DOLE to shoulder payments to all regular employees with consumed leave credits

by Arniel C. Serato
Mar 15, 2020
DOLE Secretary Silvestre Bello III lays out plans for private/regular employees and contractual workers who will be needing financial assistance during the month-long, Metro Manila-wide community quarantine.
PHOTO/S: Arniel Serato

Sasagutin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang bayad sa private employees na pinagli-leave ng kumpanya para sundin ang community quarantine ng gobyerno.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito raw ay kapag ubos na ang leave credits ng pribadong empleyado na sumailalim sa quarantine leave.

Video: ABS-CBN News.

Saad ni Secretary Bello sa panayam sa kanya ng DZMM ngayong umaga, March 15: “Opo, opo, kung anong suweldo nila.

“Basta yung mga may leave credits, entitled sila diyan, so they will be covered.

"So, yung mga walang ano, hindi regular employees, hindi po sila covered.”

Anong papeles ang kailangang ayusin ng mga empleyado?

Sagot nito, “Yung ano lang, kailangan lang yung memorandum from the employer na mag-quarantine leave.

"And then they will certify na wala na silang leave credits.

“So, it will now be the Department of Labor who will subsidize.

“Actually, ang subsidy dito ay mapupunta sa employer, who will use the subsidy to pay the employees.”

Continue reading below ↓

Nilinaw ni Bello na ang sasagutin ng DOLE ay yung mga araw na naka-leave ang empleyado na wala nang leave credits.

Halimbawa, kung may natitira pa siyang limang leave credits at ang quarantine leave ay 14 araw, ang siyam na araw lamang ang babayaran ng DOLE.

EMERGENCY EMPLOYMENT PROGRAM

Para naman sa hindi regular employee—o yung arawan o kaya ay "no work-no pay" na mga manggagawa—may nakahanda raw na tulong sa kanila ang DOLE.

Sabi pa rin ni Secretary Bello sa radyo: “Ibang programa naman ang ma-extend ng DOLE.

“Ito naman ay ibibigay namin yung Emergency Employment Program.

“Meaning, we will ask them to work, kaya lang ang ibibigay naming bayad ay minimum wage.”

Paano makaka-avail nito ang mga tao?

Tugon niya: “Pumunta ka lang sa DOLE at [sasabihin mong] nawalan ka ng trabaho dahil sa suspension of work, so bibigyan ka namin ng trabaho.

“Maraming maapektuhan niyan.

"Meron kaming nakalaang budget for that, sa emergency employment program.”

Continue reading below ↓

Sa mga interesado raw, lumapit lamang sa mga DOLE regional offices nila.

Hindi na rin daw bago ito sa kanila dahil ito ang ginamit nilang kaparaanan noong isinailalim ang Boracay sa anim na buwang rehabilitasyon.

Pahayag ni Bello: “Just to remind you, just to give you an example.

"Na-remember niyo yung sinara ang Boracay for six months?

“So lahat ng empleyado ng hotel, lahat ng empleyado ng restaurant, nawalan sila ng trabaho ng six months—kami ngayon ang nagpatrabaho sa kanila for six months.

“Kami ang nagbayad sa kanila for six months.”

Kasalukuyang isang buwang naka-community quarantine ngayon ang Metro Manila dahil sa pandemic na hatid ng COVID-19.

May 111 positive cases na ang bansa, at walo sa mga ito ay pumanaw na.

May tatlo namang gumaling na sa nasabing sakit.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DOLE Secretary Silvestre Bello III lays out plans for private/regular employees and contractual workers who will be needing financial assistance during the month-long, Metro Manila-wide community quarantine.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results