Sunshine Cruz no more interviews about boyfriend Macky Mathay

by Arniel C. Serato
Mar 13, 2020
Macky Mathay and Kapamilya actress Sunshine Cruz are no longer comfortable talking about their relationship in public.
PHOTO/S: Arniel Serato

Hindi na sinasagot ni Sunshine Cruz, 42, ang mga tanong tungkol sa kanyang love life at boyfriend na si Macky Mathay III, 40.

Kahit madalas silang makita ng publiko na magkasama, umiiwas na ang Love Thy Woman actress na magbigay ng detalye tungkol sa kanilang relasyon.

Nitong March 8, sa grand opening ng Hazelberry (A Taste of Love) ni Ara Mina, half-sister ni Macky, hindi na nagpaunlak ng panayam si Sunshine tungkol sa nobyo.

Pero, wala namang problema sa dalawa na makuhaan ng litrato.

Continue reading below ↓

Dumating din ang ama nina Macky at Ara na si former Quezon City Congressman Chuck Mathay.

Magiliw rin silang nagpakuha ng litrato na magkasama.

Continue reading below ↓

Nagkakilala sina Sunshine at Macky sa pamamagitan ng Instagram.

Sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) unang inamin ni Macky ang relasyon nila ni Sunshine noong October 2016.

Mag-aapat na taon na ang relasyon ng dalawa.

Annulled na ang kasal ni Sunshine sa dating asawa na si Cesar Montano, pero hindi pa annulled ang kasal ni Macky sa asawang si Camille Fariñas.

BASHERS BECAUSE OF TIKTOK

Kamakailan lamang ay nauso sa celebrities ang TikTok, isang cellphone lip sync app kung saan maaaring sumayaw, mag-drama, umiyak, at kumanta ang user nito.

2017 pa inilabas ang nasabing app mula sa China, ngunit ngayong 2020 lamang ito sobrang kinagigiliwan.

Isa si Sunshine sa mga nahuhumaling dito. Pero may mga nang-bash daw sa kanya.

Continue reading below ↓

Saad ni Sunshine, “Uy, pati ba naman pag-TikTok ko.

“Ewan ko, may mga... apparently, galing sa mga anak ko, triggered daw.

“Whatever it is, come on, it is not illegal for us titas or mommies na mag-TikTok.

“Ang dami nga diyan, mas matanda pa sa akin.

“And I’m just having fun with my kids.

“Hindi lang naman solo akong nag-TikTok. At kahit solo pa ako, I don’t think na may masama sa ginagawa ko.

“Hayaan niyo po ako, kung hindi niyo ako papanoorin, hindi ko po kayo pinipilit.

“Yun lang, but let me be have fun with my children.

“Nag-e-enjoy lang po kami ng mga anak ko.

"Pag nasa bahay, siyempre nagti-TikTok sila and, ‘Ako nga rin, sali nga ako diyan.’

“And I do it with them.

"Marami pa po akong gagawin with Angelina, wala pa, with my cousins, with Geneva [Cruz], plano rin namin.

“With Macky, abangan niyo, kung ayaw niyo abangan, okay lang po sa akin.”

Continue reading below ↓

Bakit kaya "nababaliw" ang celebrities sa TikTok?

Sagot ni Sunshine, “Nakakawala ng stress.

"Parang ako, feeling ko, and at the same time, nakakapagod din.

“So, parang nagwu-workout ka na rin.

“Like, si Sherilyn Reyes, ang workout niya isang araw ay puro TikTok lang siya.

“Nakikita ko rin yung ibang celebrity friends ko are doing it.

Continue reading below ↓

“So, let us be, wala naman kaming sinasaktang tao by doing that.”

Hindi kaya na-insecure lang sa kanya ang ibang millennials?

Tugon niya, “Naku, huwag naman, wala namang nakalagay sa TikTok na for millennials only, e.

“I’m not forcing anyone naman to watch my TikTok.

“Enjoy lang, let’s just have fun. Positive lang.

"Maging masaya lang tayo sa buhay."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Macky Mathay and Kapamilya actress Sunshine Cruz are no longer comfortable talking about their relationship in public.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results