sinabi nitong ligtas ang 29-anyos na aktres, gayundin ang assistant nito.

Sa initial statement ni Taperla sa pulisya, sinabi niyang dalawang hindi nakilalang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo ang ilang beses na nagpaputok sa van.

Nangyari ang insidente sa kanto ng Katipunan Avenue at C.P. Garcia Avenue sa Quezon City, bandang 6:15 ng umaga.

Papunta ang grupo ni Kim sa taping ng teleserye ng ABS-CBN na Love Thy Woman nang mangyari ang pamamaril.

Matapos ang insidente, tumuloy pa rin sa taping ang Kapamilya actress, ayon pa rin kay Taperla.

INITIAL POLICE REPORT

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), pinaulanan ng bala ang van ni Kim nang huminto ito sa traffic light.

Continue reading below ↓

Nasa tapat noon ng shopping mall na UP Town Center sa Barangay UP Campus sa Diliman ang sasakyan ng grupo ng aktres.

Nakasaad pa sa QCPD report na anim na basyo ng bala ang natagpuan sa crime scene.

Hindi pa tukoy ng pulisya ang kalibre ng baril na ginamit ng mga suspek at press time.

Wala pa ring lead ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek, na nagawang makatakas.

“DIYOS NA ANG BAHALA SA INYO DALAWA”

Sa pahayag ni Kim sa kanyang Instagram post ilang oras matapos ang pamamaril, sinabi niyang natutulog siya nang maalimpungatan sa sunud-sunod na putok ng baril.

Naniniwala ang aktres na may ibang target ang mga suspek at napagkamalan ng mga ito ang kanyang sasakyan.

“I was so scared, I dont know what to feel right now,” bahagi ng post ni Kim.

“Wala naman akong kaaway or ka atraso. Why me?”

May mensahe rin si Kim sa riding-in-tandem na namaril sa kanyang van.

Continue reading below ↓

“Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyo dalawa.

“Sana tininignan nyo muna ang plate number bago nyo paulanan ng bala yung kotse ko,” bahagi pa rin ng post ni Kim.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two unidentified men shot the van carrying Kim Chiu along Katipunan Avenue in Quezon City on Wednesday morning, March 4.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results