Metro Manila curfew during lockdown to be finalized by LGUs

by Rachelle Siazon
Mar 15, 2020
MMDA General Manager Jojo Garcia: "The legal basis for the curfew are the ordinances and the mayors agreed to issue these on Monday (March 16, 2020)."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Nakadepende sa local government units (LGUs) ang final announcement tungkol sa ipatutupad na curfew sa Metro Manila.

Kahapon, March 14, unang inanunsiyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na magpapataw ito ng curfew mula 8 p.m. hanggang 5 a.m.

Sisimulan daw ito mula March 15 hanggang April 14—ang period kung kailan ipatutupad ang "community quarantine" o "lockdown" sa Metro Manila.

Ang lockdown ay ang napiling social distancing measure ng gobyerno upang pigilan ang paglaganap ng coronavirus disease o COVID-19.

Ipinagbabawal ang land, domestic air, at domestic sea travel papasok at palabas ng Metro Manila, maliban sa ilang exemptions tulad ng work-related reasons.

Pero sa kaso ng curfew, hindi pa ito pormal na ipinatutupad hangga't wala pang ipinasang resolusyon o ordinansa ang bawat mayor sa cities o LGUs ng Metro Manila.

Ang paglilinaw na ito ay sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia sa isang presscon kahapon, March 14.

Sa Lunes, March 16, inaasahang mapasa ang mga ordinansa sa bawat LGU.

Continue reading below ↓

"The legal basis for the curfew are the ordinances and the mayors agreed to issue these on Monday. So Monday ito."

Nagkasundo naman daw ang mga alkalde ng Metro Manila na 8 p.m. hanggang 5 a.m. ang ipapataw na curfeew simula March 15.

Siniguro rin ni Garcia na ang ipinagbabawal sa curfew ay "yung mga gumigimik lang, kung saan-saan nagpupunta, nakikibarkada, nakiki-party."

Exempted naman daw sa curfew ang work-related activities.

Dagdag niya, hindi aresto kundi verbal warning ang nirekomendang pagsuheto sa mga makikitang hindi susunod sa curfew.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMDA General Manager Jojo Garcia: "The legal basis for the curfew are the ordinances and the mayors agreed to issue these on Monday (March 16, 2020)."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results