Kim Chiu shows professionalism despite shooting incident; celebrities show support for actress

by Bernie V. Franco
Mar 4, 2020
A hair and make-up artist gives an update on Kim Chiu a few moments after the actress' van was shot multiple times by two unidentified gunmen.
PHOTO/S: Noel Orsal / @haidzfernandez on Instagram

Business as usual.

Balik-trabaho si Kim Chiu sa kabila ng naranasang banta sa kanyang buhay ngayong Miyerkules ng umaga, March 4.

Habang sakay si Kim ng kanyang van patungong trabaho, dalawang armadong lalaking nakasakay sa motor ang pinaulanan ng bala ang van ng aktres.

Ayon sa kanyang Instagram post, walong beses nakarinig ng putok ng baril si Kim at pinatamaan ang kanyang sasakyan.

Hindi naman nagtamo ng sugat si Kim, gayundin ang kanyang personal assistant at driver.

Sa kabila ng pangyayari, tumuloy pa rin si Kim sa taping ng kanyang ongoing teleserye sa ABS-CBN, ang Love Thy Woman.

Nag-update ang hair and make-up artist na si Haidee Fernandez tungkol kay Kim pagkatapos ng insidente.

Ipinost ni Haidee sa Instagram Story ang larawan ni Kim na nagbabasa ng script at tila inaayusan ang sarili.

Caption ni Haidee: “Taping #lovetheywoman Buhay po sya kahit may shock pa rin sa dibdib nya!”

Continue reading below ↓

CELEBRITIES EXPRESS CONCERN FOR KIm

Samantala, nagpaabot naman ng kanilang pag-aalala at pangungumusta ang mga artista sa Instagram post ni Kim tungkol sa insidente.

Lubos-lubos ang pasasalamat ng mga artista na ligtas si Kim.

Binanggit ni Iza Calzado na nakaligtas si Kim dahil naisipan nitong ibaba ang kanyang script at matulog.

Kabilang din sa mga nagkomento ay sina Gretchen Ho, Megan Young, Jessy Mendiola, Aiko Melendez, Agot Isidro, Bela Padilla, Maymay Entrata, Chie Filomeno, Vina Morales, Amy Perez, Gary Valenciano, Arci Muñoz, at Miles Ocampo.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Kim Chiu, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A hair and make-up artist gives an update on Kim Chiu a few moments after the actress' van was shot multiple times by two unidentified gunmen.
PHOTO/S: Noel Orsal / @haidzfernandez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results