Carla Abellana shocked by news of Matteo Guidicelli punching Sarah Geronimo's bodyguard

by Bernie V. Franco
Mar 5, 2020
Carla Abellana on Matteo Guidicelli's secret wedding to Sarah Geronimo: "I’m very happy for him, I’m glad that they got married. And siyempre, like everybody else, we’re hoping that maging okay na po ang lahat, maging okay din po ang lahat eventually.”
PHOTO/S: Bernie Franco / @matteog on Instagram

"Mabait, tahimik, professional."

Ganito inilarawan ng Kapuso actress na si Carla Abellana, 33, ang ABS-CBN actor na si Matteo Guidicelli, 29.

Naging magkapareha sina Carla at Matteo sa 2014 movie na Somebody To Love, na iprinodyus ng Regal Entertainment, Inc.

“Very short lang naman po yung aming scenes together, but that was the first time that I worked with Matteo,” sabi ni Carla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket press conference niya ngayong Huwebes, March 5.

“And I’m grateful kasi kahit papa'no, at least sa movies, nabibigyan pa kami ng chance to work with other celebrities from other networks.”

Binanggit din ng PEP.ph kay Carla na isa siya sa mga artistang bumati nang kumpirmahin ni Matteo ang pagpapakasal nila ni Sarah Geronimo.

Continue reading below ↓

“Mabait po yun, mabait po yun," pakli ni Carla, na ang tinutukoy ay si Matteo.

Sa pagpapatuloy ng aktres, tinuran niya ang kontrobersiyal na secret wedding nina Matteo at Sarah, partikular ang akusasyon kay Matteo na sinuntok diumano nito ang bodyguard ni Sarah.

“When the news broke out, I was actually surprised, kasi sabi talaga namin, parang out of character.

“I didn’t really necessarily work with Matteo for a long period of time, but I did get the chance to get to know him.

“So, parang hindi ko po ma-imagine that it’s something he would do... he would punch somebody like that.

“Parang medyo kinuwestiyon ko po talaga, na parang it’s not like him to do something like that.

“Parang, out of character po."

Diin ni Carla, “I don’t know Matteo Guidicelli completely…

“Of course, that’s their lives, that’s their relationship.

"Pero something unfortunate, something na nakakagulat po talaga na mangyayari po nang ganoon."

Continue reading below ↓

February 20, 2020 nang mangyari ang lihim na kasal nina Sarah at Matteo.

Pero nabahiran ito ng kontrobersiya nang biglang dumating sa wedding reception ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo, dahil lumalabas na hindi ito imbitado sa kasal.

Ipina-blotter si Matteo ng bodyguard ni Sarah, si Jerry Tamara, dahil sinuntok umano siya ng aktor, at pinagbintangang siya raw ang nagsumbong kay Mommy Divine tungkol sa kasal.

Itinanggi ni Matteo ang akusasyon.

Sa artikulo ng PEP.ph noong March, 3, quoted ang kampo ng Viva Entertainment na tumanggap si Tamara ng P200,000 bilang settlement mula kay Viva Entertainment big boss Vic del Rosario Jr..

Ang Viva ang nagma-manage sa career nina Matteo at Sarah.

HAPPY FOR ASHMATT

Lubos naman ang kasiyahan ni Carla sa pagpapakasal nina Matteo at Sarah.

"Siyempre, happy for them," pahayag ng bida ng Love of My Life, ang ongoing primetime series ng GMA Network.

"Kasi, imagine, they’ve been together six years.

Continue reading below ↓

“It’s a relationship that has been tested so many times, and I’m glad that finally they decided, they took a step further, and they got married.

“Pag ganyan, happy 'yan, e… dapat happiness 'yan.

“It’s such a special milestone in your life.

“So, I’m very happy for him, I’m glad that they got married.

"And siyempre, like everybody else, we’re hoping that maging okay na po ang lahat, maging okay din po ang lahat eventually.”

Ang tinutukoy ni Carla ay ang hindi pagkakasundo ni Matteo at ng pamilya ni Sarah, partikular na ang Mommy Divine ni Sarah.

Sundot na tanong kay Carla: ano ang pagkakakilala niya kay Matteo nang magkatrabaho sila?

Tugon ng Kapuso actress, “Mabait. Ano lang po 'yan, tahimik lang siya.

“And then, hindi po siya somebody who would get attention.

“He’s professional, and in terms of acting, siya yung very confident lang, relax lang, and natural lang siya umarte.

Continue reading below ↓

“So, mabait naman po siya and very professional.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana on Matteo Guidicelli's secret wedding to Sarah Geronimo: "I’m very happy for him, I’m glad that they got married. And siyempre, like everybody else, we’re hoping that maging okay na po ang lahat, maging okay din po ang lahat eventually.”
PHOTO/S: Bernie Franco / @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results