Bianca Manalo appeals to the "upper class" not to hoard in the time of COVID-19 

by Jet Hitosis
Mar 10, 2020
Bianca Manalo appeals to the "upper class" amid COVID-19 scare: “PLEASE PLEASE do not hoard. Pity our fellow Filipinos who live on their daily wages, who can only afford to buy what they need when they receive their daily or weekly salaries. When they go to buy their needs, the shelves will be empty... Pantries will be full in the exclusive villages, while the poorer man will have little choices."
PHOTO/S: @biancamanalo on Instagram

Nanawagan si Bianca Manalo sa publiko na iwasang mag-hoard—o mamili at mag-imbak ng sobra-sobrang pagkain—ngayong tumitindi ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Idinaan ng 32-anyos na aktres sa Instagram ngayong Martes, March 10, ang kanyang apela sa kainitan ng pagtutok ng publiko sa latest updates kaugnay ng COVID-19 scare.

Ngayong Martes, kinumpirma ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 33 ang kabuuang COVID-19 cases sa Pilipinas, at press time.

Gaya ng naiuulat sa ibang bansa, nagdulot din ng pagkabahala sa mga Pinoy ang biglaang pagdami ng nagpopositibo sa COVID-19 dito.

Nitong Lunes, March 9, nagsimula nang mag-stock ng mga pagkain, groceries, at personal hygiene items ang ilang pamilya.

Sa kanyang post, nakiusap si Bianca para sa mahihirap “who live on their daily wages” at walang kakayahang mamili nang biglaan at maramihan.

Mababasa sa post ni Bianca (published as is):

“Please read, follow and pass [two hearts, praying hands emojis]

Continue reading below ↓

“PLEASE PLEASE do not hoard.

“Pity our fellow Filipinos who live on their daily wages, who can only afford to buy what they need when they receive their daily or weekly salaries.

“When they go to buy their needs, the shelves will be empty [crying face emoji]”

Ayon sa dating beauty queen, kung mamimili ang “upper class” nang sobra-sobra sa kanilang pangangailangan, magkakaroon ng kakapusan ng supplies.

Kapag kinapos ang supplies, tataas ang presyo ng bilihin, dagdag ni Bianca.

“I hate to say it but it’s the upper class that will cause the shortage, and could cause price increases.

“Pantries will be full in the exclusive villages, while the poorer man will have little choices… [crying face emoji]”

Continue reading below ↓

“SAD BUT TRUE”

Sinang-ayunan ng Instagram followers ni Bianca ang post niyang ito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang isa sa kanila, nagpatotoong hinihintay pa niya ang susunod na suweldo para makapamili ng supplies nila sa bahay.

Continue reading below ↓

Ayon naman sa isa pa, mas makapagdudulot ng panic sa publiko kung kakapusin ang supply ng pagkain.

Ang isang netizen na nakabase sa Australia, nagkuwento kung gaano na kalala ang panic buying sa naturang bansa dahil sa COVID-19.

Nagkakaubusan na raw ng toilet paper, bigas, pasta, face mask, at hand sanitizers sa kinalulugaran niya Australia sa ngayon.

Continue reading below ↓

PANIC BUYING AMID COVID-19

Sa katunayan, iniulat ng American financial at business news website na Business Insider nitong Linggo, March 8, ang pag-aaway ng tatlong babae sa isang supermarket sa Australia.

Ang dahilan ng away: agawan sa toilet paper.

Kumalat pa online ang video ng sagutan at sabunutan na nangyari sa loob ng isang supermarket sa New South Wales, Australia.

Continue reading below ↓

Nakapag-ulat na rin ng panic buying sa China, Hong Kong, Singapore, Japan, Italy, Amerika, France, at Germany, ayon sa hiwalay na report ng Business Insider.

Halos 115,000 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo, at mahigit 4,000 sa mga ito ang namatay, ayon sa latest update ng World Health Organization (WHO).

PRICE FREEZE

Sa Pilipinas, sinabi ni Department of Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa isang media interview, ngayong Martes, na "hindi kinakailangang mag-stockpile" ng pagkain, alcohol, at face mask.

Quoted ng ABS-CBN News si Secretary Lopez: "Ang dami pang laman ng mga grocery.

"Hindi kailangang mag-stockpile.

“Huwag mag-panic at huwag ubusin iyong laman ng grocery,” anang kalihim.

Sa parehong report, tiniyak ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na hindi magtataas ang presyo ng bilihin.

Ito ay dahil awtomatiko kasing ipinatutupad ang "price freeze" kapag nagdeklara ng public health emergency sa Pilipinas.

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, March 9, ang state of public health emergency sa bansa kaugnay ng banta ng COVID-19.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Manalo appeals to the "upper class" amid COVID-19 scare: “PLEASE PLEASE do not hoard. Pity our fellow Filipinos who live on their daily wages, who can only afford to buy what they need when they receive their daily or weekly salaries. When they go to buy their needs, the shelves will be empty... Pantries will be full in the exclusive villages, while the poorer man will have little choices."
PHOTO/S: @biancamanalo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results