Metro Manila malls temporarily close during community quarantine period

Mar 15, 2020
MMDA and DTI urged Metro Manila mall operators to temporarily shut down their malls to avoid "non-essential mass gatherings" during the community quarantine period.
PHOTO/S: FREE-PHOTOS FROM UNSPLASH

Pansamanatalang isasara ng ilang Metro Manila mall operators ang kanilang mga establisiyimento kasabay ng "community quarantine" sa Metro Manila ngayong araw na ito, March 15, 2020.

Ang desisyon ay nagsimula sa rekomendasyon ng Metro Manila Authority Administration (MMDA) upang maiwasan ang "pag-gimik" o paggawa ng "non-essential activities" ng mga taga-Metro Manila, lalung-lalo na ang mga estudyanteng kasalukuyang suspendido ang mga klase.

Ani MMDA General Manager Jojo Garcia: "We're also requesting the malls [to close].

"'Wag na natin bayaan mag-shopping pa ng T-shirt, sapatos iyan, pantalon, bagong sofa.

"Hindi, e, hindi kailangan ngayon iyan."

Ayon rin sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF), ang malls ay maituturing na lugar ng mass gatherings, gaya ng movie screenings at entertainment activities, na ipinagbabawal ng Malacañang sa buong rehiyon mula March 15 hanggang April 14—ang duration ng quarantine.

Kinausap rin ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang mall operators sa Metro Manila.

Continue reading below ↓

Base sa interbyu sa kanya ng ABS-CBN News noong March 14, sinang-ayunan daw ng mall operators ang suhestiyon ng gobyerno.

"I have talked to the SMEs (small and medium enterprises) and tenants and mall owners. Okay to sacrifice. Also they can reduce opex (operating expenses) and cut rentals," sabi ni Lopez.

Mananatili namang bukas ang supermarkets, pharmacies, banks, hardwares, at healthcare facilities sa loob ng naturang malls, ayon pa rin sa direktibo ng IATF.

SM SUPERMALLS

Sa panayam ni SM Supermalls President Steven Tan sa DZMM ngayong hapon, sinabi niya na ang kabilang pa lang sa listahan ng mga malls na kanilang isasara ay: SM East Ortigas; SM Center Pasig; Megamall at Podium sa Mandaluyong; SM Store at SM Jazz sa Makati; at Mall of Asia sa Pasay.

Noong oras na iyon ay nakikipagugnayan pa ang kanilang opisina sa mga siyudad o local government units (LGUs), kung saan meron silang mall.

Continue reading below ↓

Aniya, "Actually in support of the government's effort to fight COVID-19, we are working closely with the local government unit to temporarily close the malls in National Capital Region (NCR).

"But we work closely with each local government as long as there is a resolution and as long as they have directives, we will support."

Continue reading below ↓

Bandang 10:50 p.m. sa araw rin na iyon, ikinumpirma na ng SM Supermalls sa kanilang Facebook page ang "temporary closure" ng lahat ng kanilang malls sa Metro Manila simula March 16.

ROBINSONS MALLS

Isasara rin ng Robinsons Malls ang lahat ng branches nito sa loob ng Metro Manila simula bukas, March 16.

Continue reading below ↓

Kabilang dito ang Robinsons Galleria Ortigas, Magnolia, Forum, Metro East, Cainta, Antipolo, Novaliches, Otis, Las Piñas, at Town Mall Malabon.

Ito ay inanunsiyo sa pamamagitan ng isang text message na ipinadala sa programa nina Doris Bigornia at Alvin Elchico sa DZMM noong March 15.

Continue reading below ↓

AYALa MALLS

Idineklara ng Ayala Malls ang "temporary closure" ng kanilang NCR malls.

Sa kanilang Facebook page ngayong araw, sinabi nilang kabilang sa listahan ang Trinoma, The 30th, Vertis North, Feliz, Marikina, Cloverleaf, Manila Bay, Circuit Lane, at Parklinks.

Ang pagsasara rin ng Glorietta at Greenbelt sa March 16 ay kasabay ng pag-implement ni Mayor Abby Binay na isailalim ang Makati "under a state of calamity."

Continue reading below ↓

Ang pagsasara ng malls ay makatutulong upang hindi na madagdagan pa ang 14 confirmed cases ng COVID-19 mula sa Makati.

POWER PLANT MALL

Bukod sa Glorietta at Greenbelt, pansamantalang magsasara rin ang Power Plant Mall sa Makati.

Ayon sa anunsiyo ng Rockwell Land Corporation sa Power Plant Mall Facebook page, ito raw ay parte ng kanilang "continuous efforts" para proteksiyunan ang kanilang customers, tenants, at empleyado, at kanilang pakikiisa sa mga adhikain ng kanilang local authorities.

Continue reading below ↓

Ang Power Plant Mall ay matatagpuan sa loob ng Rockwell Center kung saan tatlong residente sa kanilang condomimums ay nakumpirmang may positive case ng COVID-19.

MEGAWORLD LIFESTYLE MALLS

Kabilang din ang malls ng Megaworld Corporation sa Makati na pansamantalang magsasara simula March 16.

Ang malls na ito ay ang San Lorenzo Place sa Chino Roces Avenue, Three Central Mall sa Valero Street, at Paseo Center sa Paseo De Roxas Street.

Continue reading below ↓

Kasalukuyang wala pang anunsiyo kung magsasara rin ang kanilang malls na Uptown at Venice Grand Canal Mall sa Taguig, Eastwood Mall sa Quezon City, Lucky Chinatown sa Binondo, at New Port Mall sa Pasay.

GREENHILLS SHOPPING MALL

Sinimulan na ng Greenhills Shopping Mall ang temporary shutdown ngayong araw.

Ayon sa report ng CNN Philippines, ang unang confirmed case ng local transmission ng COVID-19 sa bansa ay isang 62 anyos na Pilipino who "frequented a prayer hall at Greenhills Shopping Center in San Juan."

Continue reading below ↓

Siya ay binawian ng buhay noong March 12, habang ang kanyang asawa ay nasawi rin dahil sa parehong sakit noong March 11.

Sarado ang mall sa publiko "until further notice."

VISTA MALLS

Ang Vista Mall sa Taguig, Daang Hari, at Antipolo ay sarado rin sa publiko mula March 16 "until further notice."

Continue reading below ↓

STARMALLS

Inanunsiyo rin ng Starmalls Inc. sa kanilang Facebook page ang pansamantalang pagsasara ng kanilang Metro Manila malls sa publiko.

Kabilang dito ang Starmalls sa EDSA-Shaw at Alabang, pati na rin ang Starmalls PRIMA sa Taguig at Daang Hari.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMDA and DTI urged Metro Manila mall operators to temporarily shut down their malls to avoid "non-essential mass gatherings" during the community quarantine period.
PHOTO/S: FREE-PHOTOS FROM UNSPLASH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results