Pasig Mayor Vico Sotto reacts to mother Coney Reyes’s Tiktok dance video

by Jet Hitosis
Mar 6, 2020
Pasig City Mayor Vico Sotto has a two-word reaction to mother Coney Reyes's Tiktok dance video: "Oh my"
PHOTO/S: Noel Orsal, @coneyreyes on Instagram

“Oh my”

Iyan ang two-word comment ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa Tiktok dance ng inang si Coney Reyes.

Ang Tiktok ang usung-uso ngayong Chinese app na ginagamit sa paggawa ng mga short lip-sync, comedy, and talent videos para i-share sa social media.

Miyerkules, March 4, nang ipinost ng 65-anyos na veteran drama actress ang pagsasayaw niya ng Tiktok kasama si Samantha Lopez.

Co-star ni Coney si Samantha sa primetime teleserye nila sa GMA-7 na Love of My Life.

Caption ni Coney: “Super fun with @samanthalopeznyc on the set of #LoveofmyLife #happyset #tiktok [winking face, heart, face with big grin stuck-out tongue, nerd face, rolling on the floor laughing, laughing with tears emojis]”

Continue reading below ↓

Sa “Oh my” comment ni Vico, nag-reply ang aktres ng grimacing face, grinning-squinting, rolling on the floor laughing, at smiling face with three hearts emojis.

Continue reading below ↓

Cute na cute naman ang maraming Instagram followers ni Coney sa naging reaksiyon ni Vico sa video ng ina.

Si Vico ay anak ni Coney sa beteranong comedian-TV host na si Vic Sotto.

Continue reading below ↓

Ilang netizens ang humimok pa nga sa 30-anyos na mayor na gumawa rin ng sarili niyang Tiktok video.

Continue reading below ↓

Ang iba, nag-request na magkasamang gumawa ng dance video ang mag-ina.

Continue reading below ↓

FOR PAULEEN AND DANICA, CONEY’S VIDEO IS "sooo CUTE"

Nag-react din sa post ni Coney sina Pauleen Luna at Danica Sotto-Pingris.

Si Pauleen ang asawa ngayon ni Vic, at stepmother ni Vico.

Si Danica ay kapatid ni Vico, bilang panganay na anak ni Vic sa dating asawang si Dina Bonnevie.

Comment ni Pauleen: “This is so cute!!!”

Continue reading below ↓

Reaksiyon naman ni Danica: “Cuuuuute [three heart eyes emojis]”

Kung hindi direktang mawari ang reaksiyon ni Mayor Vico sa dance video ni Coney, nagustuhan naman ito ng isa pang anak ng aktres, si Carla Mumar.

Komento ni Carla: “Hahah love it Mama!”

Laughing emojis din ang isinagot ni Coney sa nag-iisang anak na babae.

Continue reading below ↓

Si Carla ay anak ni Coney sa dating asawang si Larry Mumar.

Bukod kay Carla, may isa pang anak si Coney kay Larry, si LA (Lawrence Anthony) Mumar.

Continue reading below ↓

Nag-react din sa dance video ni Coney ang iba pang kapwa niya celebrities, tulad nina Bela Padilla, Sheena Halili, Nikki Valdez, Cherry Pie Picache, Mikee Cojuangco-Jaworski, at Amy Austria.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Isa si Coney sa dumaraming celebrity moms na nagsipag-post kamakailan ng kani-kanilang Tiktok videos.

May sarili na ring Tiktok videos ang mga aktres na sina Jodi Sta. Maria, Ina Raymundo, Zsa Zsa Padilla, at Aiko Melendez, gayundin ang comediennes na sina K Brosas at Pokwang.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasig City Mayor Vico Sotto has a two-word reaction to mother Coney Reyes's Tiktok dance video: "Oh my"
PHOTO/S: Noel Orsal, @coneyreyes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results