Ivana Alawi reveals she was used as cash cow, cheated on by ex-boyfriends

by Bernie V. Franco
Mar 12, 2020
Sexy actress Ivana Alawi reveals being cheated on by past boyfriends. “Marami na kasi ilang beses na akong niloko. Tapos pinapatawad, tapos niloloko ako ulit."
PHOTO/S: Photo grabbed from Ivana Alawi's YouTube video

Inamin ni Ivana Alawi, 28, na naranasan niyang gastusan ang mga dating boyfriend at maloko nang ilang beses ng mga dating karelasyon.

Sumailalim si Ivana sa “Never Have I Ever” challenge sa isang video ng One Music PH na ipinost sa YouTube noong March 5.

Dito ay sinagot ni Ivana ang ilang personal questions, kabilang na ang tungkol sa kanyang previous relationships.

Dito ay inamin ni Ivana na maraming beses na siyang nagpakalasing dahil sa pagkasawi sa pag-ibig.

“Kunwari nasasaktan ako, yung alak minsan ang tumutulong sa akin, kunwari para makatulog,” sabi ng ABS-CBN actress.

Ilang beses na ba siyang nalasing?

“Marami na, kasi ilang beses na akong niloko.

“Tapos pinapatawad, tapos niloloko ako ulit.

“So, suking-suki na ako sa alak pag brokenhearted, lagi siyang [alak] nandiyan.”

Naranasan na rin daw niyang malasing at tawagan ang boyfriend para maghabol.

“Lagi naman, e.

“Di ba, kunwari dati nag-away kami ng ex ko... dating-dati pa ‘to, yung college…

Continue reading below ↓

“Sabi ko, iinom ako para malimutan ko siya, tapos pag... ‘Hello, Babe, balikan mo na ako, Babe…” kuwento ni Ivana, na umaktong may kasamang iyak.

“Yun yung istorya, tapos ayaw pa rin…

“Alam mo yun… naloko pa rin niya ako… binalikan niya ako, tapos niloko [ulit].”

SPENDING money on boyfriends

Tugma ito sa ibinahagi ng sexy actress sa kanyang YouTube video na in-upload noong November 4, 2019.

Ikinuwento rito ni Ivana ang hindi magagandang karanasan sa unang boyfriend niya noong college.

“Ako pinapa-gas niya sa kotse niya, ako ang pinapabili… ni hindi nga ako ma-date sa McDo [McDonald’s]…

“Pero minahal ko pa rin yung gagong yun, pero hindi na ngayon.”

Hindi rin daw nalalayo ang nangyari sa kanyang pangalawang boyfriend.

Aniya, “Niloko din ako. Mga buwisit yung mga lalaki!”

Pero natutunan daw ni Ivana na lalong mahalin ang sarili.

“After nun, sabi ko ayoko na…

“Mga buwisit ang mga hinayupak.

Continue reading below ↓

“Binibigay mo naman lahat, pero kulang pa rin lagi.

“Loyal na loyal ka, pero sila hindi.”

Kabilang daw sa mga mamahaling regalo niya sa naging karelasyon ay sapatos at branded bag.

“Niloko ako, tapos ginamit niya ang bag ko. Sana nagpalit na lang ng bag,” hirit ni Ivana.

Biro pa ni Ivana, buti na lang daw at naghiwalay na sila dahil kung hindi ay baka naubos na ang pera niya.

IVANA ANSWERS RANDOM QUESTIONS

Sa “Never Have I Ever” video, nausisa rin si Ivana kung naranasan na ba niyang manloko ng karelasyon.

Sagot niya, “No. No talaga.

"Kasi ako, pag nasa relasyon talaga, I respect my partner.

“Pumasok ako sa relasyon, so I’m fully committed to him.

"So, never pa at never will.”

Nahuli na ba siyang nakikipaghalikan sa publiko?

“Hindi. Yung smack lang. May lugar ‘yan, e, yung maglaplapan,” sabi ng sexy star.

Naranasan na ba niyang magkaroon ng one-night stand?

Continue reading below ↓

“Ano, di natuloy, e,” maiksi pero diretsong sagot niya.

Naranasan na ba niyang makipag-flirt sa isang teacher o professor?

“Actually, may teacher ako, nilalandi ako dati.

“Pero dinededma ko.

“As in, birthday ko, ti-text niya ako.

“Wow! Buang. May asawa. Buking kita diyan, e!” may halong birong banggit ni Ivana.

Naranasan na ba niyang makipaghalikan sa isang estranghero?

“Hindi pa. Mag-hello muna ako, ‘Anong pangalan mo?’ Tapos ki-kiss ko na,” pabirong sagot niya.

Hirit ni Ivana, “Mukha nga lang akong malandi, pero hindi ako nakikipaglaplapan.”

Sa isang interview noong February, inamin ni Ivana na marami siyang natatanggap na indecent proposals dahil sa kanyang sexy image.

Pahayag niya, “Actually, andami, sobra…

"Lalo na ngayon, parang feeling nila makukuha ka kasi, di ba, I show skin…

“Pero dinededma ko sila and, minsan, sinasabihan ko, ‘No, you cannot buy me.’

“Feeling ko, yung sa akin is, 'You can look, but you cannot touch.'"

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexy actress Ivana Alawi reveals being cheated on by past boyfriends. “Marami na kasi ilang beses na akong niloko. Tapos pinapatawad, tapos niloloko ako ulit."
PHOTO/S: Photo grabbed from Ivana Alawi's YouTube video
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results