Kapuso stars, nag-alala kay Kapamilya star Kim Chiu matapos pagbabarilin ang kanyang sasakyan

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Mar 5, 2020
Kabilang sa Kapuso stars na nag-alala at nagpadala ng suporta at dasal para sa Kapamilya star na si Kim Chiu (main photo) sina Megan Young (gitna), Shaira Diaz (kanang taas), at Kris Bernal (kanang baba).
PHOTO/S: Main: Screenshot from 24 Oras, GMA-7 / Megan: @meganbata / Shaira: @shairadiaz_ / Kris: @krisbernal instagram

Naisantabi muna ang sinasabing network rivalry ng Kapuso at Kapamilya stars sa pag-aalalang ipinakita para kay Kim Chiu.

Video: GMA News.

Matatandaang pinagbabaril ang sinasakyang van ni Kim nitong umaga ng Miyerkules, March 4, habang bumabagtas sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Bagama't walang nasaktan kina Kim at sa mga kasama niya personal assistant at driver, shock at takot para sa kanilang buhay ang kanilang naramdaman matapos nilang makaligtas sa walong balang lumagos sa loob kanilang sasakyan.

Samantala, nag-post naman ng kanilang pag-aalala, suporta, at dasal ang ilang Kapuso stars para kay Kim.

Kabilang sa mga GMA-7 artists at ilan pang celebrities na nagpadala ng mensahe kay Kim ay sina Megan Young, Kris Bernal, Angelika dela Cruz, Shaira Diaz, Valeen Montenegro, Myrtle Sarroza, Marvin Agustin, Aiko Melendez, Mark Bautista, Teresa Loyzaga, Agot Isidro, Cherry Pie Picache, Kris Lawrence, Candy Pangilinan, Valerie Concepcion, at Yayo Aguila.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa Kapuso stars na nag-alala at nagpadala ng suporta at dasal para sa Kapamilya star na si Kim Chiu (main photo) sina Megan Young (gitna), Shaira Diaz (kanang taas), at Kris Bernal (kanang baba).
PHOTO/S: Main: Screenshot from 24 Oras, GMA-7 / Megan: @meganbata / Shaira: @shairadiaz_ / Kris: @krisbernal instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results