Diego Gutierrez, only son of Lotlot and Monching, finally joins showbiz

by Rose Garcia
Mar 13, 2020
Diego Gutierrez on his parents' advice about entering show business: “They just tell me to be ready with any opportunity that will come. Of course, before I made this decision, nakausap ko rin sila at sinabi rin nila na magandang opportunity yun para sa akin.”
PHOTO/S: Rose Garcia

Noon pa man, marami na ang humihikayat kay Diego Gutierrez, nag-iisang anak na lalaki nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon, na pasukin na rin ang showbiz gaya ng kanyang ate na si Janine Gutierrez.

Si Diego, 23, ay galing sa dalawang showbiz clans.

Ang kanyang ama ay anak ng Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales at ng veteran actor na si Eddie Gutierrez.

Ang kanyang ina ay anak ng mga premyadong artista na sina Nora Aunor at Christopher de Leon.

Bagamat parehong galing sa showbiz families ang kanyang mga magulang, basketball talaga ang hilig ni Diego.

Ngunit nagbago ang isip ni Diego, at pumirma ng five-year managerial contract sa LVD Management ni Leo Dominguez, noong March 10, sa Frazzled Cook, Tomas Morato, Quezon City.

Kabilang sa mga artistang hinahawakan ni LVD ay sina Ogie Alcasid, Lovi Poe, Paulo Avelino, Solenn Heussaff, JC de Vera, Albie Casino, at ang Ate Janine niya.

Continue reading below ↓

Paano ba napapayag si Diego?

“Ang plano po talaga ni Tito Leo is to get endorsements, commercials, and maybe hosting, but not really acting, yet,” pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling reporters.

Aminado si Diego na hindi pa niya nakikita ang sarili na umaarte.

“I love watching TV, I love movies, pero hindi ko pa nadi-discover kung may talent ako dun.”

Di ba’t kilala ang kanyang mga magulang bilang mahuhusay na artista?

“Sila po yun!” natawang sabi niya.

“Medyo akward yung napi-feel ko, hindi po ako kumportable masyado.

“Maybe in the future. Mag-start muna sa maliliit na roles.

“Pero as of now po talaga, hindi po muna po talaga.”

Kung wala pang kumpiyansa si Diego sa pag-arte, sa pagkanta raw ay okay siya.

“Yun po talaga ang meron akong confidence na gawin.

“Ever since, mahilig po talaga ko sa music. Mahilig po kami na family.

Continue reading below ↓

“Sa kotse, nagbi-videoke kami. After basketball, music po.”

Ang genre raw niya ay pop at RnB.

LOTLOT AND MONCHING TOGETHER

Kasama ni Diego sa contract signing ang kanyang mga magulang na sina Lotlot at Monching.

Ang gandang tingnan na magkasundo at buo ang suporta sa kanya ng mga magulang kahit may kanya-kanya na itong mga buhay.

Continue reading below ↓

Kasama rin ni Lotlot sa contract signing ni Diego ang mister na si Fadi El Soury.

Ano ang payo sa kanya ng mga magulang?

“They just tell me to be ready with any opportunity that will come.

“Of course, before I made this decision, nakausap ko rin sila at sinabi rin nila na magandang opportunity yun para sa akin.”

Nang ma-realize daw niyang may oportunidad siya sa showbiz kumpara sa iba, nagdesisyon siyang pasukin na rin ito.

“Suddenly, I had the realization,” pakli ni Diego.

Suportado din daw ni Janine ang desisyon niya.

“Sabi niya, ‘Go lang.’

“And like what I’ve said a while ago, support lang naman nila ako sa kahit anong desisyon na ginagawa ko.”

JANINE’S BOYFRIEND

Dahil basketball ang talagang passion ni Diego, madalas niyang nakakalaro ang boyfriend ni Janine na si Rayver Cruz.

Hindi ba nakakailang na kalaro ang boyfriend ng kapatid, lalo na’t di maiiwasang magkabalyahan minsan?

Continue reading below ↓

“Hindi, kasama yun,” nakangiting sabi ni Diego.

“Pero usually, magkakampi nga kami.”

Kumusta si Rayver bilang boyfriend ni Janine?

“Okay naman, sobrang bait niya. Masasabi ko na close kami.”

Okay sa kanya na ito na ang makatuluyan ni Janine?

“Okay sa akin, pero at the end of the day, hindi ko naman desisyon yun. Desisyon niya.

“Pero, I’ll be happy,” sagot ni Diego.

Mabilis na “opo, pinaka,” ang sagot ni Diego nang tanungin ng PEP.ph kung sa mga naging boyfriend ng ate niya, kay Rayver siya naging close.

DIEGO’S NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND

Tatlong taon na ang relasyon ni Diego sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Bea San Jose.

Continue reading below ↓

Kahit lumaki sa showbiz, never pa raw siyang nanligaw ng artista.

“Wala po, kasi hindi naman din po talaga kami exposed sa showbiz.”

Suportado rin daw ng girlfriend ang pagpasok ni Diego sa showbiz.

“She’s so supportive and excited po siya.”

Consistent naman si Diego na ang showbiz crush niya ay si Solenn Heussaff. At ngayon ay pareho na sila ng management.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Gutierrez on his parents' advice about entering show business: “They just tell me to be ready with any opportunity that will come. Of course, before I made this decision, nakausap ko rin sila at sinabi rin nila na magandang opportunity yun para sa akin.”
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results