Inigo Pascual says bashing of ex-gf Kelley Day "sobrang pointless"

by Melba R. Llanera
Mar 8, 2020
Inigo Pascual is irked by fans of MarNigo (moniker of Maris Racal and Inigo Pacsual) who recently bashed his ex-girlfriend Kelley Day.
PHOTO/S: @inigopascual @itskelleyday on Instagram

Naaawa si Iñigo Pascual sa ex-girlfriend na si Kelley Day dahil sa pamba-bash dito ng ilang MarNigo fans kaugnay sa bali-balitang nagkabalikan ang dalawa.

Ang MarNigo ay moniker ng love team nina Iñigo Pascual at Maris Racal.

Kamakailan, kumalat sa social media ang larawang magkasama sina Iñigo at Kelley sa isang family affair ng Kapamilya actor-singer.

“Naawa ako kaya ako napa-tweet noong time na yun,” pag-amin ni Iñigo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa set ng ASAP Natin ‘To, noong Marso 1, Linggo, sa ABS-CBN Compound, Quezon City.

“Kasi mas naaasar ka kapag alam mong walang ginagawang masama yung tao," sabi pa ni Inigo, "'tapos nadadamay sa mga bagay na sobrang pointless.

"Kaya nakakapikon, kasi pati yung bashers na hindi naman magamit ang mukha nila sa picture, pati mga names nila, parang nakakapikon na, 'How can you bash someone you don't even know kung ano ang ginagawa?'

Continue reading below ↓

"Nakakainit ng ulo, wala namang bad intention yung tao."

Sinabihan na nga raw niya ang ina na huwag mag-post. "Even us, my mom, I have to tell my mom, 'Sana, kung in-invite mo si Kelly or some other person, huwag na lang mag-post,' k
asi para sa kanila na rin, to keep them safe.

"Grabe talaga yung bashers, yung mga sinasabi nila, like, 'Go to hell, mamatay na kayo sa impiyerno.’ Sobrang di na tama!"

IÑIGO TO BASHERS: "Iharap ninyo ang mga mukha ninyo sa akin."

Ang gusto ni Iñigo ay humarap sa kanya ang mga namba-bash.

"Gusto kong makita ang mga mukha nila, iharap ninyo ang mga mukha ninyo sa akin at doon ninyo sabihin sa akin kung ano ang gusto ninyong mangyari!”

Nagpapasalamat daw si Iñigo sa pagmamahal at suporta sa kanya ng MarNigo fans, pero ikinakasama ng loob niya na MarNigo fans din ang nam-bash sa kanila ni Kelley.

Continue reading below ↓

“Like what I said, I'm grateful for whatever me and Maris have, and to have them as my fans and as our supporters, we will always be grateful for that.

"Ako, I never ever wanna hurt naman anyone, or like I'm not appreciating what they do to us. Sobra kong na-appreciate lahat ng ginagawa nila para sa amin.

"But it's sad to see that people I met before, people na nakilala ko nang personal, kaya akong pagsalitaan ng kung anu-ano dahil lang sa bagay na akala nila nangyari.

“Yun ang masakit sa puso na kilala kita, na-meet nga kita, e. 'Tapos ngayon, dahil lang may narinig ka na hindi mo nga alam kung totoo, babastusin mo ako nang ganyan?Ganyan ang mga sinasabi mo?"

Ang tiwala niya ay hindi raw pala talaga maaaring ipagkaloob nang ganoon na lamang.

“Doon mo makikita na di mo pala puwedeng ibigay nang ganun-ganun lang iyung tiwala saka love mo sa ganun.

"Nakakadurog ng puso na makita mo na, ‘I appreciated you, and now you can easily say these things towards me.’

Continue reading below ↓

“When I think about it, it makes me really sad. These people, sila iyung mga taong, in a way, ibinigay mo na iyung trust mo sa kanila at nakaka-sad lang na kaya nilang gawin yun."

IÑIIGO PASCUAL APOLOGIZES TO KELLEY DAY

Ilang pagkakataon na ring humingi si Iñigo ng tawad sa ex-girlfriend dahil nadadamay ito sa pamba-bash ng ilang tagahanga.

May instance pa nga raw na sadyang pinaglaruan ang interview kay Kelley.

Ang tanong ay: "Sino ang pinakamagaling na singer?" Pero ginamit ang sagot ni Kelley sa tanong na, "Sino ang pinakamagaling sa kanila?"

Ang kuwento ng anak ni Piolo Pascual, “There was a time na tinext ko siya, kasi, mayroon daw lumabas na interview niya na parang, ang akala raw, ang sinasabi ng bashers she's talking daw about our sex life before. Yun yung parang interview.

“'Tapos, iyung interview, pala trinick siya, na parang they are talking about who is the best singer, si Iñigo, this and that. 'Tapos, ang pinalabas sino ang pinakamagaling sa kanila. So, ginagawa ninyo ba ito?

Continue reading below ↓

“Parang ang ginagawa, parang ginawang sex question yung totoong question na who is the best singer?

"I have to ask her and clarify what really happened, and I have to apologize because this interview was like two, three years ago.

“'Tapos, biglang kung saan-saan nila nahalungkat na baul dahil ang gagaling nilang maghanap ng kung anu-ano.

“Pag kaharap mo sila... I'm sorry I have so much anger about this, it's just it really made me sad, I'm really hurt to see these people that I know, I've met in person, I've encountered personally, to say those words towards me easily without even assuring what really happened and what is really going on."

IÑIGO pascual'S ReLATIONSHIP STATUS WITH KELLEY DAY

Bakit ba nakasama si Kelley sa family affair nina Iñigo?

“Kelley, honestly, super close siya sa family ko, especially kay mommy saka sa lolo ko. When I did my housewarming ng condo ko, my mom invited her.

Continue reading below ↓

“I didn't invite any of my friends, kasi I want a separate kind of housewarming with my friends which I haven't been able to do yet.

“Matagal na, it's been a long while since nag-hang out kami ni Kelley, pero we have common friends. Dati, di kami nagkikita, kasi, wala kaming common friends. So, ngayon, nagkaroon kami ng common friends, we were able to hang out again, but it's not like that anymore."

Are they back together?

“I call her tropex, mga tropang ex," paglilinaw niya.

"Whatever we went through before, sobrang dami naming napagdaanan. I mean it's a relationship na I guess we were grateful na we went through it, and now, we can talk to each other as friends and walang ilangan, walang hard feelings toward each other."

Nilinaw ng singer na sa ilang pagkakataong nagkasama sila ni Kelley, ito ay di nila parehong sinadya kundi dahil marami silang common friends sa ngayon.

Continue reading below ↓

“A couple of instances where I am in the same place that she is, but it doesn't mean that I invited her or I got invited by her. Nagkakataon lang, we’re in the same place at the same time."

Kapuso talent si Kelley, habang Kapamilya naman si Iñigo. At masaya si Inigo na two years since their breakup ay nanatili silang magkaibigan.

Sa pagpapatuloy niya, “She's living her own life, she's living her own career. I'm happy for her, at the same time wala kaming bad feelings towards each other.

“Tropex ko yun, tropang ex—wala namang masama sa pagiging kaibigan ang ex. We're mature enough not to hate each other. Okay naman yun."

Sa ngayon ay di pa nakakausap ni Iñigo si Kelkey tungkol sa lumabas na isyu, lalo't pareho silang busy sa kani-kanyang showbiz career.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inigo Pascual is irked by fans of MarNigo (moniker of Maris Racal and Inigo Pacsual) who recently bashed his ex-girlfriend Kelley Day.
PHOTO/S: @inigopascual @itskelleyday on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results