Mike Tan loses wedding ring while taping in Banaue

by Jet Hitosis
Mar 10, 2020
Kapuso actor Mike Tan loses his wedding band while taping for his new teleserye, The Seed of Love, in Banaue, Ifugao.
PHOTO/S: @imiketan on Instagram

Nawaglit ni Mike Tan ang kanyang wedding ring habang nagte-taping siya sa bayan ng Banaue sa Ifugao province.

Idinaan ng 33-anyos na Kapuso actor sa social media ang panawagan para sa sinumang posibleng nakakita o nakapulot sa kanyang wedding ring.

Sa ipinost ni Mike sa kanyang Twitter, Instagram, at Facebook page nitong Lunes ng gabi, March 9, makikita ang close-up shot ng kanyang white gold wedding band.

Mababasa sa post ang mga lugar na pinaglagian ni Mike habang nagte-taping siya sa Banaue.

Tinukoy ng aktor ang Hiwang Road, Hiwang Native Inn, at Banaue Museum.

Mahihinuhang naniniwala si Mike na sa mga nabanggit na lugar niya nawaglit ang kanyang wedding ring.

Idinagdag din ni Mike ang isang mahalagang detalye: naka-engrave sa loob ng singsing ang pangalan ng kanyang misis na si Cris.

Saad sa texts sa post ni Mike: “I unfortunately lost my wedding band at one of our taping locations here in Banaue. [loudly crying face emoji]

Continue reading below ↓

“If you are in any of the following areas – Hiwang Road – Hiwang Native Inn – Banaue Museum… and happen to spot this ring, please message me directly on my FB page, Twitter, and IG.

“PS. My wife’s name CRIS is engraved on the inside using cursive text.”

Ang post na ito ni Mike ay na-share na ng ilan niyang Instagram followers.

Continue reading below ↓

Nagkomento naman sa Facebook post ni Mike ang mga empleyado ng Hiwang Inn at Banaue Museum para ipaalam sa aktor na hinahanap na nila ang singsing.

Continue reading below ↓

Hindi naman malinaw kung paanong nawala sa daliri ni Mike ang kanyang wedding ring.

Sa Banaue ang taping ng ipalalabas na teleserye ng GMA-7, ang The Seed of Love, na pinagbibidahan ni Glaiza de Castro.

MIKE AND CRIS

January 22, 2018 nang ikinasal ang StarStruck 2 Ultimate Male Survivor kay Cris, na naging girlfriend niya sa loob ng 12 taon.

Continue reading below ↓

Very private kung ilarawan ni Mike ang kanyang misis, na sa loob ng maraming taon ng aktor sa showbiz ay ipinakikilala lang niya sa pangalang “Cris.”

May dalawang anak sina Mike at Cris.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Mike Tan loses his wedding band while taping for his new teleserye, The Seed of Love, in Banaue, Ifugao.
PHOTO/S: @imiketan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results