Male bus passenger going from Manila to Lucena shows COVID-19 symptoms

by Arniel C. Serato
Mar 15, 2020
A 44-year-old male bus passenger from Manila is now considered a Person Under Investigation (PUI), after showing symptoms of COVID-19 upon his arrival in Lucena. Health authorities said his co-passengers are now considered Persons Under Monitoring (PUM).
PHOTO/S: Courtesy: GMA News Online / Peewee C. Bacuno on Facebook

Isang lalaking pasahero ng bus mula Metro Manila ang nakitaan ng sintomas ng COVID-19 pagdating nito sa Lucena kagabi, March 14.

Itinuturing na siya ngayong Person Under Investigation (PUI), termino para sa mga taong pinaghihinalaang may dalang COVID-19.

Sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, March 15, ang nasabing lalaki raw ay edad 44, residente ng Lucena, at sumakay ng Jam Liner bus.

Ang nasabing bus ay mula sa terminal nito sa Taft Avenue, Manila, at dumating sa Lucena City Grand Terminal alas-10 ng gabi.

Ayon pa raw sa mga health personnel, may lagnat na ang nasabing lalaki noong umalis ito ng Metro Manila.

Ubo rin daw ito nang ubo sa kahabaan ng biyahe.

Tinawagan daw nito ang kanyang kapatid sa Lucena upang sunduin siya sa terminal.

Nag-abiso naman ang kapatid sa health authorities na assigned sa terminal na may darating na isang pasahero mula Maynila na may karamdaman.

Continue reading below ↓

Inantabayanan ng mga ito ang pagdating ng bus lulan ang pasahero.

Nagsuot ang health personnel ng kanilang personal protective equipment (PPE) nang dumating ang bus.

Kaagad nilang kinuhanan ng body temperature ang pasaherong may karamdaman at lahat ng iba pang pasahero.

Pinasulat din sa mga co-passengers ng lalaking may sitomas ang kanilang mga pangalan, address, at contact numbers, at pinakiusapang sumailalim sa mandatory home quarantine.

Kabilang na ang mga pasaherong ito sa grupong Persons Under Monitoring (PUM).

Ayon pa sa health authorities sa Lucena terminal, nagtatrabaho daw sa Makati ang nasabing lalaking nagpapakita ng sintomas, kung saan ang amo diumano nito ay positibo sa COVID-19.

Bineberipika pa ang nasabing impormasyon ng mga awtoridad.

Continue reading below ↓

Samantala, naka-community quarantine ngayon ang buong Metro Manila dahil sa banta ng corona virus disease-2019 o COVID-19.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A 44-year-old male bus passenger from Manila is now considered a Person Under Investigation (PUI), after showing symptoms of COVID-19 upon his arrival in Lucena. Health authorities said his co-passengers are now considered Persons Under Monitoring (PUM).
PHOTO/S: Courtesy: GMA News Online / Peewee C. Bacuno on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results