Daryl Ong opens up about relationship with girlfriend Dea Formilleza, two sons

by Julie E. Bonifacio
Mar 14, 2020
Daryl Ong on settling down with longtime girlfriend Dea Formilleza: "Ako naman, ready, gusto ko na. Ready na ako. Pero siya, may gusto pa siyang patunayan sa sarili niya."
PHOTO/S: Julie Bonifacio / Instagram

Apat na taon na ang relasyon ng singer na si Daryl Ong sa singer din at dating Kapuso artist na si Dea Formilleza.

May plano na ba silang mag-settle down?

Tugon ni Daryl, “Kasal? Hindi pa. Work muna.

“At saka siya rin kasi, gusto pa niya… actually, gusto niyang mag-flight attendant.

“Kaya lang, nagkaroon ng coronavirus. Ang daming hindi makapag-travel.

“Pero siya, gusto pa niyang ano... actually, naka-sign din siya kina Ate Kate [Valenzuela] sa Kreativeden.

“Tsaka alam ko parang mag-aartista siya ulit. Pero, let’s see.”

Ilang taon pa kaya bago niya yayain ng kasal si Dea?

“Siguro, two years from now? Oo, two years,” positibong sagot ni Daryl.

“Pero depende kapag na-busy na rin siya sa work.

“Uh, ano, siguro depende po. Siguro mga… two years from now?

“Kasi, magti-thirty-three na ako etong March.

“E, siya naman, bata pa siya, 26 siya.

“Tsaka ako naman, ready, gusto ko na. Ready na ako.

Continue reading below ↓

“Pero siya, may gusto pa siyang patunayan sa sarili niya.

“Magkaroon ng talagang… ma-experience niya na magkaroon din siya ng stable na career.

“Kasi ano rin, e, somehow, hindi naman totally breadwinner.

“Pero nag-a-assist din siya sa family niya sa probinsiya.

“Taga-Compostela Valley ang province nila. Nandoon ang parents niya.”

Si Dea ay sumali sa Idol Philippines ng ABS-CBN 2019. Pumasa siya sa audition pero maaga siyang na-eliminate.

Continue reading below ↓

DARYL ONG IS READY TO SETTLE DOWN

Ready na ba siya financially, emotionally, and mentally?

“Financially, puwede na. Mentally, may toyo!” natatawa niyang sagot.

“Hindi, joke lang.

“Tingin ko naman, ready na.

“Kasi, marami na rin akong pinagdaanang relationships.

“Hindi naman lihim na dati kasal ako, di ba?

“So, okey na rin naman.”

Si Dea na ba ang “the one” para sa kanya?

“Oo, kasi never naman akong naging papalit-palit ng girlfriend, na seryoso.

“Pag hindi seryoso, yun, sandali lang. Hahaha!”

DARYL’S SONS from two mothers

Nakilala na ba ni Dea ang dalawang anak na lalaki ni Daryl mula sa magkaibang ina?

Ayon kay Daryl, “Nakilala na niya. Na-meet na niya yung mas bata na anak ko.

“Ang hindi pa niya nami-meet, yung nasa States.

“Pero yung dito, yung three years old, nalalabas namin.

“Pinapahiram naman. Maayos yung relasyon namin nung ina ng pangalawang anak ko.

“Dalawa kasi ang panganay na anak ko.

Continue reading below ↓

“Yung una sa ex-wife ko. Tapos, doon sa ex-girlfriend ko.

“Magtu-12 na yun, e, yung sa ex-wife ko.

“Actually, excited ako dahil etong isa, nasa Grade Three.

“Parehong lalaki po.”

May sign bang may susunod sa yapak niya among his sons?

“Pogi, e. Hindi nagmana sa akin.

“Yung boses? Yung panganay… ay, dalawa nga pala sila!” natatawang pahayag ni Daryl.

Patuloy niya, “Yung nasa States, mahilig mag-drums saka ano, mahilig mag-video edit.

“E, ako, pangarap ko rin po talaga na magkaroon ng anak na direktor.

“Kasi ano rin ako, e, mahilig akong manood ng music video.

“Ma-opinyon din ako.

“So, sabi ko, sana magkaroon ako ng anak na nagdidirek, indie or yung mainstream.

“Saka excited po ako kasi may show kami ni Bugoy [Drilon], ni Waki [Kiray], ni Negi.

“Repeat din nung dati naming concert.

“So, makikita ko ulit yung anak ko sa States, etong April.”

Pero okey rin kay Daryl kung mas gusto ng anak niya sa kanyang ex-wife na bumalik ng Pilipinas at pasukin ang showbiz.

Continue reading below ↓

“Anytime, welcome siya dito. Nami-miss ko nga siya.

“E, kasi dati, hindi kami okey ng mom noon. E, ngayon, okey na kami.

“Lumaki po yun, kasama ko siya hanggang five years old.

“Nung five na siya, naghiwalay na kami ng mama niya. Nag-States na sila.

“Parang, three years after bago ko siya ulit nakita.

“Eight years old na siya nung nakita ko siya dahil isinama ako ni Vice sa US din, show din.

“‘Tapos na-maintain na yung communication namin.”

POSTPONED CONCERT

Apektado ang maraming kaganapan sa showbiz dahil sa nadadagdagang bilang ng mga Pinoy na mayroong COVID-19.

Isa sa mga kinansela ay ang concert nina Daryl, Bugoy Drilon, at Michael Pangilinan, ang BUDAKHEL LIVE: The Best of the '90s, na gaganapin sana sa New Performing Arts Theater sa Resorts World, Pasay City, sa Marso 20.

Nagpahayag ng kanyang saloobin si Daryl sa pansamantalang pagkansela ng concert nila.

“Oo, kasi excited talaga kami, at ready naman kami. Kaya todo kami mag-promote.

Continue reading below ↓

“Pero siyempre, safety first para sa lahat,” sabi ng singer.

First time magsama-sama nina Daryl, Bugoy, at Michael sa isang major concert.

“Although, marami na kaming collaboration [sa social media], mga out-of-town shows. Pero yung concert po talaga, ngayon pa lang.

“Saka, pag YouTube po kasi, walang masyadong ano… kumbaga, naka-set na yun.

“Eto, maganda siyempre, kasi may interaksiyon sa tao, sa mga manonood.

“Nagtatanung-tanong na rin kami sa fans namin, ano bang gusto nilang kantahin namin sa concert.

“Para siyempre, kasi sila yung manonood sa concert namin.

“Maganda na yung lineup namin, talagang ine-expect ng mga tao na marinig.”

Bago ang BUDAKHEL, nauna nang nag-concert na magkasama sina Daryl at Bugoy sa Resorts World.

Bakit hindi nila isinama si Michael sa nauna nilang concert ni Bugoy?

“Uhm, repeat talaga siya supposed to be.

“Last time kasi, hindi nagtugma yung schedule ni Michael para doon sa concert. Kaya kami lang muna ni Bugoy.

Continue reading below ↓

“Now, may mga ilang kanta kami ni Bugs na ire-retain.

“Pero may papalitan din kami. Kais napansin namin na konti yung OPM.

“So, mas maganda na mas maraming OPM this time.

“And at the same time, si Khel siyempre, may iba siyang lineup.

“May mga prod na dati kaming dalawa lang ni Bugs, ngayon isasama na si Khel syempre.

“So, very interesting din kung ano yung mangyayari sa hatian [ng songs].”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daryl Ong on settling down with longtime girlfriend Dea Formilleza: "Ako naman, ready, gusto ko na. Ready na ako. Pero siya, may gusto pa siyang patunayan sa sarili niya."
PHOTO/S: Julie Bonifacio / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results