Ara Mina reveals old business partners cheated her

by Arniel C. Serato
Mar 9, 2020
Ara Mina on the success of her pastry/restaurant shop Hazelberry (A Taste of Love): "Naniniwala ako na kapag may tiyaga pala may nilaga. And napatunayan ko na totoo rin yung quote, yung favorite quote ko na ‘Try and try until you succeed.’"
PHOTO/S: Arniel Serato

Naging emosyunal si Ara Mina sa gitna ng kanyang speech sa grand opening ng kanyang bagong pastry at restaurant na Hazelberry (A Taste of Love) kagabi, March 8, 2020.

Ito ay bunsod ng aniya’y mga dating business partners na nanloko umano sa kanya.

Samu’t-saring negosyo na ang pinasukan ng Ang Probinsyano actress may lagpas sampung taon na ang nakaraan, ngunit dito lang siya sa Hazelberry talaga nagtagumpay.

Sabi ng 40-year-old star, habang pinupuri ang kanyang business partner ngayong si Christine Baniqued: “Siyempre, simple lang po 'yan pero marami siyang naituro sa akin.

“Uy, sorry naiyak ako.

“Hindi biro mag-business, e. Ang hirap.

“Hindi, sa totoo lang, ang lakas ng loob ko, pero it’s really hard to have a business that… thank you, Lord, for giving me a good partner kasi ang dami na nanloko sa akin dati.

“So, thank you for giving me a good one.

“Hindi, totoo naman, e, makaka-relate sa akin ang mga may business, nakakapagod pong mag-business, tayo ka nang tayo, 'tapos niloloko ka sa pera.

Continue reading below ↓

“Niloloko ka sa kung mga anu-ano.

“It’s really hard, kasi dugo’t pawis mo. Yung effort mo.

“And this is my passion. I love baking. I love… and thank God ngayon ko lang niri-reap yung success sa business.”

Pero, nilinaw ni Ara na ang mga business partners na kanyang tinutukoy ay mga nakasama niya may sampung taon na ang nakaraan.

Kung meron man daw nanloko sa kanya, meron din naman daw siyang mga naging business partners na matitino.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa grand opening ng ika-apat na branch ng Hazelberry sa Molito Lifestyle Center, Alabang, Muntinlupa.

“TRY AND TRY UNTIL YOU SUCCEED”

Nalugi man ng ilang taon, tila nagbunga naman ang pagtitiyaga ng actress/singer/entrepreneur dahil unti-unti nang tinatangkilik ng mga tao ang kanyang pastry/restaurant shop.

Lahad nito, “It’s such a relief, in a way.

"Naniniwala ako na kapag may tiyaga pala may nilaga.

“And napatunayan ko na totoo rin yung quote, yung favorite quote ko na ‘Try and try until you succeed.’

Continue reading below ↓

“Quote ko ‘yan nung bata pa ako kasi I think 12 years old pa lang ata ako, try ako nang try mag-audition hanggang matanggap ako sa That’s Entertainment noon.

“Natanggap naman akong artista. So sabi ko, ‘Hay, naging artista rin ako.’

“So ginawa ko, in-apply ko yang quote na ‘yan pagdating sa business dahil marami na rin akong triny na business, mapa-restaurant, mapa-videoshop, mapa-canteen, modelling agency.

“Marami akong restaurant na nag-fail.

“But this time kailangan ko pang gamitin ko yung pangalan kong Hazel.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina on the success of her pastry/restaurant shop Hazelberry (A Taste of Love): "Naniniwala ako na kapag may tiyaga pala may nilaga. And napatunayan ko na totoo rin yung quote, yung favorite quote ko na ‘Try and try until you succeed.’"
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results