Melai Cantiveros tells Ivana Alawi about trouble with husband Jason Francisco because of the sexy star

by Rachelle Siazon
Mar 10, 2020
Melai Cantiveros (left) to Ivana Alawi (right): "Well, well, well, Ivana. Gusto ko lang sabihin sa 'yo, Ivana... na crush din kita!"
PHOTO/S: @mrsandmrsfrancisco / @ivanaalawi Instagram

Kuwelang inamin ni Melai Cantiveros sa harap ni Ivana Alawi na pinagselosan niya ito.

Isa kasi ang asawa ni Melai na si Jason Francisco sa male fans na humahanga sa kaseksihan ni Ivana.

Nitong Lunes, March 9, nagkataong celebrity guest si Ivana ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.

Sina Melai, Karla Estrada, at Jolina Magdangal ang co-hosts ng show.

Nang ipakilala si Ivana, humirit si Jolina tungkol sa pagseselos ni Melai kay Ivana.

"Alam mo, Ivana, very vocal ang momshie namin dito na talagang pinagselosan ka yata.

"Di ba, Momshie Mels? Eto, face to face na. Ano masasabi mo?"

Sagot ni Melai habang naglalakad sa harap ni Ivana, "Well, well, well, Ivana.

"Gusto ko lang sabihin sa 'yo, Ivana... na crush din kita!"

Una nang inamin ni Melai, 31, na pinagselosan niya si Ivana, 23, dahil sa paghanga ng asawang si Jason, 32, sa dalaga.

Sinabi iyon ni Melai sa guest appearance nila ni Jason sa Tonight With Boy Abunda noong December 2019.

Continue reading below ↓

Nang magharap na nga sina Melai at Ivana, aminado ang comedian-TV host na natural lang daw na maraming kalalakihan ang humanga sa kaseksihan ng sexy star-vlogger.

At hindi raw maiiwasang pagselosan si Ivana ng ibang mga babae.

"Talaga namang maraming makaka-relate sa mga mag-aasawa at magbo-boyfriend.

"'Sino ba 'yang tinitingnan mo sa cell phone?' 'Ivana!'"

Continue reading below ↓

Napapangiti lang si Ivana habang nakikinig kay Melai.

Dagdag ni Melai, "Talaga namang nakaka-proud si Ivana kasi talagang ang sexy!

"Deserved na deserved naman siya selosan."

Sa isang punto ng episode, nag-plug si Ivana tungkol sa Ang Lihim Ni Ligaya, ang upcoming teleseryeng pagbibidahan niya.

Pabirong hirit ulit ni Melai, "At excited na tayo manood agad-agad ito.

"Hindi lang tayo, pati mga asawa natin. Charing lang!"

Natatawang komento ni Jolina, "Meron kang pahaging..."

THE TROUBLE WITH IVANA'S MALE FANS

Hindi man nagkomento si Ivana sa mga biro ni Melai, aminado ang sexy star na madalas siyang pagselosan ng ibang babae na may mga karelasyong humahanga sa kanya.

Sa kanyang vlog noong September 2019, nabanggit ni Ivana na hangga't maaari ay ayaw niyang siya ang pagmulan ng isyu ng mga magkakarelasyon.

"Pag nami-meet ko kasi yung mga girlfriend ng tao, ayoko talaga.

"Ayoko maging issue ng mga break-break na iyan."

Bukas si Ivana pagdating sa pagkakaroon ng "hubadera" image, dala ng sexy bikini photos na madalas niyang ibinabahagi sa kanyang Instagram account.

Continue reading below ↓

Umabot na nga raw sa puntong may female netizens na sinisisi siya sa pagkasira ng relasyon sa kani-kanilang mga nobyo.

"They were, like, 'Nag-break kami dahil sa 'yo.' Kasi yung dyowa daw nila were saving my photos," saad ni Ivana sa TV Patrol noong February 2020.

Payo naman ni Ivana sa kanyang male fans, "Sabi ko, 'Guys, huwag na kayo mag-save ng photos ko para hindi kayo mag-break.'"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melai Cantiveros (left) to Ivana Alawi (right): "Well, well, well, Ivana. Gusto ko lang sabihin sa 'yo, Ivana... na crush din kita!"
PHOTO/S: @mrsandmrsfrancisco / @ivanaalawi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results