Mayor Vico Sotto slams fake news about Pasig City amid COVID-19 outbreak

by Rachelle Siazon
Mar 10, 2020
Pasig City Mayor Vico Sotto's reminder during COVID-19 outbreak: "PLEASE HELP SPREAD TRUTHFUL INFORMATION. KEEP CALM AND VERIFY INFO BEFORE SHARING."
PHOTO/S: Humans of Ateneo Facebook

Inalmahan ni Mayor Vico Sotto ang kumalat na news na may isang buong pamilyang dinapuan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pasig City.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, ipinakita ni Vico ang kopya ng quote card na naglalaman ng impormasyong nagsasabing may panibagong kaso ng COVID-19.

Isa itong quote card na may logo ng GMA News, marahil ay upang gawing kapani-paniwala ang COVID-19 update ng sinumang may pakana nito.

Sabi ni Vico: "ANO BA ANG NAPAPALA NG MGA GUMAGAWA NG FAKE NEWS NA GANITO?"

Continue reading below ↓

Siniguro ni Vico na ipinapatupad na sa Pasig City ang "precautionary measures" para iwasan ang paglaganap ng COVID-19.

"PLEASE HELP SPREAD TRUTHFUL INFORMATION. KEEP CALM AND VERIFY INFO BEFORE SHARING."

Paalala pa ng alkalde, "Keep calm. Mahugas ng kamay. Umiwas sa matataong lugar. Wag hawakan ang mukha. Wala munang beso-beso.

"Kung may sintomas, dumiretso sa Brgy Health Center o tumawag sa 8-643-0000."

Continue reading below ↓

ACTION TAKEN

Noong March 9, una nang sinabi ni Mayor Vico ang ilan sa mga sinusunod nilang guidelines mula sa Department of Health.

Kabilang daw dito ang pagkakaroon ng "contact tracing, dedicated response teams, disinfecting, cancelation of all public events and gatherings, applications for permits for large events on hold."


Continue reading below ↓

Inanunsiyo rin ni Vico ang kumpirmasyon mula sa DOH na mayroong non-Pasig City resident na dinapuan ng COVID-19 ang naospital sa Medical City Pasig.

Isa namang residente ng Pasig City ang naospital sa ibang siyudad dahil sa COVID-19.

Siniguro ng alkalde na nakikipag-ugnayan nang husto ang kanyang local government unit sa DOH hinggil dito.


Continue reading below ↓

Dumalo rin si Vico sa task force meeting sa Malacañang kasama ng iba pang mga lokal na opisyal para aksiyunan ang COVID-19 outbreak sa bansa.

Dito nga raw napagkasunduang isuspinde ang lahat ng klase sa National Capital Region mula March 10 hanggang March 14.

BE VIGILANT, BUT DON'T PANIC

Pinaalalahanan din ni Vico ang netizens na iwasan ang mag-panic sa gitna ng mga pangamba dahil sa tumataas na bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.

Continue reading below ↓

"Dont panic. I was at the Task Force mtg in Malacañang and i believe the DOH is being very truthful about the information they are releasing.

"As of tonight 24 confirmed cases.

"Pls dont do panic buying. Lalo na sa mga alcohol, masks. Kawawa naman yung mauubusan."


Ngayong Martes, March 10, nagbahagi rin si Vico ng litrato ng mga ginagawang pagdi-disinfect sa mga pampublikong lugar sa Pasig.

Continue reading below ↓

Ulit niya, "Let's stay calm but ready for anything."


COVID-19 TRACKER

Para sa official information tungkol sa COVID-19, mayroong tracker ang DOH na naglalaman ng updates tungkol sa confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.

Makikita rin doon ang bilang ng Patients Under Investigation (PUIs), bilang ng mga discharged PUIs, at bilang ng admitted PUIs.

Continue reading below ↓

Mayroon ding updates sa official Facebook page ng DOH.

As of 2:47 p.m. ngayong Biyernes, March 10, mayroon nang 35 cases ng COVID-19 sa bansa.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasig City Mayor Vico Sotto's reminder during COVID-19 outbreak: "PLEASE HELP SPREAD TRUTHFUL INFORMATION. KEEP CALM AND VERIFY INFO BEFORE SHARING."
PHOTO/S: Humans of Ateneo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results