Senate adopts resolution seeking continued operations for ABS-CBN

by Jet Hitosis
Mar 4, 2020
Senate adopts Resolution No. 344 "expressing the sense" of the Upper Chamber to allow ABS-CBN Corporation and its subsidiaries to operate beyond the expiration of its franchise set on May 4, 2020.
PHOTO/S: @senatePH on Twitter, PEP file

Ipinasa ng Senado ngayong Miyerkules, March 4, ang resolusyon “expressing the sense of the Senate” upang payagang magpatuloy ang broadcast operation ng ABS-CBN Corporation, kahit pa mag-expire ang prangkisa nito sa May 4.

Magagamit na basehan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang aprubadong Senate Resolution No. 344 sa pagbibigay ng provisional authority to operate sa ABS-CBN.

Layunin ng provisional authority na hayaang mag-operate pa rin ang broadcast units ng kumpanya habang hindi pa naaaprubahan ng Kongreso ang bagong prangkisa nito.

Sa May 4, o dalawang buwan mula ngayon, nakatakdang mapaso ang 25-taong legislative franchise to broadcast ng ABS-CBN.

Saklaw ng resolusyon ang iba pang subsidiaries ng network, kabilang ang Sky Cable Corporation at ABS-CBN Convergence, Inc.

REGULAR RESOLUTION VS CONCURRENT RESOLUTION

Ang in-adopt na Senate Resolution No. 344 ay pinagsama-samang Resolutions 6, 7, at 8 na una nang inihain sa Upper Chamber.

Layunin ng tatlong resolusyon na payagang makapag-operate ang broadcast giant kahit expired na ang prangkisa nito.

Continue reading below ↓

Ang Senate Resolution No. 344 ay isang regular resolution, habang pawang concurrent resolutions naman ang Resolutions 6, 7, at 8.

Layunin ng regular resolution “to express the sense” ng Senado sa isang usapin.

Ang concurrent resolution naman ay mangangailangan ng counterpart ng Kamara bago maisumite para sa approval ni Pangulong Rodrigo Duterte.

At dahil ilang buwan nang nakatengga sa Lower Chamber ang mga panukala para sa franchise renewal ng ABS-CBN, nagpasya ang mga senador na regular resolution na lang ang aprubahan.

Gahol na kasi sa oras ang Kongreso, na magsisimula na ang Lenten break sa March 14.

Magbabalik-sesyon ang mga mambabatas sa May 4, ang araw na mae-expire ang prangkisa ng ABS-CBN.

NINE SENATORS PUSH FOR FRANCHISE RENEWAL

Sa tatlong concurrent resolutions na inihain sa Senado, pinakahuling na-file ang Resolution No. 8.

Inihain ito ngayong Miyerkules ng umaga, at suportado ng siyam na senador: sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, at Senators Sonny Angara, Joel Villanueva, Grace Poe, Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Lito Lapid, at Manny Pacquiao.

Continue reading below ↓

Ang siyam na senador din ang author ng Resolution No. 7, na na-file naman nitong Lunes, March 2.

Si Senate Minority Leader Franklin Drilon naman ang may akda ng Resolution No. 6, na inihain niya nitong February 26.

Isinulong ni Senator Drilon ang unang concurrent resolution dalawang araw matapos magsagawa ng hearing ang Senado sa franchise renewal bill ng ABS-CBN nitong February 24.

SENATE HEARING

Sa hearing, inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na Kongreso ang mag-aatas sa NTC para mag-isyu ng provisional authority pabor sa pagpapatuloy ng operasyon ng ABS-CBN.

Tinalakay rin sa pagdinig ang tungkol sa mga hindi naipalabas na presidential campaign ads ni Pangulong Duterte noong 2016.

Humingi ng paumanhin si ABS-CBN President-Chief Executive Officer (CEO) Carlo Katigbak sa Presidente—sa pamamagitan ni Senator Bong Go—kaugnay ng mga hindi naiereng ads ng noon ay Davao City mayor.

Tinanggap naman ni Pangulong Duterte ang public apology ng pinakamataas na opisyal ng network.

Continue reading below ↓

Sa pagdinig, sinagot din ng ABS-CBN executives ang mga alegasyong ipinunto ng Office of the Solicitor General (OSG) sa quo warranto petition na inihain nito sa Korte Suprema nitong February 10.

Partikular na tinalakay ang akusasyon ng OSG tungkol sa pag-aalok ng ilegal na pay-per-view na Kapamilya Box Office (KBO) Channel at pagpapahintulot umano ng foreign ownership sa kumpanya.

Inaasahang ilalabas ng Supreme Court ang desisyon nito sa quo warranto petition ng OSG sa susunod na linggo.

HOUSE SETS FRANCHISE RENEWAL HEARING ON MARCH 10

Nagkataon namang sa susunod na linggo rin itinakda ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagdinig sa 11 ABS-CBN franchise renewal bills sa Kamara.

Inihayag ni Speaker Cayetano ngayong Miyerkules na sa Martes, March 10, sisimulan ng House Committee on Legislative Franchises ang pagdinig para bigyan ng panibagong 25-taong prangkisa ang ABS-CBN.

Panahon pa ng 17th Congress ay nakabimbin na sa Kamara ang mga franchise renewal bills para sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Pero kahit umabot na sa 11 ang naturang mga panukala, hindi pa rin nasisimulan ng mga kongresista ang pagtalakay rito.

Sa kabila nito, napaulat na lumiham na ang pamunuan ng Kamara sa NTC para hilinging bigyan ng provisional authority ang ABS-CBN upang makapag-operate pa rin kahit expired na ang prangkisa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senate adopts Resolution No. 344 "expressing the sense" of the Upper Chamber to allow ABS-CBN Corporation and its subsidiaries to operate beyond the expiration of its franchise set on May 4, 2020.
PHOTO/S: @senatePH on Twitter, PEP file
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results