Martin Nievera comments on Sarah and Matteo defying "Divine Intervention"

by Arniel C. Serato
Mar 9, 2020
Martin Nievera on Sarah Geronimo defying "Divine Intervention" in marrying Matteo Guidicelli: "Well, hindi lang yun, feeling ko, yung love nila ni Matteo is unbeatable, e. I mean, by hook or by crook, mangyayari ito. Talagang they're gonna end up together. They’re so in love.”
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @matteog on Instagram

“She's like my daughter.”

Ganito inilarawan ng Concert King na si Martin Nievera, 58, ang relasyon niya sa Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, 31.

Kaya ganoon na lamang ang kasiyahan niya sa balitang ikinasal na si Sarah kay Matteo Guidicelli, 29.

Kahapon, March 8, nagkasama muli sina Martin at Sarah sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP Natin ‘To.

Kumusta si Sarah sa studio?

“Geronimo? Guidicelli? Sarah GG?" pagtukoy ni Martin kay Sarah, na ngayon ay Mrs. Guidicelli na.

Patuloy niya, “Sarah GG for me... I've never seen her happier.

“Of course, everything in life doesn't always go in sync.

“But in God's time, everything will.

"And when that happens, mas happy pa siya, exploding with happiness.”

Ikinasal sina Sarah at Matteo noong February 20, 2020 sa isang Christian ceremony sa Victory Church – Every Nation, Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Idinaos naman ang wedding reception sa Ministry of Crab restaurant sa Shangri-La at The Fort, BGC.

Continue reading below ↓

Nagkaroon ng komosyon sa wedding reception dahil sa biglaang pagdating ni Divine Geronimo, ina ni Sarah.

Lumalabas na hindi imbitado si Mommy Divine sa kasal ng sariling anak, at tutol pa rin pala ito sa pagpapakasal ni Sarah kay Matteo kahit engaged na ang mga ito.

Sa tingin ba ni Martin ay nakalaya na si Sarah sa mahigpit na pagbabantay ng ina nito?

Diretsong sagot ng singer, “Well, hindi lang yun, feeling ko, yung love nila ni Matteo is unbeatable, e.

“I mean, by hook or by crook, mangyayari ito. Talagang they're gonna end up together.

“They’re so in love.

“This is the right time for people... if you’re in love the way they’re in love, this is the time to make some sort of commitment that doesn't have to be marriage.

"But in the case of Matteo and Sarah, they wanted to tie the knot talaga.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa grand opening ng Hazelberry (A Taste of Love) ni Ara Mina sa Molito Lifestyle Center, Alabang, Muntinlupa, kahapon, March 8.

Continue reading below ↓

Isa si Martin sa nag-cut ng ribbon sa blessing ng ika-apat na branch ng resto/café ng Ang Probinsyano actress.

MARTIN: “DON’T FORGET THE MAGIC.”

Kinuha rin ng PEP.ph ang reaksiyon ni Martin sa pagkuwestiyon ng ilan kung bakit nagbibigay siya ng payo para sa bagong kasal, gayong hindi naging matagumpay ang pagsasama nila ng ex-wife na si Pops Fernandez.

Continue reading below ↓

Taong 1995 naghiwalay sina Martin at Pops matapos ang 13 taong pagsasama.

Natatawang sabi ni Martin, “Well, to the two of them again, a lot of people have been knocking me that... why should I give advice when my marriage failed.

“Think about it, when my marriage failed, I did something wrong, right?

“So, who would know more about wrong than me?

“So if you're going to tell someone don't do something wrong, it should be someone who's good at doing something wrong.

"And that was me.

“I would like to think I'm better now, but I'm no expert.

"Talagang hindi ako eksperto sa marriage, not at all, or even in relationships.

“All I know is we all can learn from Matteo and Sarah.”

Payo pa niyang muli sa dalawa, “So, my advice to you is keep it fresh the way you feel right now, as you're reading or hearing this or seeing this.

Continue reading below ↓

"Keep it like this always, don't forget the magic.

“Don't ever let it be a routine or don't ever be complacent.

"If you open the door for Sarah today, that's forever.

“If Sarah treats you a certain way today, because of kilig or happy feeling as she walks through life today, remember that feeling.

"It's the magic that sometimes disappears or we forget.

“Don't forget the magic.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Martin Nievera on Sarah Geronimo defying "Divine Intervention" in marrying Matteo Guidicelli: "Well, hindi lang yun, feeling ko, yung love nila ni Matteo is unbeatable, e. I mean, by hook or by crook, mangyayari ito. Talagang they're gonna end up together. They’re so in love.”
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results