Ai-Ai delas Alas loses cool with netizens accusing her of hoarding alcohol, hand sanitizers

by Arniel C. Serato
Mar 16, 2020
Kapuso actress/comedienne Ai-Ai delas Alas lambasts netizens accusing her of being insensitive for posting photos of boxes of alcohol and sanitizers when there are areas without any to be bought.
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram

Uminit ang ulo ni Ai-Ai delas Alas sa akusasyong naghu-hoard siya matapos niyang i-post sa Instagram ang larawan ng mga karton ng alcohol at hand sanitizers na para raw sa kanyang mga kliyente.

May mga report na nagkakaubusan diumano ng alcohol sa bansa, lalo na sa Metro Manila, dahil sa pagpa-panic buying ng ilan nating mga kababayan mula nang isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Capital Region sa community quarantine.

Nagsimula ang Metro Manila-wide community quarantine kahapon, March 15, at ito ay magtatapos sa April 14.

Ipinatupad ang nasabing panuntunan upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus na dala ng COVID-19.

Sa caption ng kanyang Instagram post, binuweltahan at minura ng Comedy Queen ang mga netizen na nag-aakusa sa kanya ng hoarding.

Mensahe ni Ai-Ai (published as is): “AI M ready [smiling face with sunglasses emoji] sa mga nag co comments na insensitive ako wala ba kayong positive na mai comment may ncov na o magbago na kayo

Continue reading below ↓

"kaya ako nag post kasi matagal ng orders yan pinapaalam ko lang na dumating na

“UMAYOS NGA KAYO AT LUMAYAS KAYO SA IG KO!!!!

“atsaka Wag nyo ko mumurahin INA NYO RIN NAGBEBENTA LANG AKO !!!!!

“(ATSAKA ENDORSER AKO NG RICH SKIN CARE SILA NAG BEBENTA NYAN GINAWA AKONG SELLER NG MAY ARI)”

Continue reading below ↓

IS AI-AI SELLING ALCOHOL, HAND SANITIZERS?

Komento ng isang netizen tungkol sa post na ito ni Ai-Ai (published as is): “Bakit bigla@kang nagtinda ng alcohol Aiai?

“Sana ang mga clients mo yung badly needed talaga nila like hospitals .kahon kahon yan ah ibig sabihin namakyaw ka din? Naisip ko lang.”

Sagot ni Ai-Ai (published as is): “kailngan ko bang i explain sa inyo sino client ko??? Yung iba simbahan yung iba tindahan.. o tapos???”

Continue reading below ↓

Ipinagtanggol naman si Ai-Ai ng kanyang anak na si Sophie delas Alas.

Sabi niya sa netizen: “since there are people who are hoarding alcohol to sell them for higher price, my mom wanted to help those who need it badly. Namakyaw agad, teh?”

Humingi naman ng dispensa ang netizen sa Kapuso comedienne:

Continue reading below ↓

@msaiaidelasalas ok Aiai ! Sorry for my comment ! Nagulat lang ako kc nagkakaubusan ng alcohol tapos bigla ko nakita na may tinda ka .Wag ka ng ma stress .Sorry again ! God Bless (praying hands emoji) Bati na tayo !”

INSENSITIVE POST?

Isa namang netizen ang nagsabing “insensitive” daw ang post ni Ai-Ai.

Continue reading below ↓

Saad ng netizen: “Hi Miss Ai, in some places and small towns alcohols are out of stock and people are now anxious about our situation.

“Your post is likely insensitive to some who can't even buy even a bottle due to some hoarding disorder in many places.

“Pero alam ko naman na mabait at malaki ang puso mo hopefully these stocks of alcohol goes around to places where it can help many of our kababayans pa. God bless us all!”

Sagot ng komedyana: "order po kasi yan matagal na nila iniintay? Bakit insensitive d ba nakalagay ready for clients baka kasi akala nila scam ako .. umorder ka saken para d ako insensitive .. insensitive agad"

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress/comedienne Ai-Ai delas Alas lambasts netizens accusing her of being insensitive for posting photos of boxes of alcohol and sanitizers when there are areas without any to be bought.
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results