Social distancing in PUVs, trains given COVID-19 dangers

by Jet Hitosis
Mar 14, 2020
Passengers inside a Philippine National Railways train this Saturday, March 14, following the Department of Transportation's implementation of social distancing in all public transportation in Metro Manila in the time of COVID-19.
PHOTO/S: Arniel Serato

Lilimitahan na ng Land Transportation Office (LTO) ang bilang ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan para sa social distancing kontra COVID-19.

Ipatutupad ang social distancing sa mga public transportation sa buong isang-buwang nasa community quarantine ang Metro Manila.

March 12 nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang community quarantine sa buong Metro Manila.

Ipatutupad ito simula bukas, Linggo, March 15, hanggang sa April 14.

Sa press conference ng LTO ngayong Sabado, March 14, inilatag ng ahensiya ang mga limitasyon sa maaaring isakay ng iba’t ibang pampublikong sasakyan sa bansa.

Sinabi ni LTO Chief Edgar Galvante na bagamat tiyak na magdudulot ng perhuwisyo sa mga pasahero ang ipatutupad na social distancing, layunin nitong mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pampublikong sasakyan.

ONE SEAT APART

Para sa mga taxi at Transportation Network Vehicle Service (TNVS), tulad ng Grab, dapat na apat lang ang pasahero nito, kasama ang driver.

Ayon pa sa LTO chief, dapat din na may one seat apart ang bawat pasahero.

Continue reading below ↓

Ipagbabawal na ang multiple bookings sa mga TNVS, gaya ng GrabShare.

Nauna rito, kusa nang sinuspinde ng Grab ngayong linggo ang GrabShare service nito.

Sa mga UV Express, hindi dapat lalampas sa anim ang sakay, kasama ang driver. At muli, kailangang may one seat apart na distansiya, ayon sa LTO.

One seat apart din sa mga bus, na dapat ay hindi hihigit sa 25 ang pasahero, kabilang ang driver at konduktor.

Bawal na muna ang mga nakatayong pasahero sa loob ng bus.

Mga bus na biyaheng probinsiya, gayundin ang mga interregional trips ng mga public utility jeepneys (PUJs) at UV Express papasok at palabas ng Metro Manila, ay hindi papayagan sa border points.

Liban na lamang kung ang mga sakay ay may kaukulang company identification cards o certificate of employment (COE) na maipapakita sa border checkpoints.

Ang mga ito ang magpapatunay na kailangan nilang maglabas-masok sa Metro Manila para sa trabaho.

Continue reading below ↓

Para sa mga jeepney, dapat na kalahati lang ng capacity ng sasakyan ang isasakay ng tsuper, kasama siya, at may distansiya rin ang bawat pasahero.

Papayagan namang mag-operate ang mga P2P buses (papunta at pabalik ng Ninoy Aquino International Airport at Clark International Airport), alinsunod sa protocols ng Department of Health (DOH) at Philippine National Police (PNP).

ONE-METER SOCIAL DISTANCING IN TRAINS

Binawasan din maging ang mga pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2, Metro Rail Transit (MRT), at Philippine National Railways (PNR).

Ito ay “to reduce the concentration of passengers per train,” ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ang LTO ay ahensiyang nasa ilalim ng DOTr .

Simula pa lang sa platform pagpasok sa train station, magpapatupad na ng isang metrong distansiya sa bawat pasahero.

Dahil dito, lilimitahan na lang sa 25 percent ang mga pasahero sa mga istasyon at sa mismong loob ng tren.

Kaugnay nito, humiling ng pang-unawa ang DOTr sa mas mahabang oras ng pagpila sa mga mass transit dahil sa ipinatutupad na social distancing.

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng kagawaran, ang bagon para sa mga senior citizen at kababaihan “will be further separated,” dahil maglalaan ng hiwalay na subsection para sa matatanda.

Malaki ang posibilidad na palawigin ng kagawaran ang oras ng operating hours ng LRT 1 at 2, MRT, at PNR upang maisakay ang lahat ng pasahero.

Sinuspinde naman ng PNR ang mga operasyon nito sa Alabang at Calamba habang nasa isang-buwang community quarantine ang Metro Manila.

98 CONFIRMED PH CASES, 8 DEATHS

Sa latest update ng DOH ngayong Sabado ng hapon, kinumpirma nito ang karagdagang 34 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, may kabuuang 98 na ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Walo sa bilang na ito ang namatay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Passengers inside a Philippine National Railways train this Saturday, March 14, following the Department of Transportation's implementation of social distancing in all public transportation in Metro Manila in the time of COVID-19.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results