Cebu, Davao, Bohol impose domestic air travel restrictions

by Rachelle Siazon
Mar 15, 2020
Cebu bans entry of domestic air passengers from select provinces amid virus outbreak.
PHOTO/S: @yellowpulp Instagram

Pansamantalang may ban ang Cebu sa pagpasok ng domestic passengers ng mga eroplanong galing sa piling mga probinsiya.

Hindi raw papayagang pumasok sa Cebu ang domestic flights mula sa Clark International Airport, Legazpi City, Cagayan de Oro, at Dumaguete City.

Base ito sa pinirmahang executive order ni Gwendolyn Garcia, governor ng Cebu.

Nakapaloob dito ang pagdeklara ng World Health Organization (WHO), noong March 10, na "pandemic," o kumakalat na sa buong mundo, ang novel coronavirus disease o COVID-19.

Makalipas ang dalawang araw, noong March 12, nagkasundo ang Philippine Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases na magpatupad ng ilang protocols para pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Napagkayarian ito ng Department of Health (DOH), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Justice (DOJ), Department of Tourism (DOT), Department of Transportation (DOTr), at Department of Information and Communications Technology (DICT).

Una nga rito ang pagsailalim ng Metro Manila sa community quarantine o lockdown mula March 15 hanggang April 14.

Continue reading below ↓

Dagdag ng executive order sa Cebu: "Whereas, there is a necessity to support efforts of Metro Manila in order to further suppress the spread of the COVID-19;

"Whereas, as of March 14, 2020, there have been ninety-eight (98) confirmed cases of the COVID-2019 in the Philippines."

Therefore raw, ipatutupad sa Cebu ang pag-ban sa pagpasok ng domestic flights mula sa mga nabanggit na probinsya sa loob ng 30 araw.

Epektibo raw ito simula nitong Sabado, March 14, hanggang April 12.

DAVAO TRAVEL RESTRICTIONS

Naglabas na rin ng executive order si Davao City Mayor Sara "Inday Sara" Duterte na nagbabawal sa pagpasok ng lahat ng domestic flights mula sa Clark Pampanga.

Ito ay dahil sa napag-alaman raw niyang may ilan pa ring residente ng Metro Manila ang lumilipad pa-Davao via Clark, sa kabila ng lockdown na ipinatupad sa Metro Manila.

Sa hiwalay na Instagram post ni Mayor Duterte ngayong Linggo, March 15, umapela siya, na may kasamang pagbabanta, sa mga mayor ng mga karatig-probinsya.

Continue reading below ↓

1) "I am asking Mayors of other LGUs na kapitbahay namin gumawa na kayo ng PUI [persons under investigation] quarantine area ninyo.

"Otherwise, I will close Davao City and you will have no access to hospitals and other essential services.

"Nagsasakripisyo na ang Davao City ng walang lockdown para sa inyo, gumawa naman kayo ng action.

"2) Doctors want to contain everything in Metro Manila, and yet Manila passengers are allowed to fly out of Clark to Davao City. Please rethink what you are doing."

Continue reading below ↓

BOHOL

Sa Bohol, ipinagbabawal naman ang domestic at international travel mula March 16 to March 20.

Ang mga biyahe sa himpapawid at sa dagat ay sakop ng ban.

At press time ay wala pa umanong kaso ng COVID-19 sa Bohol.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cebu bans entry of domestic air passengers from select provinces amid virus outbreak.
PHOTO/S: @yellowpulp Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results