Angelika dela Cruz cannot care if people misinterpret her now as "suplada"

by Rose Garcia
Mar 15, 2020
Angelika dela Cruz has no problem if people find her "suplada" nowadays because she does not shake hands with other people or give out "beso" greetings.
PHOTO/S: Instagram

Pahinga muna ngayon ang showbiz.

Pero ang Kapuso actress na si Angelika dela Cruz, na isa ring public servant, tuluy-tuloy ang serbisyo bilang kapitana.

Nasa ikalawang termino na si Angelika bilang Barangay Chairwoman ng Longos, Malabon. At sa mga ganitong sitwasyon, hindi naman daw sila puwedeng basta mag-shutdown ng serbisyo sa barangay.

Sabi nga niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono: “O.A.” na pag-iingat na lang ang ginagawa nilang lahat.

“Siyempre, the usual, yung temperature check.

"Kailangan yung mga darating sa barangay, naka-mask. Kailangan bago pumasok pa lang ng gate, naka-alcohol.

"Bago pumasok ng mismong building, alcohol ulit.

“Lahat ng events, canceled siyempre. Wala kaming SOBA, wala kaming mga seminars.

"Siyempre, ang hindi mo lang puwedeng alisin, yung health center, lalo na ngayon."

Kung may SONA o State Of the Nation Address ang Presidente ng bansa, may SOBA, o State Of the Barangay Address, si Angelika.

Hindi nga nila nagagawa ito ngayon dahil sa COVID-19 scare.

Continue reading below ↓

Nag-disinfect daw sila ng buong barangay ngayong weekend.

Wala na rin daw pasok ang mga eskuwelahan, pero sila sa barangay, tuluy-tuloy lang.

“Kailangan, e, kami ang frontline. Kailangan kami dun.”

being careful

Personal pa rin daw pumupunta si Angelika sa barangay.

Ang kaibahan lang ngayon, dahil sa COVID-19, hindi raw siya kumakamay sa tao.

“Hindi ako kumakamay ngayon sa tao. Kapag may kakamay, sinasabi ko na, 'Saka na po, kapag wala nang coronavirus.'”

Yung ibang artista, naiilang pa rin na hindi magpabeso o iabot ang kamay kapag may gustong bumati. Lalo na't baka isiping nagsusuplada.

Sa ginagawa ngayon ni Angelika na di pakikipagkamay at di pagbeso, hindi ba siya nag-aalalang ma-misinterpret na suplada?

“Ay, wala akong kebs kahit na ma-misinterpret ako!" sagot ni Angelika.

“Wala tayo sa sitwasyon para intindihin pa kung ano ang sasabihin ng ibang tao.

"Kaya lang kasi, ako, mapagbiro ako. Kaya kong sabihin na, 'Oops, bawal, corona!'

Continue reading below ↓

"Tapos, natatawa na lang sila. E, kasi nako-comedy ko naman."

Kuwento pa ni Angelika, “Dati kapag nag-a-alcohol daw, maarte. E, ngayon, hawak ko yung alcohol, kebs.

"Nagbibiro pa nga ako ng, 'Huwag kayong lalapit, spray-an ko kayo ng alcohol. Ayaw ng corona.”

Ang nakikita raw niyang pinakamalaking epekto ngayon ng COVID-19 ay ang pagpa-panic ng lahat.

“Ako, yun ang wino-worry ko, nagpa-panic ang mga tao. Nagpa-panic buying, nagpa-panic lahat.

“Ang nakatatakot, actually, nagpa-panic yung mga tao.”

Pero hindi ba nakakadama ng takot si Angelika sa coronavirus?

“Oo, siyempre lalo na kung magulang ka.

"Although, sabi naman, yung corona, hindi masyado ang effect sa mga bata."

Kung may mensahe man siya sa lahat sa gitna ng sitwasyon ngayon, ano ang gusto niyang sabihin?

“Yun nga, huwag tayong mag-panic.

"Sundin natin ang mga sinasabi ng mga eksperto at ng gobyerno na mag-face mask. Sundin natin ang lockdown.

“Huwag muna tayong um-attend sa mga events. Huwag muna tayong makihalubilo sa mga tao.

Continue reading below ↓

"No contact muna sa ibang tao. No shakehands, no beso.

"Kung ano ang sinasabi lagi, maghugas ng kamay, magbaon ng alcohol.

“Lahat ng sinasabi, sundin natin. Wala namang mawawala kung susunod tayo.”

Dagdag pa ni Angelika, “Kailangan din na mag-hydrate tayo. Mag-exercise. Huwag masyadong magpuyat.”

TAPING AND EVENTS, ON HOLD

Ang regular show ngayon ni Angelika ay weekly comedy series na Daddy’s Gurl. Pero, nag-cancel na rin daw ng taping sa buong March.

“Buong March, walang taping. Pero, nag-taping pa kami nitong Thursday.

"Hindi pa sila nagbibigay ng advice for April.

"Siguro, tinitingnan-tingnan pa kung ano ang mangyayari sa atin."

Gayundin ang negosyo nilang Dream Stage Lights and Audio services na pinamamahalaan ng mister niya na si Orion Casareo, nag-cancel na rin daw ng events.

“Na-cancel na rin lahat ng mga big events namin kaya talagang bahay lang kami. Ako, barangay, ganun lang," sabi ni Angelika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelika dela Cruz has no problem if people find her "suplada" nowadays because she does not shake hands with other people or give out "beso" greetings.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results