“Wala naman akong kaaway or kaatraso. Why me?”
Bahagi ito ng Instagram post ni Kim Chiu, 29, kaugnay ng pagpapaulan ng bala sa kanyang sasakyan ngayong umaga ng Miyerkules, March 4.
Kasama ng Kapamilya actress sa loob ng sasakyan ang kanyang personal assistant (P.A) at driver nang mangyati ang insidente.
Papunta sana sila sa taping ng pinagbibidahang teleserye ni Kim sa ABS-CBN, ang Love Thy Woman.
Pagbibigyay-update ng aktres, hindi siya nagtamo ng sugat sa nangyayaring pamamaril, gayundin ang mga kasama niya.
Nagpasalamat din si Kim sa mga nangumusta sa kanya pagkatapos ng insidente.
Bungad niya: “A lot of you have been texting and calling. can’t answer right now.
“Thank you for checking on me. Means a lot.
“Yes I am safe po. I’m ok and my P.A. And my driver as well.
“Papa Jesus protected us.”
Kalakip ng post ni Kim ang ilang larawan ng kanyang sasakyan na may tama ng bala ng baril.
KIM: “WHY ME?”
Sa kanyang post, ipinahayag ni Kim ang pagtataka kung bakit tila may nagtangka sa kanyang buhay gayong wala naman siyang kaaway.
Iniisip niyang napagkamalan o napag-tripan lang siya.
Post ni Kim (published as is): “I dont have an idea what really happened, mistaken identity? I guess?? Napag tripan?.. This is a bad joke."
Natutulog daw siya nang pagbabarilin ang kanyang sasakyan.
Naisip daw ni Kim na marahil iba ang kinasapitan niya kung nagbasa siya ng script habang nasa biyahe.
Lahad ni Kim: “6am on my way to taping, I was asleep inside my car then I heard several gun shots, 8 to be exact.
“I was shocked and ask my driver what happened, then I saw this bullet on the windshield where my head was laying ‘buti nakahiga ako.’
“Pano kung tinuloy ko magbasa ng script?...
“I was so scared, I dont know what to feel right now.
“Wala naman akong kaaway or ka atraso. Why me?”
Dugtong ni Kim: “Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyo dalawa.
“Sana tininignan nyo muna ang plate number bago nyo paulanan ng bala yung kotse ko but at the end of the day inisip ko nalang walang nasaktan sa amin.
“God protected us.
“Salamat po.”
Ang pamamaril sa sasakyan ni Kim ay nangyari sa kanto ng Katipunan Avenue at C.P. Garcia Avenue sa Quezon City.
Habang isinusulat ang balitang ito ay hinihintay pa ang update ng Quezon City Police District na nag-iimbestiga sa insidente.