Kim Chiu breaks down as she recalls traumatic shooting incident

by Rachelle Siazon
Mar 4, 2020
Kim Chiu on traumatic shootout experience: "Masasabi ko na lang life is really precious. Kahit wala kang sakit, kahit wala kang kasamaan ng loob, kung natamaan ka ng balang iyon, siguro wala ka na."
PHOTO/S: ABS-CBN News Online Youtube / @chinitaprincess Instagram

"Wala naman akong kasalanan. Hindi ko alam what's happening."

Tuluy-tuloy ang pagpatak ng luha ni Kim Chiu nang balikan niya ang pananambang sa kanyang sinasakyang van sa kanto ng Katipunan at C.P. Garcia Avenue sa Quezon City.

Naganap ito bandang 6:15 a.m. nitong Miyerkules, March 4.

Kaaalis lang ni Kim ng bahay niya sa Quezon City at papunta na sana ng set ng Love Thy Woman, ang pinagbibidahan niyang ABS-CBN afternoon series, nang pinagbabaril ang kanyang sinasakyang van nang walong beses.

Dalawang armadong lalaki na sakay ng motorsiklo ang naiulat na mga suspek sa insidente.

"It's just a normal taping day for me na lumabas ako ng village, e.

"Natutulog lang ako. Dapat magbabasa ako ng script, pero inantok ako along the way palabas ng village, so humiga ako.

"So, kung hindi ako inantok at tinuloy ko yung pagbasa ng script, siguro tinamaan na ako dito," salaysay ni Kim, sabay turo sa kanyang kanang balikat.

Continue reading below ↓

Naalimpungatan daw si Kim nang makarinig ng kakaibang tunog, at hindi pa raw niya kaagad napagtanto na putok iyon ng baril.

"Maliit lang yung putok, e. As in, manipis lang siya na tunog.

"Sabi ko, 'Ano yun? Ano'ng nangyayari?'"

"Tapos pumunta ako sa driver and P.A. ko, and then sabi nila, nabaril yung kotse.

"Ta's tinignan ko sila agad, silang dalawa. 'Okey ba kayo?'

"Kasi yung driver ko, yung windshield niya, butas na ng bala.

"Sabi nila, 'Okey kami. Ikaw, okey ka ba?' 'Okey naman ako.'"

Hindi pa raw agad nag-sink in kay Kim ang mas matinding kapahamakang posible niyang sinapit.

"Hanggang sa umupo ako, nakita ko yung mga baril na mga bilog-bilog sa bintana.

"'Shucks, kung hindi ako humiga, tatamaan talaga ako.'"

Naluluha pa ring dagdag niya, "I was scared."

Isinalaysay ito ni Kim sa eksklusibong panayam ng kanyang home network na ABS-CBN, na inilathala sa ABS-CBN News Online.

Continue reading below ↓

how kim was rescued

Una raw ginawa ni Kim ay tawagan ang nakatatandang kapatid na si Lakam upang ipaalam na pinaulanan ng baril ang kanyang van.

Nanatili raw si Kim sa loob ng kotse at tinawagan ang iba pang malapit sa kanya dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang susunod na hakbang.

Laking-pasasalamat niyang may rumesponde raw agad na personnel ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nasa lugar.

"Hindi ko na alam. After that, parang nag-hang ako," ani Kim.

Nang tanungin kung paano siya nakaalis sa lugar, sinabi ng aktres na nagpasundo siya sa isa pa niyang driver.

Pero sa halip na bumalik ng bahay, tumuloy pa rin si Kim sa set ng Love Thy Woman upang magtrabaho.

"Instinct ko, pumunta ako ng taping. Nag-tape ako ng dalawang eksena.

"Eto yung damit ko," turo ni Kim sa kanyang suot na floral dress.

"So siguro, ano ko, adrenaline rush na, 'Mag-taping tayo. Magtrabaho tayo.'

Continue reading below ↓

"When people were asking me kung kumusta ako, hindi ako... hindi ko alam."

Sa puntong ito ay napaiyak nang husto si Kim.

"Nung tinatanong nila, 'Kumusta ka?' 'Oo nga, 'no? Kumusta pala ako.'"

NO CLEAR MOTIVE BEHIND SHOOtOUT

Hindi pa rin kasi makapaniwala si Kim sa naranasang pananambang sa kanyang van, lalo pa't wala raw siyang maisip na motibo ng mga suspek.

"Kung nagkamali ba yung nagbaril? Nagkamali ba siya ng sasakyan na dapat barilin?

"I don't mean harm to anybody. Nagpapasalamat na lang ako na walang natamaan sa amin.

"Hindi ko alam. Diyos na lang ang bahala sa dalawang lalaking iyon."

Wala raw talaga siyang maisip na posibleng nakaaway niya para umabot sa puntong tambangan siya.

"Diyos ko! Ako pa ba? Diyos ko naman, Lord! Wala!

"Masasabi ko na lang life is really precious.

"Kahit wala kang sakit, kahit wala kang kasamaan ng loob, kung natamaan ka ng balang iyon, siguro wala ka na."

Continue reading below ↓

Nang maisalaysay ang kamuntik na kapahamakang sinapit, kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam ni Kim.

Nakuha pa niyang magbiro, "Para akong nasa Probinsyano, dyusko!

"Hindi ko alam kung anong pangyayari sa akin, pero first time ko makarinig ng shootout."

Ang "Probinsyano" na tinutukoy ni Kim ay ang long-running primetime series ni Coco Martin sa ABS-CBN.

A GRATEFUL KIM

Sa huli, nagpasalamat si Kim sa top executives ng ABS-CBN na kaagad umalalay daw sa kanya.

Una na rito si Johnny Manahan, chairman emeritus ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, na namamahala sa career ni Kim.

Kasama rin sa personal na nangumusta sa lagay ni Kim si ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, Chairman Martin Lopez, at Content Operating Officer Cory Vidanes.

"Buong ABS naman, nakaalalay sa akin ngayon.

"May kausap na rin kaming lawyer. Kinakausap na rin yung QCPD tungkol sa mga CCTV.

"Marami namang tumutulong, which is, I'm very happy."

Continue reading below ↓

Ang tinukoy niyang "QCPD" ay ang Quezon City Police District.

Nagpasalamat din si Kim sa lahat ng taong nag-alala sa kanyang kalagayan.

Mahigit "100 messages" na raw ang laman ng inbox ng kanyang cellphone, at "endless" din ang pagtawag ng iba pang nagmamahal sa kanya.

Sa huli, umaasa si Kim na makamit ang hustisya sa pamamaril sa kanyang van.

"Sana makita na bumaril sa kotse ko."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on traumatic shootout experience: "Masasabi ko na lang life is really precious. Kahit wala kang sakit, kahit wala kang kasamaan ng loob, kung natamaan ka ng balang iyon, siguro wala ka na."
PHOTO/S: ABS-CBN News Online Youtube / @chinitaprincess Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results