Joey de Leon reacts to suspension of Eat Bulaga live audience admission

by Bernie V. Franco
Mar 10, 2020
Joey de Leon says he is not sure until when the suspension of live-audience admission in Eat Bulaga! will last.
PHOTO/S: @angpoetynyo on Instagram

Nag-react ang veteran host-comedian na si Joey de Leon kaugnay ng ipinatutupad na suspension ng live-audience admission ng kinabibilangan niyang GMA-7 noontime show, ang Eat Bulaga!

Kahapon, March 9, inanunsiyo ng management ng programa na suspendido muna ang pagpapapasok sa live audience, bilang preventive measure dahil sa COVID-19 outbreak sa bansa.

Sinimulan na rin kahapon ang implementasyon nito.

Pagbubunyag ni Joey, kahapon din lang inabisuhan silang mga host tungkol dito.

“We were just told about it when we got to the studio yesterday morning,” pahayag ng veteran actor-host sa panayam ni Ricky Lo na lumabas sa The Philippine STAR ngayong Martes, March 10.

Ayon pa kay Joey, hindi tiyak kung hanggang kailan ang suspension sa pagtanggap ng live audience.

“A sign was placed at the entrance that we won’t be accepting ‘live’ audience for the meantime, but we don’t know how long it will last.”

Ang Eat Bulaga! ay ginaganap sa APT Studios sa Cainta, Rizal.

Continue reading below ↓

Paalala pa ni Joey: “No more beso-beso, no more kissing, no more shaking hands, just a simple ‘hi’ or ‘hello’ from a distance.”

Sa inilabas na guidelines ng Department of Health (DOH), ilan sa preventive measures ay ang "social distancing, proper hygiene, and cough etiquette."

Samantala, sunud-sunod din ang Instagram posts ni Joey na may kinalaman sa COVID-19 at announcement ng Eat Bulaga!

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

EAT BULAGA! ANNOUNCEMENT

Kahapon, naglabas ang Eat Bulaga! ng official statement sa lahat ng social media platforms nito.

Nakasaad dito ang pansamantalang pagsuspinde ng show sa pagkakaroon ng live audience dahil sa "COVID-19 outbreak in the Philippines, which has placed the country in a state of public health emergency.”

Layon ng hakbang na ito “to help prevent the spread of the virus and to ensure the healthy and safety of its talent, staff, crew and members of its audience.”

Pakiusap pa ng management: "Please understand that this decision was made after extensive and careful consideration in order to cooperate with government efforts to contain the spread of COVID-19.”

Ni-repost naman ng Dabarkads hosts sa kani-kanilang social media accounts ang official statement ng Eat Bulaga.

Kabilang sa mga nag-repost sina Alden Richards, Maine Mendoza, Pia Guanio, Pauleen Luna, at Allan K.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

KAPAMILYA SHOWS

Kaugnay ng COVID-19 issue, naglabas na rin ng official statement ang ABS-CBN ngayong March 10, Martes, na nagsasabing ititigil muna ang pagtanggap ng studio audience sa kanilang live shows.

Kabilang sa mga apektadong programa ay ang mga sumusunod: It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, Magandang Buhay, Banana Sundae, at I Can See Your Voice.

Bahagi ng kanilang statement: “ABS-CBN has decided to temporarily stop admitting studio audience to its shows starting today (10 March 2020), following the government’s declaration of a state of public health emergency.

“We feel that it is our shared responsibility to help in preventing the spread of the COVID-19.

“Thank you Kapamilya for the support, understanding, and patronage of our shows.”

Kagabi, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na sasailalim ang bansa sa state of public health emergency dahil sa tumataas na bilang na kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa.

Habang isinusulat ang balitang ito, kinumpirma ng DOH na maryoon nang 24 kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey de Leon says he is not sure until when the suspension of live-audience admission in Eat Bulaga! will last.
PHOTO/S: @angpoetynyo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results