Vice Ganda apologizes to fans for declining selfies; asks for social distancing during COVID-19

by Jet Hitosis
Mar 12, 2020
Vice Ganda's tweet to fans: “Pasensya na po talaga sa mga di ko napagbibigyan ng selfie. Sana po talaga ay maunawaan ng [lahat] ang Social Distancing para sa ngayon."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Humingi ng paumanhin si Vice Ganda sa fans na, sa nakalipas na mga araw, tinatanggihan niya kapag humihiling ng selfie kasama siya.

Miyerkules ng gabi, March 11, nang idinaan ni Vice sa Twitter ang pagso-sorry sa mga fans na hindi niya napagbibigyan ng selfie sa ngayon.

Ang dahilan ng 43-anyos na It’s Showtime host: “Social Distancing.”

Tweet ni Vice (published as is): “Pasensya na po talaga sa mga di ko napagbibigyan ng selfie.

“Sana po talaga ay maunawaan ng lhat ang Social Distancing para sa ngayon.”

Continue reading below ↓

Ipinost ito ni Vice mahigit isang oras matapos niyang ipaliwanag sa naunang tweet ang ibig sabihin ng social distancing.

Aniya, isang paraan ito upang maiwasang kumalat ang coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Mababasa sa naunang tweet ni Vice: “Social Distancing - Wag muna tayong magdikit dikit pls.

“Wala munang yakapan, besohan at magpiktyuran.

“Pasenya na.

“Paraan yan para makaiwas tayo pare pateho sa COVID-19.”

Continue reading below ↓

NO MORE LIVE AUDIENCE

Simula nitong Martes, March 10, pansamantalang ipinagbawal ang live audience sa It’s Showtime at sa iba pang Kapamilya shows.

Ang katapat ng It’s Showtime sa GMA-7, ang Eat Bulaga!, ang unang nagdesisyon nitong March 9 na pansamantalang hindi magpapasok ng live audience sa studio nito.

Ang nabanggit na hakbangin ay bahagi ng pag-iingat laban sa COVID-19.

SOCIAL DISTANCING IN FIGHT AGAINST COVID-19

Ang social distancing ay infection control action na ipinatutupad ng health authorities upang mabawasan, o tuluyang maiwasan, ang pagkalat ng isang mabilis makahawang sakit.

Nangangahulugan ito ng pag-iwas sa close personal interactions, hindi pagpunta sa matataong lugar, at pananatili sa bahay kung maaari.

Para sa World Health Organization (WHO), masasabing safe ang isang tao—na dapat ay may suot na face mask—kung may distansiya siya ng isang metro (three feet) mula sa isang taong bumabahing, o umuubo, o may sakit.

Dahil sa banta ngayon ng COVID-19, kabilang ang social distancing sa mga suggestion ng Department of Health (DOH) upang maprotektahan ang sarili.

Continue reading below ↓

Social distancing din ang ipinapatupad ng Department of Education (DepEd) kaya sinuspinde ng gobyerno ang lahat ng klase sa Metro Manila nitong March 10-14.

Ito rin ang katuwiran sa pinaplano ng Civil Service Commission (CSC) na magpatupad ng four-day work week sa government employees.

Kasabay nito, pinayuhan din ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga pribadong kumpanya na magkaroon ng flexible work arrangements para maprotektahan ang mga manggagawa laban sa COVID-19.

THE PANDEMIC

As of March 11, umabot na sa 49 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Dalawa sa mga ito ang namatay.

Sa huling situation report (may petsang March 10), sa website ng WHO, mahigit 113,000 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa mundo, at mahigit 4,000 na ang binawian ng buhay.

Opisyal na ring idineklara kahapon ng WHO ang COVID-19 bilang isang pandemic.

Idinedeklarang pandemic ang isang sakit kapag nakaapekto na ito sa mahigit 100 bansa.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda's tweet to fans: “Pasensya na po talaga sa mga di ko napagbibigyan ng selfie. Sana po talaga ay maunawaan ng [lahat] ang Social Distancing para sa ngayon."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results