Angeline Quinto answers netizen telling her "don't be choosy kasi hindi ka naman kagandahan"

by Rachelle Siazon
Mar 11, 2020
Angeline Quinto tells netizen to stop assuming he/she knows what really happened between her and Erik Santos.
PHOTO/S: @loveangelinequinto Instagram

Hindi pinalampas ni Angeline Quinto, 30, ang pambabatikos ng isang netizen dahil sa umano'y pambabasted niya sa kapwa-singer na si Erik Santos, 37.

Ayon sa netizen, kasalanan ni Angeline kung bakit single pa rin ito hanggang ngayon.

Nag-ugat ang komento sa Instagram post ni Angeline tungkol sa paghihintay ng tamang taong kanyang mamahalin.

Ito ang written text na nakalagay sa quote card: "One day you will find someone who is willing to try. That person will stay."

May caption itong "#ThankyouLordforeverything."

Continue reading below ↓

Saka pumasok ang pang-iintriga ng netizen.

Komento ng nangingialam na netizen (published as is): "pano ba nmn. tagal kang sinuyo ni erik kaso binasted mo. arte much?

"dont be choosy kasi nde ka nmn kagandahan.

"wag maghanap ng brad pit kung nde ka nmn si angelina jolie noh!"

Sumagot si Angeline na hindi tamang panghimasukan ng netizen ang personal niyang buhay.

Sabi ni Angeline (published as is): "kalma. Wala po kayong alam.

"Mag ingat sa corona at wag puro chismis Dai."

Nag-comment uli ang netizen na boto raw kasi siya kina Angeline at Erik, at nanghihinayang itong hindi nagkatuluyan ang dalawa.

Hindi naman na sumagot si Angeline.


Continue reading below ↓

ANGELINE ON SERIOUS TALK WITH ERIK

Minsang naugnay sina Angeline at Erik dahil sa naging napakamalapit nilang magkaibigan.

Umabot sa puntong espesyal daw ang turing nila sa isa't isa, pero hindi iyon humantong sa opisyal na relasyon.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 2017, nasabi ni Angeline na isa sa dahilan kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni Erik ay dahil hindi pa handang lumagay sa tahimik ang dalaga.

Nagkaroon daw sila ng masinsinsang pag-uusap ni Erik taong 2016.

"Sinasabi naman niya na naging espesyal ako sa kanya, ganun din naman po sa akin si Erik.

"Pero yung gusto niyang mangyari sa buhay niya, gusto na niyang mag-asawa.

"Hindi pa ako ready sa ganun, e.

"Doon po kami hindi nagkakasundo… ako po talaga yun."

Dagdag pa ni Angeline, "Every time, sinasabi sa akin ni Erik na ready na siya, nasa tamang edad na siya.

"Ako lang yung nagsasabi sa kanya na kung gusto niya na talaga, sa iba."

Continue reading below ↓

ERIK ON BEING FRIENDS WITH ANGELINE

Magkasama pa silang nagdiwang ng Pasko sa New York noong December 2017.

Pero sa hiwalay na panayam ng PEP.ph kay Erik noong January 2018, sinabi nitong nanaig ang pagiging magkaibigan nila ni Angeline kaysa ang naudlot nilang unawaan.

Nagkakatuksuhan pa rin daw sila dahil "gwapong-gwapo" sa kanya ang dalaga.

Pero ulit ni Erik, "May mga bagay kasi talaga na hanggang ganun na lang.

"So, kung anuman yun, kung anuman yung nangyari in the past, kung ano man yung mangyari in the future, may mga bagay na kini-keep lang namin."

Noong July 12, 2019, nag-guest pa si Erik sa concert nina Angeline at K Brosas sa Araneta Coliseum.

Hindi maiwasang tuksuhin sina Angeline at Erik ni K at ng isa pang guest performer na si Ogie Alcasid.

"Pabayaan mo na iyang dalawang iyan," ani Ogie.

"Noong araw, kami ni Regine [Velasquez] ganyan din. Kunwari friends, yun pala nagmamahalan na."

Continue reading below ↓

Hirit naman ni K, "Mag-inuman kasi kayo para magkatuluyan na."

Panay lang naman ang ngiti nina Angeline at Erik.

ANGELINE'S WISH FOR ERIK

Nang magdiwang ng 37th birthday si Erik noong October 2019, muling nabanggit ni Angeline ang pangarap daw ng binatang makasal at magkapamilya.

Mensahe ni Angeline kay Erik sa Instagram:

"Maligayang kaarawan sa isang taong bida bida pero mahal ko.

"Alam mo naman na ang palagi kong sinasabi sayo pogs, kahit anong mangyari Nandito lang ako.

"Alam ko rin kung gaano mo na kagustong magkaasawa at anak, kung sino talaga ang babaeng para sayo, ibibigay ng Diyos yun [heart and prayer emojis]

"mahal ka namin Erik. Happy Happy Birthday Pogs"

Continue reading below ↓

Lumalabas na kahit hindi man naging sila, nanatili talagang magkaibigan ang dalawa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto tells netizen to stop assuming he/she knows what really happened between her and Erik Santos.
PHOTO/S: @loveangelinequinto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results