Melissa Ricks evades question about Julia Montes having a baby with Coco Martin

by Arniel C. Serato
Mar 13, 2020
Melissa Ricks explains absence from showbiz for almost five years: "Kasi napagdaanan na natin yung showbiz, di ba? So, yung parang normal life, na-appreciate ko. Kasi, ever since 14 years old ako, nasa taping na ako. So, parang na-enjoy ko lang siya."
PHOTO/S: Arniel Serato

Masaya si Melissa Ricks, 30, sa kanyang pagbabalik-showbiz.

Ito ay dahil kasama niya ang kaibigang si Julia Montes, 24, sa weekly series ng ABS-CBN na 24/7.

Saad ni Melissa, “Siyempre, sobrang okay. Sobrang love ko si Julia.

“That’s the only reason why pumayag po ako na tanggapin yung show.

“Kasi, actually, hindi na dapat ako babalik.”

Si Melissa ay produkto ng ABS-CBN artista search na Star Circle Quest noong 2004.

Bago ang kanyang pagbabalik sa 24/7, ang huling teleserye na ginawa niya ay ang Honesto noong 2013 at ang huli niya namang TV appearance ay sa Ipaglaban Mo noong 2015.

Ang 24/7 din ang comeback project ni Julia pagkatapos ng halos dalawang taon.

Ayon kay Melissa, kapag off-cam sila sa location, napag-uusapan nila ni Julia ang kani-kanilang mga personal na buhay.

Napag-usapan din kaya nila ang tungkol sa balitang may anak na si Julia kay Coco Martin?

Tugon ni Melissa, “Hindi ako nangingialam sa mga ganyang issue.

Continue reading below ↓

"Kung totoo man o hindi, what is that to us, di ba?"

April 8, 2019 nang iulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang isinilang ni Julia ang anak nila ni Coco.

Ayon pa sa balita, nanganak si Julia noong huling bahagi ng Marso 2019 sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Ngunit hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig nina Julia at Coco ukol dito.

JUST A BREAK FROM SHOWBIZ

Tungkol naman sa pansamantalang paglisan ni Julia sa showbiz, sinabi ni Melissa na nagpahinga lamang daw ang kaibigan dahil sa sunud-sunod na proyektong ginawa nito.

Aniya, “She took a break. She deserves the long break.

“Siyempre, after Walang Hanggan [2012], sunud-sunod din yung mga project niya.

“Wala siyang pahinga. She deserves going to Germany and visiting her dad.”

Napagkuwentuhan din ba nila ang tungkol sa diumano’y relasyon ni Julia kay Coco?

“Siya siguro tanungin niyo, hindi ako.

Continue reading below ↓

"Kayo o, hinuhuli niyo ako, ha. Bakit ako?” natatawang pag-iwas ni Melissa.

Sagot ng PEP.ph, dahil magkaibigan sila ni Julia.

Saad ni Melissa, “Siyempre, lahat naman tayo, friend ni Coco at ni Julia.

"But, you know, hindi ko na ano yun, siyempre, kung ano man ang sa kanila.”

Nakausap ng PEP.ph at isa pang online news writer si Melissa sa grand opening ng Hazelberry (A Taste of Love) ni Ara Mina noong March 8, 2020.

Isa si Melissa sa naimbitahan ni Ara na mag-cut ng ribbon sa ika-apat na branch ng kanyang pastry shop/restaurant na matatagpuan sa Molito Lifestyle Center, Alabang, Muntinlupa City.

Continue reading below ↓

SHOWBIZ COMEBACK

Halos limang taong hindi tumanggap ng trabaho sa showbiz si Melissa. Bakit niya ito ginawa?

Paliwanag ng aktres, “Wala lang. Gusto ko lang yung parang regular life.

“Na-appreciate ko lang yung... kasi napagdaanan na natin yung showbiz, di ba?

“So, yung parang normal life, na-appreciate ko.

"Kasi, ever since 14 years old ako, nasa taping na ako.

“So, parang na-enjoy ko lang siya.

“Nung nalaman ko lang na... kasi usually kunyari MMK or mga guesting, hindi po talaga ako pumapayag, kahit na mga morning show or kung anuman.

“Kasi, para na akong may anxiety, para na akong ninenerbiyos masyado.

“Oo, may na-develop akong parang ganun.

“Para akong magpa-panic attack, yung naiiyak ako sa kaba pag maraming tao, pag maraming kamera.

“Parang nakakalimutan ko yung lines ko.”

Paano niya ito nilalabanan?

“Kailangan lang, laban ka lang.

“Huwag kang pa-consume sa kaba mo o sa takot mo.

“Saka yung mga friends ko naman, nandun, suwerte nga.

Continue reading below ↓

“Yung sinabi kasi sa akin yung project na ‘to, dapat hindi.

"Pero nung sinabi sa akin si Julia ang bida, so sabi ko, 'Susuporta din ako kay Julia.'

"At andiyan yung mga friends ko, sina Matt Evans, sila Joross [Gamboa], sila Joem [Bascon]—as in, sobrang okay yung cast.

“Tsaka yung direktor ko, si Direk Manny Palo, na parang director ko ng five soaps ko, so parang kampante na rin ako.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melissa Ricks explains absence from showbiz for almost five years: "Kasi napagdaanan na natin yung showbiz, di ba? So, yung parang normal life, na-appreciate ko. Kasi, ever since 14 years old ako, nasa taping na ako. So, parang na-enjoy ko lang siya."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results